Chapter 199 - Glad that you're back

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos masiguro ng doktor na maayos ang lagay ni Prin. Nagsabi na ito na babalik muli para suriin muli ang baby niya. 

Pinaghandaan siya ng tubig na maligamgam ni Madam Lira sa isang kwarto sa loob ng mansyon. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit makakaranas ng masarap na ligo si Prin. 

Normal naman ang paglilinis ng katawan sa barko ni Captain Yeo, pero iba pa rin ang ambience kapag naligo ka sa shower room ng sariling bahay. Napangiti siya ng mapait. Sa totoo lang kasi, hindi niya alam kung ano ang tamang eksplanasyon sa nararamdaman niya. 

She felt a mixed emotion. 

Sa loob ng mahabang panahon, tila estranghero sa kanya ang mga bagay na nakikita sa oras na iyon. Matapos ang ilang taon, gagamit muli siya ng mamahaling shampoo, shower gel, maligamgam na tubig na nakalagay sa bathtub. Nakalimutan niya na kung ano ang pakiramdam na maranasan na gumamit ng mga iyon. 

Habang nakaupo sa bathtub, hindi niya napapansin na nagluluha na pala ang mata niya. Tuluy-tuloy ang agos ng luha niya. Humahalo na nga ang luha niya sa tubig ng tub. 

Matapos linisin ang sarili, tumingin siya sa salamin na nasa loob din ng shower room na iyon bago niya suutin ang roba. 

Hindi na siya 'yung dating Prin na disi nuwebe anyos kung kailan huli siyang tumuntong doon sa mansyon. A Gleeful, melodious, loving and affectionate nineteen-years-old girl Prin noon. 

What she saw in a mirror is a girl na nalipasan ng panahon. Hanggang balikat na lang ang buhok niya na nag-dry na dahil sa hangin at araw sa barko, na dati ay hanggang bewang at shiny. Ang balat niya na bahagyang nangitim at bahagyang nagdry, hindi na tulad noon na makinis at maputi. 

Nangangalumata na rin ang ilalim ng mata niya. Nakaramdam tuloy siya ng takot na harapin si Cally. Will he accept her? 

Kinuha niya ang roba at sinuot iyon. Isang paperbag na may laman na maternity dress ang nasa ibabaw ng kama. 

Hindi napigilan ni Prin na humagulgol habang pinaandar at hinahaplos ang tela ng damit. Sa loob kasi ng mahabang panahon, nagtyaga siya na suot lang ang saya at simpleng blusa kasabay ni Cassandra. 

Naging estranghero tuloy kay Prin ang mga bagay sa loob ng kwarto. Iyak lang siya ng iyak habang haplos-haplos ang tela na iyon hanggang sa magdilim na lang ang paningin niya. 

Isang maid sa mansyon ang nakakita kay Prin na walang malay sa sahig dahil lilinisin sana nito ang shower room sa kwarto. Nataranta ang babae at sinabi agad kay Madam Lira ang nangyari sa kanya. 

=====

Dahan-dahan na nagmulat ng mata si Prin. Unang nasilayan niya ang mukha ni Cally. 

'Panaginip ba ito?' 

Nakatayo lang ito sa pinaka gilid ng kama habang nakatingin sa kanya. 

"C-Cally?" Sa wakas ay nakita niya na muli ito ng harapan. 

Kinagat ni Prin ang labi niya dahil parang gustong kumawala ng mga luha niya sa mata sa muli nilang pagkikita. Gayunpaman, hindi rin niya napigilan. 

Ilang taon siyang nagkimkim, ilang taon siyang humiling na makabalik. Ilang taon siyang nagtiis. Nagpasalamat siya dahil binigyan siya ng panginoon ng pagkakataon na makasama ito ng dalawang beses sa nakalipas. Una sa Spain, pangalawa sa Korea. 

Lahat ng detalye sa loob ng dalawang magkaibang panahon na iyon ay isinapuso niya talaga. 

Tumabi sa kanya si Cally sa gilid ng kama. Niyakap siya nito. Iyak lang ng iyak si Prin. 

"Hush…" pinatatahimik siya nito. 

Sinandal ni Prin ang ulo niya sa balikat ng asawa. Ilang beses niya ba na hiniling na muli niyang mayakap si Cally. 

"I'm sorry Cally, I'm sorry…" sa loob kasi ng ilang taon hindi niya nagawang makauwi. Kinain siya ng takot kay Captain Yeo. 

"Hush…" nasasaktan si Cally na makita si Prin sa ganong lagay. Hinalikan niya sa noo ang asawa at pilit na pinatahan. 

Kinalma ni Prin ang sarili. May dextrose pa ang braso niya at alam niya na makakasama iyon sa lagay nilang mag-ina. Sigurado na naging down din ang pakiramdam niya kaya ganoon ang lagay niya -- may dextrose at sigurado na nawalan din siya ng malay. 

"Honey, tell me… Why are you pregnant?" tanong ni Cally matapos ang mahabang katahimikan habang nakatingin sa bilog na tiyan ni Prin. 

Walang nakapagbigay sa kanya ng impormasyon na nagdadalang-tao ang asawa niya kaya nagulat siya na makitang malaki ang tiyan nito. 

Ngumiti ng mapait si Prin. "he's our child. Feel it" 

Dahan-dahan na nilapat ni Cally ang kamay niya sa tiyan ni Prin. Pumikit siya para mas maramdaman ang bata sa loob. 

Hindi niya naiwasan na maiyak sa harap ni Prin habang haplos ang bilog na tiyan nito. 

Nagbalik kasi sa kanya ang lahat ng nabasa niya na pinagdaanan ni Prin. 

Gaano kalalim ang sugat nito sa loob ng ilang taon? Hindi niya pa akalain na nagbunga ang isang gabi na iyon na huli nilang pagkikita. Ano ang dinanas ni Prin sa barko habang nagdadalang tao?

Nakasama niya na ito ng minsan pero binawi rin agad. He cried having the thought of these things. 

Nilapit niya ang sarili kay Prin at hinawakan ang pisngi nito. 

"I'm sorry honey… kung mas inigihan ko pa sana ang paghahanap sa iyo" 

Titig na titig siya sa mata ni Prin na parehas pa rin tulad ng dati. Hinalikan niya sa noo ang asawa. 

"Nangangako ako na ipaghihiganti ko kayo ng anak natin" he kissed her lips, her eyes and every part of her face habang hawak ni Cally ang panga niya. 

"By the way, I still have the capsule bomb in my head." pagbibigay-alam ni Prin. 

"Yes, Christen and Mat will help us." Niyakap niya muli ang asawa. 

"I'm glad that you are back, my baby panda"