Kinailangan ni Cally na dadalhin si Prin sa Maynila para ipa-check kay Christen. His sister has a big hospital located in Manila.
Ang kapatid niya bilang surgeon at OB-gynecologist lang ang kilala niya na makakatulong sa kanila sa oras na iyon. Idagdag na rin ang tulong mula sa Mommy niya, kay Mat-mat at sa iba pa.
Kaya sabay-sabay silang umuwi kasama si Lorenz at Cassandra.
Sa airport pa lang ay nagluluha na ang mata ni Prin nang makita niya ang magulang na matiyagang naghihintay sa pagdating niya.
"Mom... Daddy…" hindi na napigilan ang humagulgol at niyakap ang magulang niya.
"My baby…" mahinang bulong ng mommy niya habang humihikbi.
Nakakuyom naman ang kamao ni Rob Matsui. He is angry. Galit talaga siya sa kung ano ang nangyari sa anak niyang si Prin. He ruled the world, but he didn't do anything to save his princess sa loob ng ilang taon.
Nabigla talaga silang mag-asawa nang mabalitaan na nasa UK si Cally para sundin ang anak nila ni Ingrid.
Hinaplos ni Ingrid ang pisngi ni Prin habang lumuluha. Her baby. Her child was just 19 nang huling araw na magkita sila. She looks older and matured now.
Halos ikamatay niya pitong taon ang nakaraan nang malaman niya na nahulog sa bangin ang anak at parang nilamon ng dagat matapos makipaglaban sa grupo ni Gon Peter. Muntikan pa nga na madamay ang relasyon nilang mag-asawa dahil matindi ang pagtutol niya noon na maging Dark Guard ang anak niyang si Prin.
Malaki talaga ang gulat niya lalo na nang makita ang malaki at bilog na tiyan nito.
"Darling… My Baby..." mahihinang usal ni Ingrid habang yakap si Prin.
"Mommy… Daddy..." sabay silang humihikbi habang mahigpit ang yakap sa isa't-isa.
"Dont cry, Honey. Makakasama sa baby mo, ilang araw ka nang umiiyak" paalala ni Cally sa asawa niya.
Dumiretso sila sa ospital para ipa-check kay Christen ang anak nila ni Cally. Nasa ospital ang halos buong pamilya ni Cally para salubungin siya. Masaya si Prin na makita muli ang buong pamilya ng asawa. Si Crayon at Crayola ay parehas ng dalaga at binata.
She remembered clearly kung paano nilampaso ng dalawa ang kaeskwela na si Sean noon, napangiti si Prin nang maalala ang bagay na iyon.
Pinagpahinga muna siya sa isang kwarto sa ospital. Kwarto daw 'yun na nakalaan talaga para kay Cally. Malaki ang kwarto, may king size bed, ref, mga aparato na gamit sa ospital, malaking TV tatlong malalaking sofa para sa bisita. At malaking restroom.
Ayaw siyang iwan ng Mommy niya kaya tinabihan siya nito habang nakaupo sa kama para kamustahin ang lagay niya. Niyakap niya lang ito sa bewang habang haplos nito ang umikli niyang buhok.
Akala ni Prin ay naka-move on na siya sa sakit. Mas masakit pala kapag nayakap mong muli ang magulang mo matapos ang mahabang panahon. Masakit na masaya.
Iniwan muna ni Cally si Prin sa kamay ng mommy nito.
Sabay na tinungo ni Cally at Rob ang katabing kwarto. Isang conference room iyon kung saan naghihintay si Ginny, si Christen, si Lorenz, Cassandra, si Mat-mat, si Doc Mikko na isa ring surgeon na kuya ni Kai at si Kai Jang.
Hindi pa nakikita ni Prin si Mat-mat at Kai dahil inuna munang kausapin ni Cally ang dalawa kasabay ng iba pa.
Umupo si Cally sa pinakadulong bahagi ng mahabang table kung saan magkakatabi na nakaupo ang mga kasama sa magkabilang gilid.
"I gathered everyone because I need your help." Malungkot na sabi ni Cally.
"...May maliit na bomb si Cassandra at Prin na halos kasinlaki ng medicine capsule sa itaas na bahagi ng batok nila. And I don't know kung paano natin iyon tatanggalin. Ang sabi ni Aiden, basta may 100 kilometers na layo mula sa detonator ay walang mangyayari sa kanila. But having the thoughts of the bomb in Prin's head…" hindi na maituloy ni Cally ang sasabihin at napakuyom na lang ng kamao.
"I am willing to be your guinea pig for this project." saad ni Cassandra. Lihim na pinisil ni Lorenz ang kamay ng dalaga sa ilalim ng mesa.
"You guys helped me para makaalis sa poder ni Captain Yeo. It's not nice if I don't return the favor." Paliwanag ng dalaga. Hindi sikreto kay Cassandra na nagbayad ng isang bilyon ang grupo ni Cally para sabay silang makuha ni Prin sa barko.
Aiden paid gold bars, notes, cold cash para makuha sila ni Prin.
"I agree. Prin is pregnant and it's not good if we do surgery sa kanya ngayon. You have to endure this, Cally." Malungkot na sabi ni Christen sa kuya niya.
"Honey, we will do our best for Prin, okay?" Nakangiti na sabi ni Ginny kay Cally habang parehas na hawak nito ang kamay niya.
Sa meeting na iyon, nabuo ang isang plano kung paano ililigtas si Cassandra at Prin mula sa bomba.