Chapter 203 - To rule the world

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
MOUNT JIUHUA, ANHUI CHINA

Isang templo ang tinayo ni Gon Peter sa bundok ng Mount Jiuhua walong taon ang nakalipas matapos niyang tumakas sa laban ng Dark Lords.

Mataas ang bundok na iyon at malamig ang klima. Sapat lang para mamuhay sa lugar na iyon ang Panibagong batch ng White guards na nagt-train din sa loob ng mahabang panahon. Tatlong properties ang mayroon siya sa China at lahat ng iyon ay matatagpuan sa tuktok ng bundok.

Maswerte si Cally na hindi siya handa walong taon ang nakalipas kaya ito nagwagi sa laban. Tatlong daang miyembro ng White Guards ang namatay nang panahon na iyon sa kamay ng iilang miyembro lang ng Dark Guards.

Siguro masasabi na nagtagumpay na rin siya dahil namatay ang asawa ni Cally na si Prin Matsui.

Ang pinaka-hide out niya sa lahat ay ang Jade Dragon Snowy Mountain dahil matarik ang lugar. May snow at alam niya na hindi siya basta-basta matutunton ni Cally. Hinahatid lang siya at ang iba pang kasama ng SkyJet sa bundok kaya niya nagagawa na tumira doon.

Kamuntikan na siyang mahuli ni Cally isang taon mahigit ang nakaraan dahil kay Beauty Magpayo. Mabuti na lang at wala siya sa lugar nang sumugod ang grupo ni Cally noon.

Sa ngayon ay patuloy siya sa pagkalap ng balita sa pamilya ng Kent.

Isang pasilyo ang nilakaran niya na may pulang pintura. Saka pumasok sa isang maliit na kwarto na nasa pinakadulong bahagi.

Sinindihan niya ng insenso ang tapat ng jar kung saan naroon ang abo ng Mommy niya at Lolo niya na si John Peter. Nakalagay sa magkaibang urn sa isang altar na nasa loob din ng templo. Nangako siya sa mga ninuno na kukunin niya ang position bilang Headmaster sa mga Kent pagdating ng araw.

Sabay na binuo ng Lolo niya at ni Master Kent ang Dark Lords. Pero hindi niya akalain na huhusgahan ang Mommy niya sa Sky Cell dahilan para manahimik ang pamilya niya sa loob ng ilang taon.

Ang Sky Cell ay tila isang tower na pag-aari ng mga Jackson na nasa Ireland. Doon hinuhusgahan ang kung sino man ang may kasalanan sa Dark Lords. Literal na Sky Cell ang lugar dahil nakakulong sa loob ng kwadradong rehas ang may sala na nakasabit sa makapal na bakal.

Maihahalintulad sa ibon na nakakulong ang kung sino man na nasa loob ng Sky Cell. Pagbobotohan ng pitong pamilya kung nararapat ka pang bigyan ng pagkakataon o hindi na. Kung hindi na bibigyan pa ng pagkakataon, puputulin lang ang bakal na sumusuporta sa rehas. At sabay na babagsak sa ibaba na may taas na fifty meters ang kung sino man na mahusgahan. Siguradong durog ang katawan ng kung sino man ang hinatulan.

Isang kasalanan ang ginawa ng Mommy niya na apo ni John Peter. Nakipagkasundo ito kay Ember Richards na matalik na kaibigan ng Mommy niya para saktan ang Mommy ni Cally na si Ginny Lopez dahilan para sabay na mahusgahan ito at si Ember.

Limang taon lang siya noon at walang alam sa nangyayari. Kaya't sinabihan siya ni John Peter na bawiin ang Dark Lords sa mga Kent to rule the world.

Noon pa man ay alam niya na isang sikretong organisasyon ang Dark Lords na nakikipag-ugnayan sa kung sinu-sinong pinuno ng kung anu-anong bansa.

The Headmaster could earn Millions of dollars everyday na lalong nakapagpa-excite sa kanya kahit nakaupo lang ito sa kwarto. He can also earn respect from all over the world. And he promised to fight the position habang wala pang blessing kay Cally ang lima pang pamilya.

Nabuo ang pagkamuhi niya sa mga Kent habang lumalaki siya, bukod kay Madam Lira.

Natatandaan niya na madalas siyang ipatawag ni Madam Lira simula pa lang bata siya. Pinapakain siya nito ng mga niluto nitong tinapay. May regalo rin siyang natatanggap tuwing birthday niya, pasko at kung ano pang mahalagang okasyon.

Hindi siya nagdalawang-isip na baka pinaplastik lang siya nito dahil mabait si Madam Lira. Ilan ang inampon nito at pinatuloy sa Mansyon ng mga Kent. Isa pa, pinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal ng isang magulang.

Natatandaan niya pa nang ma-bully siya sa eskwelahan, nilabanan niya ng suntok ang kaklase niya na iyon. Si Madam Lira ang nagpunta sa eskwelahan niya at nagalit sa school para ipagtangol siya.

Tinapos niya ang pagbabalik-tanaw at nagbigay galang siya sa Urns na nasa harapan. Ipinagdasal ang Mommy niya at si John Peter.

'Pag labas niya sa maliit na kwarto, naghihintay sa kanya si Levan.

Nagpatuloy lang siya sa paglakad patungo sa isang kwarto habang kausap ito. "Anong balita?"

"Nagbalik si Prin Matsui." sagot ni Levan.

Napatigil sa paglakad si Gon at hinarap ito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Master, buhay si Prin and she's back with a child"