[Feibulous :Hindi masyadong SPG]
Pumasok si Cassandra sa isa sa mga pintuan ng suite. Nagsimula siyang ikutin ang mata sa buong kwarto.
Binuksan niya ang drawer at sakto na may nakita siyang wallet doon. Iniisa-isa niya na ang laman na pera ng wallet, nang pukawin siya ng isang gold dog tag.
Napangisi si Cassandra. Hindi pa nga niya naitatabi ang mga gamit na nakuha nang may magsalita sa likuran niya.
"Who the hell are you?!"
Nanlaki ang mata ni Cassandra nang makita ang isang mahabang espada ang nasa gilid niya. Napalunok siya.
"Turn around and show me your face!" Utos nito.
Dahan-dahan na umikot si Cassandra hanggang sa magtagpo ang mata nila ni Lorenz. Bigla niyang nabitawan ang lahat ng gamit na dapat ay kukunin niya.
Nag-isip siya ng paraan para makaiwas at makatakas sa espada ng binata kaya umikot siya at sumampa sa kama.
"P-please spare my life" nakikiusap na sabi niya.
"No! Who are you?" kalmado na tanong ng binata.
Pumihit sa kanan si Cassandra, ganoon din si Lorenz. Pumihit sa kaliwa ang dalaga at sumunod muli ang binata. Para silang nagpa-patinterong dalawa.
At nais nang matawa ng binata dahil na-amazed siya sa kilos at galaw nito. Halata kasi na hindi naman ito natatakot sa kanya.
Bumaba si Cassandra ng kama at tumakbo patungo sa pintuan ngunit nahuli ni Lorenz ang bewang niya at ibinalibag siya sa kama. Hinagis ng binata ang katana sa isang sulok
"Ahhh!!!!"
Nahawakan ng dalaga ang isang unan at binato iyon kay Lorenz.
"Lu-lumayo ka sa akin!" Nasalo lang ni Lorenz ang unan na binato niya sa binata.
Dumampot muli ng unan si Cassandra at binato sa lalaki, hinahagis lamang ni Lorenz pabalik ang unan na binabato niya dito sa kama. Parang recycle ang mga unan na paikot-ikot sa kanilang dalawa hanggang sa mapagod na ang dalaga.
Nang hindi na makuntento si Lorenz, nagawa nitong hawakan siya sa balikat at itulak sa kama, saka tinanggal ang maskara na tumatakip sa kalahati ng mukha niya.
"S-sandra?" gulat na usal nito.
Natahimik si Cassandra. Ayaw niya kasi na makita siya sa aktwal ni Lorenz na nagnanakaw. May nararamdaman kasi siyang hiya dito.
Umupo ang binata sa isang parte ng kama katabi ni Cassandra.
"Why are you here? Matagal kitang hinanap. Bumalik ako ng ilang beses sa Spain para hanapin ka, hindi ko akalain na sa Korea pa tayo magkikita."
Nagulat ang dalaga sa sinabi nito. Hindi niya rin kasi akalain na babalikan siya doon ng binata.
"Bakit mo ko pinuntahan? Do you… like me?" diretsahang tanong ni Cassandra.
Napakamot si Lorenz sa batok. "Kung sasabihin ko ba sa iyo na 'oo', sasama ka ba sa akin?"
Natigilan si Cassandra sa sinabi nito. Hindi niya akalain na ang isang binata na katulad ni Lorenz ay magkakagusto sa kanya.
She was 27 at amoy-dagat. Kulang na lang mapagkamalan siyang pinaghalong Ariel at Pocahontas ng Disney. Kaya sa paanong paraan ito nagkagusto sa kanya? Ngumiti siya ng mapait.
"But… you can't fall in love with me…" sabi ni Cassandra.
"Why?"
"I'm not an ordinary girl. And… I'm a traitor" mapait na sinabi ni Cassandra. Alam niya na kaibigan ito nito si Prin. Pero hindi siya makapagsalita. Matutulungan ba sila nito?
Napakislot na lang siya ng hawakan ni Lorenz ang pisngi niya.
"Maybe that's the reason why I like you. Because you are not an ordinary girl" saka nito sinakop ang labi niya.
Hindi malaman ni Cassandra kung ano ang meron sa binata para tuluyang na mag-blackout ang isipan niya kapag hinahalikan siya nito tulad nung una.
Tuwing kaharap niya kasi ang lalaki ay dinadala ang isipan niya sa kalawakan.
Hindi rin malaman ni Lorenz kung ano ang mayroon sa dalaga para mapraning siya ng tuluyan. Nagawa niya pang pumunta sa Puerto del Carmen ng limang beses sa loob ng dalawang taon para lang hanapin ang dalaga.
Naramdaman na lang ni Cassandra na kinagat nito ang dibdib niya.
"What kind of poison are you?" bulong nito habang naglalandas ang mga palad.
"...A viper?" saka nito kinagat ang leeg niya.
"... A cyanide?"
"... A poison ivy?" naramdaman na lang niya na unti-unting inaangat ni Lorenz ang palda niya.
"A poison who knew Prin Matsui!" nabigla niyang sabi.
Parang binuhusan ng malamig si Lorenz at umupo.
"Y-you know Prin Matsui?" nanlalaki ang mata na tanong ng binata.
Inayos ni Cassandra ang damit at umupo ng maayos. Hindi siya makatingin kay Lorenz.
"I-promise mo na hindi ka gagawa ng padalos-dalos na desisyon. I will tell you everything..."
"...I will start in a bomb. Prin and I have a small bomb in our head, small as a medicine capsules..."