Chapter 194 - She's pregnant (too)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Siyam na metro ang layo ng Judgment plank mula sa pinaka-ibabaw ng dagat. 

Sumampa siya sa dulong bahagi ng barko na nasa unahang bahagi ni Cassandra na nakatuntong sa Judgement plank, upang protektahan ang kaibigan. Dahil tumuntong siya sa mas mataas na bahagi, kita niya ang lahat ng mga kasama sa barko na iyon. 

Diretso niyang tinitigan sa mata si Captain Yeo na nasa likuran ng mga lalaking may hawak na patalim na nakatutok sa kanya

"Hindi si Cassandra ang may kasalanan kaya bakit siya ang huhusgahan niyo?!" galit na tanong niya.

"Hmp! Kung ganoon, mas gugustuhin mo ba na mapahamak ang anak mo kaysa kay Cassandra?" nakaismid na tanong ni Casper.

Natigilan si Prin. Muntik niya nang makalimutan ang tungkol doon. Nakatutok pa man din ang mga patalim ng mga ito sa kanya. 

"Kung ganoon, sisiguraduhin ko muna na maubos kayong lahat bago ang anak ko." saad ni Prin at ipinorma ang hawak na espada paharap sa mga ito.

"Casper!" tawag mula kay Captain Yeo na nasa likuran. Binigyang daan ang kapitan ng mga kasama nito. Naglakad ang kapitan hanggang sa harapan ni Prin, isang metro ang layo mula sa kanya. 

Pailalim niya itong tiningnan. 

"Hindi ka ba natatakot na pwede kang mamatay ano mang oras dahil nasa akin ang buhay niyong mag-ina. Look around you. Wala ka ngang makita na kahit na ano sa paligid bukod sa karagatan."

Ngumisi si Prin. "That's right! Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hinahayaan mo akong mabuhay. I want to get out of this hell!"

Mas dumoble ang pag-aalala ni Prin dahil nagdadalang-tao siya at ayaw niyang mabuhay ang anak niya sa impyernong lugar na iyon. Kaya hangga't maaari ay nais niya nang makaalis sa barko na iyon.

"Do you think it's simple to get out of this place? Lahat ay may kapalit Prin Matsui." sabi sa kanya ng kapitan.

"Kung pera ang kapalit, I can give you money. Do you want billions? I can ask my Dad to give you billions. My dad owns hundreds of White Devil bars around the world. It's easy for me to get monnies."

Napakuyom ang kamao nito. 

"But I don't like money." tumingin ito sa tiyan niya. "Hahayaan kita na umalis, pero iiwan mo sa 'kin ang anak mo. How's that?"

Natigilan si Prin at mas tumalim ang paningin niya dito. "I'd rather die then!"

Natahimik si Captain Yeo. 

"Fine!" may dinukot itong remote sa bulsa. Nagsimulang kabahan si Prin

"Are you sure you want to die?" tanong nito. 

"You are beast!" sa halip ay singhal niya dito. 

"3..." nagsimulang bumilang ang kapitan habang inaaral ang kilos at galaw niya. 

Nagsimula na rin siyang magdasal. 

"2…"

"Stop it!" sigaw ni Cassandra na umiiyak na sa likuran. 

"It's my fault! You want me to die, right? Then fine! Kill me!" nagluluha na ang mata nito. 

"Walang kasalanan si Cassandra! Ano ang kailangan mo kapalit ng mga buhay namin" tanong ni Prin sa Kapitan. Tumitig lang ito sa kanya. 

"Just stay…" ang tanging sagot nito. 

Umikot ito at hinarap ang mga kasama. "Everyone! Walang mamamatay ngayon!" matigas na utos nito. 

Napanganga na lang ang lahat dahil sa sinabi ng kapitan. Kahit si Casper ay nangagalaiti sa pagkainis dahil tulad ng inaasahan pinagbigyan na naman ng kapitan si Prin Matsui. 

Tuluy-tuloy lang na naglakad ang kapitan at hindi na nagawa pang lumingon sa kanila. 

Kinuha niya ang kamay ng kaibigan at hinila ito mula sa judgement plank saka niyakap ng mahigpit. 

=====

Sa parehas na oras… 

Katatapos lang ni Bella sa interview, alas onse ng gabi. Isang night talk show 'yun na ine-ere ng live sa TV. Sa interview pa lang ay pinilit na niya na magpaka-kalmado kahit pa iba ang nararamdaman niya. 

"Bella, here are your schedules" inabot ni Ms. Yolly ang tablet nito kay Bella para ipakita ang schedule niya sa loob ng isang buwan. 

"Ms. Yolly, I can't really understand. Sobrang nahihilo po ako." nanghihinang sabi niya. Nagsimula nang lamigin si Bella at kakaiba ang sama ng pakiramdam niya. 

Magdadalawang buwan pa lang siyang kasal kay Kai na madalas pa rin na nasa ibang lugar pero pinipilit nito na makauwi sa bahay nila para lang makita siya at makasama. 

"Ms Yolly, pakitawagan po si Hunter--" hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang mawalan siya ng malay. 

"Bella --" ang huling nadinig niya. 

Nagising si Bella na naroon na siya sa hospital bed at unang nasilayan si Kai na hawak ang kanang kamay niya. 

"Kai…" tawag niya dito. 

"My Angel…" ginamit nito ang isang kamay para haplusin ang pisngi niya. 

"...I'm sorry kung hindi kita naalagaan ng mabuti. Masyado kasi kaming busy ng Shogun. Napagod ka tuloy masyado sa trabaho dahil madalas akong wala sa bahay." hinalikan nito ang kamay niya. 

"Ako ang magso-sorry, nag-alala ka tuloy ng sobra sa akin." malungkot na sabi ni Bella. 

Nilapit ni Kai ang labi nito sa kanya. Isang katok ang nagpahiwalay sa labi nila ng asawa at bumungad si Christen na doktor sa ospital na iyon. Pagmamay-ari nito ang hospital kung saan naroon si Bella. 

"MB5, seriously! Akala ko ba ay busy ka sa ibang bansa?" 

"Christen, alam ko na naiingit ka lang sa lovelife ko. Palibhasa, hindi ka pinapansin ni Doc Mikko na kuya ko." 

"Sige mang-asar ka pa! Hindi ko sasabihin na may little angel ang Angel mo" banta nito.