Chapter 191 - Finding the girl

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nang magmulat ng mata si Cally, unang hinanap ng mga mata niya ang mukha ni Prin na tumatak sa isipan niya nang nagdaang gabi. Nilapat niya ang buong likuran sa kama.

Nasapo niya ang kumikirot na sentido. Saka parang wala sa sarili na tumitig sa kisame. Isa-isang pumapasok sa isipan niya ang mga imahe na naganap.

Prin in a yellow dress, she said she missed him so much... She is crying...

He begged her to come back...

Tumayo si Cally at tumuloy sa restroom para maghilamos.

Paglabas ay pumukaw sa kanya ang maskara na nasa ibabaw ng cabinet. Dinampot niya iyon. Natatandaan niya na pagmamay-ari iyon ng babaeng nakasayaw niya nang nagdaang araw.

'Damn!'

Lumabas siya para katukin sa katabing kwarto si Lorenz bitbit ang maskara. Walang tao sa loob kaya naisip niyang si Kai ang sunod na hanapin. Kinatok niya ang pintuan ng kwarto ng mga ito.

Nagbukas ang cabin suite nito at bumungad si Kai na nakaroba at naghihikab. Doon niya lang naalala na nasa honeymoon stage nga pala ito at ang bagong kasal na si Bella.

"I'm sorry kung naistorbo kita. I forgot na nasa honeymoon ka nga pala."

Kumunot ang noo ni Kai. "May kailangan ka ba Shi?"

"Yes. Can you ask someone kung sino ang may-ari nitong maskara?"

"Hi Cally!" nilitaw ni Bella ang ulo niya sa gilid ng katawan ni Kai. Nakaroba din tulad ng asawa nito.

"I'm sorry Bella, kung naistorbo ko kayong dalawa." seryoso ang mukha na sabi niya. Sa loob ng ilang taon nakalimutan niya na yata ang ngumiti.

Lumipat ang tingin ni Bella sa hawak niyang maskara at kumunot ang noo nito. "hmmm... I saw it from the girl last night"

"Y-you saw her?"

"Yes. she said she was a dark guard"

Napapikit si Cally at lalong sumakit ang ulo niya.

"Bakit Shi?" napansin ni Kai na lalong sumama kasi ang mukha ni Cally.

"Kai, I know that you are in a honeymoon, but can you look this girl for me bilang leader ng Black Guards?"

"M-may ginawa ba sayo ang Dark guard na 'to?" hindi naiwasan na itanong ni Kai.

"Yes, I... I had a one-night-stand with this girl"

Kai and Bella "..."

Nanlaki ang mata ng bagong mag-asawa at nagsimulang mataranta si Kai. "O-okay, Shi. hahanapin ko na kung sino ang Dark Guard na ito. Agad-agad! See you sa restaurant sa taas." sabi ni Kai saka sinara ang pintuan at hinarap si Bella.

"My Angel, This is urgent. Alam mo na hindi basta-basta ang posisyon ni Cally. Hindi ko alam kung sino ang Dark Guard na ito na lumapastangan sa katawan ng Shi but this is definitely not good." Hindi alam ni Kai kung ano ang nasa isip ng Dark Guard na may ari ng maskara.

"Yes! that is definitely not acceptable! How come he forget about my friend, Prin!" humalukipkip si Bella at saka ngumuso.

"When you see that GW8, parusahan mo ng mabuti! Ang lakas ng loob na akitin si Cally." naiinis na sabi nito.

Nanlalaki ang mata ni Kai nang madinig ang mga sinabi niya. "W-what did you say?"

"What? na --Ang lakas ng loob na akitin si Cally?"

"No"

"Parusahan mo ng mabuti..."

Parang mababaliw si Kai. "No. Y-you mean the girl is GW8?"

Tumango si Bella.

"Oh my god!" natulala si Kai at napaupo sa kama. Parang ayaw niya na lang umalis sa kwarto na iyon dahil parang masisiraan siya ng ulo kapag lumabas siya.

Kinuha ni Kai ang cellphone at tinawagan si Lorenz.

"Sh-shogun! I need your help." bungad niya dito.

"I am busy with Mat-mat"

"This is urgent, Shogun!"

"F*ck, ano ba iyon? Ipapasa kita dito kay Mat kung tungkol sa pag-giling ang concern mo." halatang iritable na rin at na-te-tense na rin ito sa kabilang linya na pinasa ang telepono sa cool na cool lang na si Mat-mat.

"Hi Kai Jang. Ano ba tong emergency mo? Don't tell me na naging nata de coco na ang laman ni Taguro kaya kailangan mo ng tulong?" nakangisi na sabi nito sa kabilang linya.

"Gagu! Pakyu ka! huwag na huwag kang magpapakita sa 'kin!" angil niya dito.

Kahit pa sanay na siya na inaasar nito. Gusto niya itong bugbugin sa oras na iyon. Sino ba ang matutuwa na naging nata de coco na ang swimmers niya sa tagal na na stock sa loob ng mahabang panahon?

Tumawa naman ito sa kabilang linya.

"'wag ka na magalit baby." sabi nito sa kabilang linya.

Si Bella naman ay walang naiintindihan sa mga aksyon ng asawa niya kaya pumasok na lang muna siya sa CR para magbihis.