Chapter 196 - I'm Aiden Park

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
May inilabas na puting hagdan na gawa sa bakal ang malaking barko para mapababa ang koreanong lalaki. Pinagmasdan ni Prin ang pagkatao nito at nasisigurado siya na isang Dark Lords ang lalaki, kaya nabuhayan siya ng pag-asa. May awra kasi ang pagkatao nito na halatang pinamumunuan nito ang isa sa pitong pamilya.

Mukhang hinanap siya ni Cally.

"Do you know him?" tanong ni Cassandra kay Prin.

Hindi niya malingon si Cassandra dahil tutok ang paningin niya sa lalaki na may taas na anim na talampakan at isang pulgada. Kamukha ng lalaki si Lee Joon-gi. Tingin ni Prin ay nasa trenta mahigit na rin ang edad nito. Kaya nga unang napansin niya na koreano ito.

"I'm here to talk to you!" Matapang na saad nito kay Captain Yeo.

"Doon tayo sa opisina ko" ang sinagot ng kapitan at tumalikod na naglakad paakyat sa mataas na deck kung saan naroon ang opisina nito.

Napansin ng koreano ang bilog na bilog na tiyan ni Prin, hindi ito nagtanong at basta na lang sumunod sa kapitan patungo sa maliit na opisina nito.

"Kaanu-ano ka ni Prin Matsui?" Diretsong tanong ni Captain Yeo matapos maisara ang pintuan.

"Both of us are living in the same organization. I'm Aiden Park, a Dark Lord member."

Natahimik naman ang kapitan. Halatang may alam ito sa organisasyon na binanggit niya. Tinungo nito ang alak sa gilid at nagsalin sa baso.

"Kung hindi ako nagkakamali, may plano kang kunin mula sa akin si Prin Matsui."

"Yes" simpleng sagot ni Aiden.

Inabot ng kapitan ang isang baso ng alak kay Aiden at ang isang baso ay diretsong ininom ng kapitan. "Paano kung hindi ko siya ibigay sa 'yo?"

Doon napangisi si Aiden. "Hindi ako matatakot na palubugin ang barko na ito sa dagat anumang oras"

Natahimik ang kapitan, tapos ay tinanaw nito ang bintana sa labas.

"Paano mo nalaman na nasa akin si Prin Matsui?"

"Nasa Denmark ako para kunin ang parte ng tax mula sa hari nang makita ng mga tao ko na naparoon si Prin Matsui." Ang idinahilan ni Aiden. Hindi niya maaaring sabihin na si Cassandra ang nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa bagay na iyon.

"Ngunit nasa akin nakasalalay ang buhay ni Prin Matsui at ng anak niya."

Napangisi si Aiden. "At nasa akin naman nakasalalay ang buhay ng barko mo. You know what I mean..."

"... buntis si Prin at anumang oras ay manganganak siya. Hindi maganda na manganak siya sa karagatan. Babayaran ko sa halip ang buhay niya. Handa ako na ibigay ang barko na nasa tabi kapalit ni Prin Matsui."

Lumingon kay Aiden ang kapitan. Hindi niya kailangan ng barko na ipapalit sa Maria Celeste 1 dahil lahat ng ala-ala ng yumaong asawa ay nasa barko na 'yun.

"Isang bilyon." Sa halip ay sabi ng Kapitan kay Aiden.

"...Isang bilyon at anumang oras ay maaari mo na siyang makuha." Nagsalin muli ito ng alak sa baso saka diretsong ininom. Bumalot ang kalungkutan sa mukha ng kapitan.

Walong buwan din na buntis noon ang asawa niya na si Mayu ng bawiin ito sa kanya. Ngayon, walong buwan din na buntis si Prin at babawiin din ito sa kanya. Nasanay na siya na hanggang tingin lang mula sa malayo ang kaya niyang gawin kay Prin dahil kinasusuklaman siya nito.

"You like her." Biglaang puna ni Aiden.

Inangat lang ni Captain Yeo ang paningin sa koreanong si Aiden Park. "Pero sinusuka niya ako, kaya nga maaari mo na siyang kunin."

Napangiti lang si Aiden bilang sagot. Madami siyang nabalitaan tungkol sa relasyon ni Cally at ng babae kaya kahit sino ay isusuka talaga nito. Malalim ang pagmamahalan ng mag-asawa ayon sa mga nakalap niyang impormasyon.

May kinuhang telepono mula sa bulsa si Aidan Park at agad na nagbigay ng instruction sa kausap upang dalhin ang isang bilyon doon sa barko.

"Ang babaeng kasama ni Prin, nais ko rin siyang makuha" pagbibigay alam ni Aiden.

"Hindi na maaari si Cassandra." Matigas na sabi ng kapitan.

Tinitimbang naman ni Aiden kung ipipilit niya na kunin si Cassandra mula sa kamay nito. Malaking puntos na kung tutuusin na mabawi niya si Prin mula sa kamay nito para sa transaksyon na iyon.

Ngunit malaking tulong din ang babaeng si Cassandra kung bakit nila mababawi si Prin Matsui. At wala sa bokabularyo ng Dark Lord na magkaroon ng utang.

"Paano kung ipilit ni Prin na isama si Cassandra?" Nagawa na lang niyang idahilan.

Natahimik ang kapitan. Sigurado kasi na ipipilit nga nito na isama si Cassandra.

Ilang saglit lang, nakarinig naman sila ng matinis na tunog. Napangiti si Aiden.

"Nandiyan na ang pera kaya maaari ko nang bawiin si Prin Matsui"