Chapter 206 - Compatible (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Manliligaw pa lang pero makikipag-live-in agad ang eksena? Ganito ba talaga kapag nagkakaedad na? Pinamimigay na ng magulang?

Natuwa si Mat-mat sa sinabi ng may-edad na lalaki "Talaga po?" 

Humalukipkip si Donna. "Bago ka matuwa sinasabi ko agad sa iyo na hindi ako pumapayag na magpaligaw sa 'yo" saka tinalikuran ang binata at umorder ng pagkain sa kahera. 

Mas natuwa naman si Mat-mat sa pagsusuplada ni Donna. Sabi nga nila kapag mas suplada ang babae, mas may thrill sa mga kalalakihan. Mas masungit, mas challenging!

O baka naman sa pananaw lang 'yon ni Mat-mat. Pero ano nga ba ang nagpa-excite kay Mat-mat kapag makikita niya ang dalaga? 

Walang iba kundi ang pisikal na anyo nito. Ang malaking mata ni Donna na sinamahan ng makapal na kilay. Ang pantay at maputing ngipin at manipis na labi na masarap panoorin kapag ngingiti. Ang kurba ng katawan na susukuan ng mga kalalakihan. Ang bilog na hita ng dalaga na tuwing makikita niya ay gusto niyang pisilin. 

At ang pinaka-mahalaga sa lahat, ang dibdib ng babae na sakto sa buong palad niya. Swak na swak! Nasukat niya na iyon kaya alam niya. 

Para siyang nananaginip ng gising habang nakatingin sa likod nito at umu-order. Tiningnan pa siya ng dalaga sa huling pagkakataon saka siya inirapan. 

Napangisi si Mat-mat sa dalaga. Dahil binigyan siya ng basbas ni Mr. Montenegro, gagamitin niya iyon bilang Ace card o kahit Joker card pa. 

Ang sumunod na pagkikita nila ay sa bahay na ni Donna nang umuwi siya mula sa opisina. 

"Donna, si Matthew nandito para dalawin ka." masayang bungad sa kanya ng Mommy niya. 

Nahilot na lang ni Donna ang noo at sentido niya. Halata kasi na binubugaw na siya ng magulang. Hindi siya interesado sa binata kaya hindi niya ito pinansin nang mapadaan siya sa sala ng bahay, inirapan pa nga niya ito. Saka siya nanatili sa kwarto ng magdamag. 

Sumunod na araw ay parehas na eksena, naroon ulit si Mat-mat at kausap ang Daddy niya sa kung anong bagay. Hanggang sa umabot iyon ng isang linggo. 

Hindi niya na kinaya matapos ang isang linggo na nakikita doon araw-araw si Mat-mat kaya hinila niya ito sa isang gilid. 

"Ano itong pinaplano mo?" Tanong niya sa binata. Nginisian muna siya nito. 

Habang tumatagal kasi, mas nag-eenjoy ang binata na makita siya araw-araw na naiinis. "Hindi ba obvious na nanliligaw ako katulad ng sabi ng Daddy mo?" 

Napaatras si Donna. At pinagmasdan ang lalaki. Sinusuri kung nagsasabi ito ng totoo. 

"Uuyy nai-inlove na siya…" pang-aasar nito. 

Pinalo niya ito sa dibdib. "Go home!" 

"Alam mo Donna Dear, alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay single ka pa rin" puna ni Mat-mat. 

Sumimangot si Donna. Sabihin lang talaga ng lalaki na 'kasi masungit ka' ay siguradong palalayasin niya ito sa loob ng bahay nila. Pero taliwas iyon sa sinagot nito. Nilapit nito ang bibig sa tenga niya saka bumulong. 

"Kasi, you are waiting for me." nanindig ang balahibo niya dahil sa init ng hininga nito. 

Napaatras siya lalo at namula ang pisngi sa sinabi nito kaya itinulak niya ang binata at hindi makatingin dito na tumakas. 

Hanggang umabot ang pagdalaw-dalaw nito sa loob ng isang buwan. Nasanay na siya na parang normal na lang ang lalaki doon sa bahay nila. Nasanay na rin siya na inaasar nito at nasanay na rin ito na makatikim ng irap mula sa kanya. 

Kaya naman ng dumating ang isang araw na hindi niya natagpuan ang lalaki sa bahay ay nagulat siya. Nakakunot ang noo na hinahanap ang presensya ng binata. Hindi niya pa alam kung paano magtatanong sa magulang kung nasaan ito. 

"W-where is Matty?" lakas-loob na tanong niya sa Daddy niya. Isang nakakalokong ngiti ang sinagot nito. 

Namula ang pisngi niya. "Hmp! Mabuti at wala siya dito! Nakakainis kasi ang kilos ng isang iyon! Kulang na lang ituring niyo ng anak talaga." 

Lalong lumapad ang pagkangisii ng Daddy niya. 

"W-what I mean, it's okay if he is not around" pagsisinungaling niya saka tumuloy sa kwarto. 

Pero sa kwarto ay napuno siya ng lumbay. Akala pa naman kasi niya ay manliligaw talaga ang binata sa kanya at magt-tyaga, pero isang buwan lang pala ang kaya nitong itagal. 

Humiga siya sa kama saka tumitig sa kisame. 

====

Lumipas ang isang linggo na hindi niya nakita si Mat-mat. Gustuhin man niya na magtanong sa magulang niya na halatang may alam ay hindi niya magawa. 

"Anak, hindi mo pa nauubos ang pagkain mo, parang dalawang subo lang ata 'yung kinain mo e." puna ng Mommy niya. 

"E kasi nami-miss niya si Matthew!" ang Daddy niya ang sumagot. 

Hindi niya na lang pinansin pa ang mga ito. Ang totoo nami-miss niya na nga ang binata tulad ng sabi ng Daddy niya. At gustong-gusto na niyang tawagan at magtanong kay Cally o Lorenz kung anong ganap kay Mat-mat, pero hindi kaya ng old-maid na pride niya ang bagay na iyon.