Chapter 205 - Compatible (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Saan at paano nga ba nagsimula ang lovelife ni Mat-mat?

Batong-bato na si Donna kaya naisipan niyang magpunta sa White Devil. Pa'no ba naman kasi, ilang taon na siyang pinipilit ng magulang niya na magpakasal. Bente nuwebe anyos na kasi siya at wala pa siyang boyfriend! Nagkaroon naman siya ng mga karelasyon sa nakalipas at ang huli ay nangyari, six years ago!

Nitong mga nakaraang taon ay hindi siya makahanap ng lovelife dahil busy siya sa trabaho. Matapos kasi niyang umalis bilang trainee ng Dark Guards, pinagpatuloy niya ang pag-aaral ng business kasabay ng pag-aaral niya ng stock trading na trabaho ng Daddy niya.

Dahil sa pagkainis sa magulang sa pagreto ng mga ito sa kung sinu-sino, nagpunta siya ng White Devil para aliwin ang sarili.

Nakita niya si Cally pagpasok niya pa lang sa bungad ng bar. Matagal na silang magkaibigan na nagsimula pa ng high school. Kakamustahin sana niya si Lorenz dito pero agad na itong nag-excuse sa kanya na sasagutin ang tawag sa telepono.

"Donna, pinsan ko 'yung sumasayaw na iyon sa dance floor, paki-tingnan muna siya kung okay lang." paalam ni Cally tapos ay mabilis na nawala sa harapan niya. Kumunot ang noo niya nang makilala ang lalaking tinuro nito na sumasayaw sa dance floor.

Hindi niya kilala ang lalaki, pero dahil kilala niya si Anthony na isa pang pinsan ni Cally, sigurado siya na si Mat-mat ang sumasayaw na iyon na isa pang pinsan nito.

Umorder na lang siya ng ladies drinks sa bartender. Nilingon niya muli ang lalaki na nasa dance floor at nawawala na ito doon. "Hmmm.. nas'an na 'yon?"

She extended her neck para iikot ang paningin sa dance floor. Base sa awra ng lalaking may weird na buhok, sigurado siya na nakainom 'yon.

Tumayo siya para hanapin sana ang ang pinsan ni Cally nang maramdaman na may sumusuri sa katawan niya na nasa gilid. Nakapangalumbaba pa ito na sinusuportahan ng isang braso. Nilingon niya ito at bahagyang nagtaas ang kilay niya.

Sinundan ni Donna ang mata nito kung saan nakatingin. At nag-land ang mata niya sa dibdib niya.

Bigla niya tuloy hinarang ang parehas na braso para i-cross sa dibdib niya at bahagyang ginilid ang katawan para itago iyon sa paningin nito.

Dahil sa kilos niyang iyon, inangat nito ang tingin sa mukha niya.

"I'm not done yet. Sinusukat ko pa" reklamo nito.

Nanlaki ang mata ni Donna. Hindi na siya nag-isip pa, diretso niyang sinuntok ang mukha nito.

"Awww!" hiyaw nito at hinawakan ang ilong na parang nabasag.

"Bastos!" sigaw niya dito. Nakaagaw sila ng atensyon ng ibang customer.

"Sorry na kung nabastusan ka sa akin. Tinitingnan ko lang kung swak siya sa palad ko." ang sabi habang hinihilot-hilot ang ilong.

Lalong nanlaki ang mata ni Donna kaya bibigyan niya sana muli ng uppercut ang binata pero naitulak siya ng lalaking biglang umupo sa pwesto ni Cally ilang minuto ang nakalipas, kaya dumausdos siya ng yakap kay Mat-mat.

"See? Sabi ko na e. Gusto mo din" malapad ang ngiti na sabi nito.

Ang problema ni Donna nag-land nga ang kamay niya sa katawan nito. Pero nagland din ang parehas na palad nito sa magkabila niyang dibdib. Napakislot pa siya dahil bahagya nitong pinisil ang parehas niyang dibdib.

"And I'm happy dahil hindi ko akalain na sukat ang palad ko sa kanila--." bago pa nito matapos ang sasabihin binigyan muli ni Donna ng suntok sa mukha si Mat-mat. Saka ito nilayuan at tuluyan na siyang umalis ng White Devil.

Galit na galit si Donna na umuwi ng bahay. Gusto pa naman sana niyang magsaya kaya siya nagpunta sa White Devil pero hindi niya akalain na mababastos siya ng ganoon. Bahagya pang namula ang pisngi niya nang maisip na pinisil ng lalaking iyon ang dibdib niya.

====

Sumunod na nagkita sila ay sa Shareholders meeting ng MGM, ilang linggo lang matapos ang una nilang pagkikita. Shareholder ang Daddy ni Donna sa opisina ng MGM at ipinasa nito sa kanya ang 5%.

Nakapila siya sa Starbucks na nasa ibaba ng building para bumili ng kape nang maramdaman na may sumisinghot sa batok niya. Nakaupo ang Daddy niya sa isa sa pinakamalapit na table sa kahera at naghihintay.

Bigla ang pagharap niya sa kung sino man na manyak na nasa likod. Nagliwanag ang mukha ni Mat-mat nang makita at makilala siya. "Wow! Ikaw pala iyan! Kaya pala pamilyar"

Sisinghalan sana niya ito pero nakita niya na nakakunot ang noo ng Daddy niya na nakatingin kay Mat-mat.

"Nandyan ang Daddy ko kaya kung pwede, lumayo-layo ka sa akin" matigas na sabi niya dito kahit pa nakangiti siya. Pero sa loob-loob ni Donna ay gusto niyang pasabugin ang bungo ng lalaki.

Inikot nito ang paningin sa paligid. Bago tinagpo ang mata ng Daddy ni Donna na nasa malapit lang. "Mr Montenegro? Oh! Hi Sir, Kayo pala iyan!"

"Hello Matthew. Matagal tayong hindi nagkita! Yung Mobile Legends na tinuro mo sa akin masayang laruin!" nakangiti pa na sagot ng Daddy ni Donna.

'Mobile Legends?' hindi akalain ni Donna na ang lalaking nasa harap ang nagturo ng bagay na 'yon sa daddy niya.

"By the way, you know my daughter? Single din yan! Kaya kung may plano kang manligaw., Kahit live-in payag ako"

Donna "..."