Kasalukuyang nasa North Sea ang barko ni Captain Yeo. Patungo na naman sila papunta sa kung saan.
Dahil malamig ang klima sa lugar, nanatili si Prin malapit sa chimney na nasa loob ng kwarto niya. Tanging fleece lang ang ibinalot niya sa katawan para makaramdam ng init kahit papaano.
Sa mga nakalipas na taon may isang beses na silang nagpunta doon sa parte ng dagat na iyon, pero iba ang pakiramdam ni Prin lalo at nagdadalang tao siya. Walong buwan na ang tiyan ni Prin at ano mang oras ay manganganak na siya.
Nilapitan siya ng kapitan nang hindi niya namamalayan. May inaabot itong jacket sa kanya. Tiningnan lang ni Prin iyon at hindi niya inabot ang bagay na iyon. Nananatili na malamig ang pakikitungo niya dito sa loob ng mahabang panahon.
"Kunin mo na ito para sa anak mo. Sa loob ng ilang buwan, manganganak ka na. Ayaw mo naman siguro na magdusa ang anak mo sa lamig dito." Sabi nito na hindi binabawi ang jacket.
"Kung concern ka talaga sa akin. Mas mabuti pa na hayaan mo na lang ako na makaalis dito sa impyerno na ito." Malamig na sabi niya.
Binalot ng kapitan ang jacket sa kanya sa ayaw at gusto niya. Tiningnan lang ni Prin ng masama ang lalaki. Hindi niya na pinag-aksayahan pa na tanggalin iyon dahil tinulungan ng jacket nito ang lamig na nararamdaman niya.
Tumabi ito sa kanya sa harapan ng chimney.
"Gusto ko nang umuwi! Naghihintay sa akin ang asawa ko" sabi niya dito.
Simula ng gumising siya sa barko na iyon hanggang sa mga oras na iyon, madalas niyang hilingin dito na gusto niyang umuwi. Naging ordinaryo na nga yata ang hiling niya na umalis na sa lugar na iyon.
"Pero hindi ganun kadali… Sa loob ng ilang taon, nasanay ka na dito sa barko. Ni minsan ba ay hindi mo ninais na manatili?"
Tumawa ng malakas si Prin saka tiningnan ang kapitan na para bang malaking biro ang sinabi nito. O kaya naman ay parang isang dumi ito sa paningin niya.
"Tsk! Alam mo kapitan, joke ba yang sinabi mo? Halos araw-araw kong isinusuka ang lugar na ito. Araw-araw akong humihiling na sana ay makaalis na ko dito. Lalo pa ngayon, ayokong manganak dito sa pesteng barko mo"
Halata na nasaktan ito sa sinabi niya.
"Kung ganoon bakit si Mayu ay pumayag sa akin noon na manatili dito?"
Nagtaas ang kilay ni Prin. "Kung sino man si Mayu, we are different!"
"She's my wife" malungkot na sabi nito. Hindi na ito sinagot ni Prin.
"...Nasa Greece kami ng kinain siya ng dagat sa beach. She was also 8 months pregnant at that time" malungkot na sabi nito.
"...Ano ang pwede kong gawin para gustuhin mo na manatili dito?" Lumingon ito sa gawi niya.
"Wala. Dahil hindi dito ang buhay ko. I am married." Sagot niya.
"If you're married, bakit nagawa mo pang akitin ang prinsipe? Ginawa mo ba iyon para matulungan ka niya na makaalis sa poder ko? Lalo na ngayon na ipinagbubuntis mo ang anak niya"
Nagtaas ang kilay ni Prin. Kung ganoon alam nito ang tungkol kay Cally.
Sasagot pa sana si Prin nang may madinig silang ingay. Isang malaki at nakabibinging ingay. Sigurado na may barko na tumabi sa kanila at pinahihinto sila.
Tumutunog din ang bell ng Maria Celeste 1 na ibig sabihin ay tinutugis ang barko na iyon.
Kinabahan si Prin para sa lagay ng anak niya.
Umakyat ang kapitan sa main deck. Sumunod si Prin. Pagdating sa main deck, nakapalibot ang mga kasama niya. Halos lahat yata sila ay naroon para makiusisa. Nakatingala ang lahat sa itaas kung saan nandoon ang main deck. Pinahinto ang Mari Celeste 1 ng doble na laki na barko.
May maririnig pa ring bell sa paligid.
"We are here for Prin Matsui" pumailanlang mula sa tatlong malaking speaker na nakakabit sa barko na iyon.
Kinabahan si Prin. Napalingon ang lahat ng kasama niya sa kanya dahil narinig ng mga ito ang pangalan niya. Kahit si Captain Yeo ay nilingon siya.
"Talk to me first as a captain of this ship!" Matigas na sigaw ni Captain Yeo.
Ilang saglit pa, isang lalaki na may cleancut na buhok ang sumilip sa kanila. Nakasuot ito ng puting polo na pinapatungan ng windbreaker na itim. Mukhang purong korean.
Sigurado si Prin na hindi niya pa nakita ang tao na iyon. Kaya bakit siya nito kailangan?
"I'm going to talk to you then" sabi nito.