"Captain, mukhang nagkakagusto si Prin sa prinsipe?" pagbabalita ni Casper kay Captain Yeo. Nasa deck sila ng mga oras na iyon.
Nakatingin sa dagat ang kapitan habang malalim ang iniisip. Inaalala niya ang nangyari ilang oras ang nakalipas, kung paano umismid si Prin kahit nasa likod pa ito ng maskara.
Napakuyom ng palad ang kapitan. "Nasaan siya ngayon? Saka si Cassandra?"
"Sa tingin ko nasa suite sila sa bandang ibaba."
Hindi sumagot ang kapitan. Ininom lang nito ang alak na bitbit at inabot kay Casper ang walang laman na baso. Agad na tinungo nito ang palapag kung nasaan ang suites ng cruise na iyon.
Sumusunod lang si Casper sa kapitan at pinagmamasdan ang bulto nito habang naglalakad. May kung ano si Prin Matsui para masira na naman ang pananaw nito sa buhay. Namatay sa dagat ang asawa nitong buntis, labinlimang taon ang nakalipas na nakilala nila sa Japan. Disiotso-anyos si Captain Yeo nang mga panahon na iyon at katorse lamang si Casper. Naging makulay ang buhay ng kapitan ng mga panahon na nabubuhay ang asawa nito.
Hanggang sa bawiin ang buhay nito kasama ng anak ng kapitan, bumalik sila sa pagpatay at pakikipaglaban sa dagat. Ngunit nitong mga huling taon napapansin niya na iba ang pakikitungo nito kay Prin Matsui.
Casper noticed that he always look at the girl kahit sa malayo. Iba sa pakikitungo nito sa dating asawa, ngunit iba rin sa pakikitungo nito sa kanilang mga kasama nito sa barko. Isang malaking palaisipan kay Casper ang attitude nito sa babae.
"Saan banda ng kwarto ng prinsipe?" tanong ni Captain Yeo nang makarating sila sa palapag at pasilyo, kung saan naroon ang mamahaling kwarto ng cruise na iyon.
"Kapitan, paano kung mahuli nila tayo? Hindi isang ordinaryo si Cally Han." nag-aalala na sabi ni Casper.
"Wala akong pakialam!" singhal nito.
Napayuko na lang si Casper.
Una nilang tinungo ang dulong bahagi ng pasilyo. Tatlong magkakatabi na kwarto ang pinag-iisipan nila kung saan nandoon ang kwarto ni Cally.
"Open it!" utos nito kay Casper.
Tiim-bagang na binuksan ng binata ang pintuan na tinuro nito. Hindi nga sila nagkamali na makita doon ang babae. Bumungad kaagad sa kanila ang nakahiga na katawan ni Prin ng nakatagilid at natutulog. Nakayakap dito si Cally mula sa likuran.
"Hanapin mo si Cassandra. Kunin mo ang lahat ng gamit ni Prin at itapon mo sa dagat ang lahat ng ebidensya dito" bulong ng kapitan.
"Masusunod." ang sagot nito.
Tinanggal niya sa pagkakayakap si Prin mula sa mga bisig ni Cally na halatang lango sa alak saka lumabas ng kwarto na bitbit ang babae at ibinalik sa Maria Celeste 1.
Ilang saglit pa, dumating si Cassandra na hawak sa braso ni Casper pabalik sa barko. Paglabas kasi ng dalaga ng kwarto natigilan siya na makita agad si Casper.
Isang sampal ang binigay dito ng kapitan kaya nasapo nito ang namulang pisngi. Halos namanhid na ang pisngi ni Cassandra dahil sa sampal na iyon.
Kung anu-ano ang pumasok sa isip ni Cassandra. Nalaman na ba nito na nagsabi siya kay Lorenz? At kung anu-ano pa ang pumasok sa isip niya.
"Sinabi ko sa 'yo na bantayan mong mabuti si Prin Matsui!" galit na sabi.
"...Patatawarin kita ngayon pero hindi na sa susunod." ang sabi lang nito saka inutos sa mga kasama na ihanda ang pag-alis nila sa lugar nang gabi rin na iyon.
Nang magising si Prin sa kwarto ng Maria Celeste 1, walang Cally siyang makita sa paligid, sa halip karagatan ang bumungad sa kanya.
=====
Unang ginawa ni Lorenz nang malaman niya ang tungkol kay Prin mula kay Cassandra ay nanghingi siya ng payo kay Madam Lira na kasalukuyang nasa UK. Tinawagan niya ito gamit ang telepono sa cruise.
"Mama Lira, buhay si Prin pero hawak siya sa leeg ng mga Pirata." iyon ang binungad niya sa may-edad na babae.
Kinuwento ni Lorenz sa matanda ang lahat ng sinabi sa kanya ni Cassandra.
"They have this bullet bomb na kapag gumawa sila ng hindi naaayon sa kagustuhan ng kapitan ng barko, posibleng katapusan na nila. Iyon daw ang rason kung bakit hindi sila makaalis sa poder ng kapitan. For a couple of years, they are sailing around the world."
"Did you tell Cally?" nag-aalalang tanong ng matanda sa kabilang linya.
"Ang totoo, isa sa mga dahilan kung bakit ako tumawag sa inyo ay dahil ayokong sabihin kay Cally, Mama Lira. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin. Baka ikapahamak pa ni Prin ang pagkilos ng Shi."
"That's right! Do not tell this to anyone. I'll seek help with Park family to get Prin."
Napatango si Lorenz . Tulad ng inaasahan ililihim nila ang tungkol sa asawa ng Shi.
"Ask Matthew instead. Mas mabilis natin makikita si Prin kung tutulungan niya tayo."