Unang beses na magkita si Prin at Aiden kaya hindi niya akalain na ang binata ang madalas niyang madinig kay Cally noon.
Malapit lang ang North sea sa UK kaya mas pinili ni Aiden na dalhin si Prin sa poder ni Madam Lira.
Tulad ng inasahan, hindi pumayag si Prin na iwan si Cassandra sa Maria Celeste 1, kaya walang nagawa ang kapitan kundi ibigay silang parehas kay Aiden.
Sinakay sila sa Skyjet ni Aiden na naghatid ng pera sa barko ni Captain Yeo para mabilis na maiuwi si Prin. Walang problema kahit malaki ang binayad niya sa kapitan. Mas halaga pa rin na maligtas ang asawa at anak ni Master Cally. May kapalit naman ang lahat ng pera na binayad niya dito.
Una na nga, ang tiwala mula sa Kent Family.
Nakaramdam ng kakaibang emosyon si Prin nang makasakay sa Skyjet na iyon. Sa unang pagkakataon, ramdam niya na malaya na siya.
"Aiden, how did you know na nandoon ako sa barko? Paano mo nalaman na nasa Maria Celeste 1 ako?" usisa niya habang hinihintay na makarating sa tahanan ng mga Kent.
Lumingon ito kay Cassandra. "She tipped the Shogun"
"Y-you've met the Shogun?" gulat na tanong ni Prin kay Cassandra.
"His name is Shogun?" tanong din ni Cassandra.
Sa loob kasi ng ilang taon hindi niya alam ang pangalan ng lalaki na kaibigan ni Prin. Hindi niya sinabi kay Prin na nakausap niya ang kaibigan nito na hanapin sila dahil masyadong delikado sa barko.
Dahil bawat kilos nila ni Prin ay binabantayan ni Casper.
"No. His name is Lorenz. It's a long story why we called him shogun." paliwanag niya. Tumango-tango ito.
'Lorenz pala ang pangalan ng lalaking iyon.' Nakakatawa na nagpahalik na siya dito at nagawa na nito na panggigilan ang katawan niya ngunit ng oras lang na iyon niya nalaman ang pangalan nito.
Kakaiba ang nararamdaman ni Prin ngayon na nakaalis na siya sa dagat. Hindi na niya mararamdaman ang maalon, maalat na simoy ng hangin.
Ilang oras lang, lumapag ang skyjet sa malawak na bakuran ng Kent Mansion. Pinatong ni Aiden ang isang makapal na fleece kay Prin nang sabihin ng piloto na nasa destinasyon na sila.
"Masyadong malamig ang klima dito kaya ipatong mo lang ito para hindi lamigin ang anak mo." biro nito.
Unti-unting bumukas ang pintuan sa likuran ng skyjet. Unti-unting rin na lumilitaw sa paningin niya ang mansyon ng mga Kent. Una ang itaas na bahagi ng gusali. Unang nasilayan niya sa kinatatayuan ang kwarto ni Cally sa mansyon.
Agad na nagtubig ang mata ni Prin habang bumababa ang pintuan ng skyjet. Dito sa bahay na ito niya huling nakasama si Cally bago sila sumugod sa isla ng Peter Family pitong taon ang nakaraan.
Sa bakuran na iyon din madalas na magsanay ang Gray Guards.
Isang may edad na babae na nakapulang bestida ang naglalakad patungo sa lugar nila. May nakapatong na shawl na kulay puti sa balikat nito.
Lalong hindi napigilan ni Prin ang luha nang makilala si Madam Lira. Ilang taon na ang madam pero nagawa pa rin nito na hanapin siya.
Halata rin sa may edad na babae na umiiyak ito. Mabilis siyang naglakad upang lapitan si Madam Lira at yakapin ito.
"Mama Lira…"
"Mama Lira…" paulit-ulit ang tawag niya sa pangalan ng Madam habang umiiyak. Malaki ang role nito para matulungan siya at dadalhin niya iyon habang buhay.
"Shh…" yakap-yakap siya nito habang hinahaplos ang buhok niya. Nagpasalamat ito kay Aiden bago tuluyang umalis ang binata.
Pinasok siya nito sa loob ng mansyon dahil tulad ng sabi ni Aiden, malamig ang klima. Binigyan sila ng inumin ni Cassandra. Nang masiguro ang lagay niya, nag-utos si Madam Lira sa kasama na tawagan si Cally at Lorenz na papuntahin doon sa UK ang dalawa.
Tumawag din ng doctor si Madam Lira para i-check ang lagay ni Prin at ng anak nito.
"I never thought, you'll get pregnant kahit magkahiwalay kayo ni Cally nang mahabang panahon." sabi ni Madam Lira habang haplos nito ang tiyan niya.
"That night, nasa plano ko na po na huwag nang umalis sa tabi ni Cally, pero kinuha pa rin ako ng kapitan ng walang takot kahit sa kwarto ng asawa ko." halata na galit talaga siya sa kapitan.
Umaabot ang pagkamuhi niya sa mata niya para kay Captain Yeo.
"Hindi pa namin nasabi kay Cally na ilang taon kang nasa dagat. Ang totoo, nabigla ako na makitang buntis ka." nakangiti na sabi ni Madam Lira.
Naalala nga ni Prin na parang nananaginip ang lalaki. Tila kinakausap siya nito na parang dumalaw lang sa panaginip nito.
Lumapit ang isang maid sa kanila kaya saglit silang natigil sa kwentuhan. "Madam, nandiyan na po ang doktor."
Lumangitngit agad ang makapal na kahoy ng pintuan at dinig din ang yabag ng sapatos nito.
"Madam Lira." bati ng doktor.
"Please check my grand-daughter and her child" utos lang nito sa doktor.