Chapter 197 - Act like Jon Snow

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Madalas mapansin ni Cally na may ibang pinagkakaabalahan ang Shogun at madalas din nitong kausap si Mat-mat ng palihim. At hindi maiwasan na magtaka siya.

"Uncle Brent, can you hack Matthew's laptop?" Tanong niya dito isang araw kahit pa alam niyang nasa ibang bansa ito kasama ang asawa nitong si Kiana.

"Of course I can do that, but it will take time. Sigurado na makikita at mahuhuli niya ako kapag hindi ako nag-ingat. Mas mabuti pa na lasingin mo siya para magawa ko iyon." Nakangisi na sabi nito sa kabilang linya.

Kaya isang araw ay inaya niya ang pinsan na si Mat-mat para uminom sa White Devil.

Kalmado lang si Cally habang nilalasing ito. "Gusto kong malaman kung hanggang ngayon ba ay hindi niyo pa rin natatagpuan ang babae na pumasok sa cabin ko apat na buwan ang nakaraan?" Tanong ni Cally dito. Isa pa ang bagay na iyon sa ipinagtataka niya.

Wala ni isa kay Lorenz, Kai o Mat-mat ang makapagbigay sa kanya ng pangalan ng taong iyon.

"'Wag mo nang intindihin iyon pinsan. Hindi ka ba nag-enjoy kaya mo siya hinahanap? Sa lahat ng nakaranas ng one-night-stand, ikaw 'yung naghahanap sa partner niya?" Napapailing na sabi nito. Halatang may tama na ito ng alak.

Tinungo nito ang dance floor ilang saglit lang at parang baliw na nagsayaw ito sa gitna. Kapag nakita nito ang mga pinaggagawa nito doon, siguradong isusumpa siya nito kinabukasan.

Gayunpaman, naabisuhan niya agad si Brent na maaaring na nitong pasukin ang laptop ni Mat-mat. Napapailing na lang si Cally habang pinapanood ang pinsan niya na sadya niyang nilasing para sa maliit na impormasyon.

Para itong si Mr, Bean na sumayaw sa gitna ng dance floor kaya baka sa susunod ay hindi na siya makahingi pa ng tulong mula dito.

"Cally?" Napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita si Donna na dating Dark Guard trainee na kasabay nila ni Lorenz sa first batch.

Kasali ang dalaga sa umalis sa training noon dahil hindi nagustuhan ng magulang nito na napalayo ang dalaga.

"How are you?" Masayang bati nito at niyakap pa siya.

"Ayos lang naman." Walang ngiti na sagot niya.

"I heard what happened to Prin, oh I'm sorry! Me and my bad mouth" paghingi agad nito ng paumanhin.

Tumango lang siya dito, hindi ngumiti. Ilang saglit pa, nag-ring ang cellphone niya dahil tumatawag si Brent.

"Donna, pinsan ko 'yung sumasayaw na iyon sa dance floor, paki-tingnan muna siya kung okay lang." Sabi ni Cally dito habang turo si Mat-mat.

Nagtaas ang kilay ni Donna nang makita si Mat-mat sa gitna ng dance floor. Gusto niya sanang umangal pero dahil matagal na silang magkaibigan ni Cally napa-oo na lang siya dito.

"Uncle" sagot ni Cally nang makalabas.

"Hindi ko alam kung matutuwa ka sa sasabihin ko, pero siguro mas maganda na umuwi ka ngayon sa apartment mo. I will send you the email and will give you the information that you were asking. But please do not act like you used to be. Much better if you act like you know nothing, like 'Jon Snow'." Mahabang paliwanag nito.

Sinunod ni Cally ang payo ng tiyuhin niya, umuwi siya sa apartment na nabili niya ilang buwan pa lang ang nakaraan at unang hinarap ang computer.

Nabili niya ang apartment na iyon dahil mas gusto niyang mapag-isa.

Nagsimula siyang kabahan sa kung ano man na ipinadala sa kanya ni Brent. Kumakabog ang dibdib niya na tinungo ang computer niya sa bahay.

Binasa niya ang files na pinadala ni Brent sa kanya na lahat ay tungkol kay Prin. Nanlalaki ang mata niya habang binabasa iyon. Wala siyang tinira kahit isang letra sa pagbabasa.

May larawan pa si Prin sa files, ang babaeng naka-dilaw na gown. Lahat ng impormasyon ay naroon. Kahit ang mga taong involve sa plano kung paano ililigtas si Prin ay nasa files.

Kung saan huling nakita si Prin sa loob ng apat na buwan, ang tungkol sa capsule bomb, kay cassandra at kung ano ang naging buhay ng asawa niya sa loob ng anim na taon.

Nasaktan si Cally sa hirap na pinagdaanan ni Prin.

Hindi niya masisisi ang Mama Lira niya kung mas pinili nito na ilihim sa kanya ang pinagdadaanan ni Prin dahil katulad sa oras na iyon, gusto niyang hanapin ang barko at pasabugin iyon.

Kaya sa loob ng ilang buwan, katulad ng paglilihim sa kanya ng Shogun at Madam Lira, inilihim niya rin na may alam siya sa nangyayari at lihim din na kumilos para matagpuan si Prin.

Halos magkasunuran lang sila ng grupo ni Aiden na nakakakuha ng impormasyon tungkol kay Prin. Kung may hindi lang sila alam sa totoong lagay ni Prin. Iyon ay ang pagdadalang-tao ng asawa niya sa loob ng ilang buwan.