Chapter 193 - She's pregnant

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi na pinansin ni Cally ang tatlo at hinarap si Lorenz. "I am going back to Manila. But please find the girl I was with last night. Ayokong magkaroon ng problema 'pag dating ng araw."

"Last night? D-do you know who's the girl?" natigilan si Lorenz at hindi nawawala ang kaba niya habang nakatingin kay Cally.

Umiling si Cally. "I was drunk... Anyway, I am going back today. I'll give you three days para sumunod sa akin sa Maynila. Mat, please help Lorenz. And Kai, I'll give you a month off para makapag-bakasyon kayo ni Bella"

Matapos sabihin ang lahat, iniwan niya na ang grupo para umalis ng bansa at bumalik sa Maynila para tumulong sa opisina.

Ang sumunod na ginawa ni Lorenz ay hanapin ang barko na may pangalan na 'Maria Celeste 1'

=====

Matapos ang ilang linggo, hinila ni Prin si Cassandra sa kusina isang araw. Kasalukuyan silang nasa Mediterranean Sea.

"Sandra, tapatin mo ako. Paano ako nakabalik dito sa barko nang gabi ng masquerade? I thought it was a dream na nakasama ko ang asawa ko ng gabi na iyon. But everything was real. I have hickeys all over my body and I don't have underwear on me." tanong niya sa kaibigan.

She still remembers his last message 'Prin Matsui, I miss you so much, please come back.'

What about Cally? Does he remember her that night? Mitsa na ba iyon para hanapin siya nito?

Lumingon muna sa paligid si Cassandra bago niya hinarap si Prin at dinala sa sulok. "Prin, binantaan na ako ni Captain Yeo na huling chance na ang araw na iyon na binigay niya sa akin. Kung magkakamali pa ako, papatayin na niya ako ng tuluyan."

Sa tingin ni Cassandra, si Prin din ang dahilan kung bakit siya nananatiling buhay. Dahil sigurado na kasusuklaman lalo ng kaibigan niya ang kapitan.

Tila umikot ang paningin ni Prin at hinalukay ang sikmura niya. Maalon pa ang karagatan at ang galaw ng barko na nakadagdag sa sama ng pakiramdam niya.

Tinungo niya ang palikuran na nasa tabi saka sumuka. Butil-butil na pawis ang isa-isang nagsipaglabasan sa noo niya at nakaramdam siya ng lamig.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Cassandra. Inupo siya nito sa silya saka pinaypayan gamit ang cardboard na nadampot lang nito sa kung saan.

Sinandal ni Prin ang buong leeg niya sa headrest ng silya na gawa sa kahoy habang pinapaypayan ni Cassandra.

"That's why I am asking you Sandra, because... I'm pregnant" nahihilo na sabi niya.

Nanlaki ang mata nito.

"You are pregnant?!" tanong mula sa malaki ang boses na nagmumula sa lalaking nasa pintuan.

Sabay nilang nilingon si Casper.

Malaki ang katawan nito. May anim na talampakan siguro ito at matapang ang dating ng anyo ng mukha. Hindi pa niya nakita na ngumiti ito kahit isang beses. Kung tutuusin, naaalala niya ang daddy niya na si Rob Matsui sa lalaki.

"Yes, I'm pregnant. How about it?" sarkastikong tanong niya dito.

Hinila siya nito. Nagpatianod lang si Prin sa kung saan man siya dadalhin nito pero hindi niya hahayaan na saktan sila nito ng anak niya.

"Ca-casper, please... Bitiwan mo si Prin." nag-aalala na hiling ni Cassandra at sumunod sa kanila.

Dinala siya nito sa opisina ng kapitan na nasa pinakataas na palapag ng Barko. Tinulak lang siya nito sa sahig. Dahil nahihilo pa si Prin, dumausdos siya sa sahig na gawa sa kahoy.

"Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Captain Yeo. Matalim ang tingin na pinukol nito kay Casper saka nilipat kay Prin. Si Cassandra ay nag-aalala sa likuran dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na magaganap.

"Kapitan, buntis si Prin Matsui!" pagbibigay-alam ni Casper na sinabi agad ang pakay.

Nagtagis ang bagang ng kapitan. "Dalhin si Cassandra sa judgement plank!" matigas na utos nito.

Bumalot ang takot sa mukha ni Cassandra. Hinawakan ito ng mahigpit sa braso ni Casper. Saka nagsimulang hilahin patungo sa Judgement plank.

Tumingin ng masama sa kanya ang kapitan at parang sinasabi na sisihin niya ang sarili niya sa magaganap sa kaibigan bago ito sumunod kay Casper at Cassandra.

Nagalit si Prin na sumunod din sa mga ito. Narinig niya ang bell na hudyat na may itutulak ang mga kasama sa judgement plank kaya lalong nag-apoy ang mata niya sa galit.

Naabutan niya si Cassandra na lumuluha na pinaakyat ng judgement plank. Isang tabla iyon sa likod na bahagi ng barko. Tinawag iyon na judgement plank dahil kusang tatalon ang kung sino man na may sala sa dagat.

Pinalilibutan ito ng mga kasama habang nakatutok dito ang espada, patalim at kung ano pa para kusang tumalon ang babae sa dagat.

Sinuntok niya ang isang lalaki na nasa gilid na may hawak ng espada na nakatutok kay Cassandra. Kinuha niya ang espada nito saka walang awang hiniwa ito sa tiyan. Sa bilis ng kilos ni Prin, nabigla na lang ang iba pa nang biglang bumagsak ang taong iyon sa gilid.