Chapter 204 - Yummy and Delicious

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos ang meeting ni Cally sa lahat, nanatiling nakaupo si Mat-mat sa harapan ng laptop niya at masama ang tingin kay Lorenz. 

"Nagpunta ka lang ng UK, may lovelife ka na pagbalik?" tanong nito sa binata na para bang may ginawa itong kasalanan sa kanya. 

Namula ang mukha ni Cassandra at bahagyang yumuko. 

"Miss Sandra, tell me. Masarap ba siya?" tanong nito. Gustong makasigurado ni Mat-mat kung ano ang meron ang Shogun at bakit nauna pa itong magkapuntos kaysa sa kanya. 

Cassandra "..." 

Kinutusan ito agad ni Kai. "Gagu! Pwede bang minsan kalma ka din sa pagtatanong. kung makapagtanong ka, akala mo close na kayo agad!" 

"Bakit? Wala naman akong masamang sinabi ah. Tinanong ko lang kung masarap si Shogun. Gusto ko lang malaman kung na-apply na ba niya ang mga tinuro ko sa kanya. Hehe, tingin ko naiinggit ka lang dahil hindi ko tinanong si Bella kung masarap ka din." sabi habang sapo nito ang nasaktan na bumbunan. 

Kung tutuusin mahina lang ang pagkakakutos ni Kai pero masakit pa rin para kay Mat-mat. Sino ba ang masasarapan na makutusan ng leader ng Black Guard? Pero nagpasalamat na rin siya dahil hindi si Lorenz ang gumawa n'on dahil baka tumabi siya kay Prin sa hospital bed nito. 

"Lakas mong makapagtanong, samantalang hindi ka nga makapuntos kay Donna." Balik ni Lorenz. 

Matapos na sabihin 'yon ay inakay na nito si Cassandra palabas ng kwarto. Pero huminto ang dalaga sa harap ni Mat-mat. 

"Sa tanong mo, ang sagot ko ay 'Yes'. Masarap si Lorenz. Thanks!" sabi nito na walang bahid ng pagka-kimi. 

Mat and Kai "...." 

Sa pananaw ni Sandra, wala naman siyang dapat na itago. Hindi naman siya nabastusan kay Mat-mat at naging honest lang siya sa sagot niya. 

Napangisi lang si Lorenz bago tuluyang umalis nang nakaakbay sa dalaga. 

Sa iilang pagkakataon, hindi nakapag-react si Mat-mat at namula ang pisngi niya. 

Napapailing si Cally na papalabas pa lang ng pintuan. "Alam mo pinsan, kung hindi ka lang magaling sa computer iisipin ko na anak ka ni Uncle Lloyd." sabi nito bago tuluyang lumabas. 

Nilingon naman ni Mat-mat si Kai. 

"Kai Jang. Tell me, may problema ba sa akin? Bakit si Shogun nauna pa yata ang bakbakan kaysa sa ligawan? Samantalang ako, yung girlfriend ko ni dulo ng daliri hindi ko mahawakan" sabi nito nang nakanguso. 

"Haay ewan ko sa iyo. Tingin ko nagkaroon na ng computer virus ang utak mo kaya ka ganyan. Kapapanood mo yan ng p.o.r.n kaya napollute na masyado ang utak mo." 

"Excuse me! Top one hacker ako noh!" 

"Hehe. hindi ako naniniwala dahil nalusutan ka ni Sir Brent" nakangisi na saad ni Kai. nasabi na sa kanila ni Cally nang nagdaang araw na alam nito ang mga pinaggagawa nila sa nakalipas na buwan, at nakuha nito ang parehas na files sa tulong ng Daddy ni Mat-mat. 

Napapailing na lang si Kai bago iniwan ang manyak niyang kaibigan para dalawin si Prin sa kabilang kwarto. 

Naiwan si Mat-mat sa loob na kwarto at nag-isip ng malalim. Hindi niya kasi akalain na siya pa ang mapag-iiwanan sa kanilang lahat. 

Sinarado niya ang computer, saka lihim na napangiti. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang nobya niya na si Donna. Matapos ang dalawang ring sinagot din naman nito agad. 

"Hello, Donna dear! Nasaan ka ngayon?" 

"Anong problema mo?" angil agad nito sa kabilang linya. 

"Ang sungit agad. Aayain lang kita mag-dinner." 

"Matty, kung may pinaplano ka sa akin mamayang gabi, lalasunin kita agad! Papunta ka pa lang pabalik na ako! Nakalimutan mo yata nag-train ako bilang Dark Guard. I can read your mind!"

'Well, I am praying na sana hindi mo mabasa ang nasa isipan ko dahil puno na siya ng kamanyakan.' isip ni Mat-mat. 

"Donna My love, hindi ka ba naaawa sa akin? Si Shogun may nobya na, pero nauna pa yata ang bakbakan bago sila magpakilala sa isa't-isa. Imagine this, three days ago he is still single. Walang paramdam na pagbalik may girlfriend na!" 

"Matty, may problema ka ba sa akin?!" angil nito. 

"Donna my dear, wala akong problema sa iyo. I love you to the moon and back, pero utang na loob naman sana hinahayaan mo rin ako na maka score dahil kawawang kawawa na ang alaga ko. Si Prin nagbalik at may kasama pang anak. Hindi ko alam kung paano sila nakalusot ni Cally sa pagkakawalay nila ng seven years!"

"Si Shogun, nagbalik at may nobya na! Si Kai, hmm I don't want to talk about him dahil baka pati ikaw mainggit!"

Umiikot ang mata ni Donna sa kabilang linya at napapailing. 

Sino ba naman ang papayag sa trip ng nobyo niya, kung ang gusto nito ay 'yung sumisigaw habang nakikipag-kemehan? Yung tipong rinig daw ng kapitbahay na may ginagawa kayo. 

Unang araw pa lang nila na mag-nobyo binigay na nito ang terms and conditions particular sa s.e.x. Nawirduhan siya ng una, kaya binigay niya rin ang Terms and Conditions niya -- 'Bawal ang S.e.x!'

Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa terms niya.