Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan na niyang hindi nakita si Mat-mat. Gusto niya tuloy sakalin ang lalaki kung sakali na magkikita silang muli. 'Paasa!'
Kinailangan ni Donna na magpunta sa kasal ng pinsan niya. Ang problema, kasal din iyon ng ex-boyfriend niya.
Yes, That's right! Kasal iyon ng pinsan at ng ex niya.
Magkasabay na naglalakad si Donna at ang magulang niya papasok sa loob ng wedding hall. Maganda ang bulwagan. May malaking screen pa sa gitna na patuloy na nagp-play ang mga larawan ng pre-nup ng ikakasal. Flowers everywhere at may pumapailanlang na mellow and jazz instrumental music. Ilang minuto pa bago magsisimula ang kasal kaya nilapitan muna nila ang mga kamag-anak.
Sa totoo lang, ayaw na ayaw ni Donna na magpunta sa kasal na iyon. 'Yun nga lang, ayaw niya rin na masabihan na hindi pa siya nakakamove-on sa ex-boyfriend niya.
Saka alam niyo na, kung sino ang wala siya rin ang madalas na pulutan sa kwentuhan. At ayaw niyang mangyari sa kanya na maging topic sa tsismis ng pamilya sa araw na iyon.
Tulad ng inaasahan, napuna na agad siya ng Tita Connie niya na nanay ng bride. At kapatid ng Mommy niya.
"Don, you are here!" Bati nito.
"Hello po" nakangiting bati niya. Binati rin nito ang magulang niya.
"Nasaan ang asawa mo?" puntirya agad nito.
Nakangiti pa ang tiyahin niya na akala mo ay wala lang dito ang tanong, kahit pa alam naman ng lahat ng kamag-anak niya na dalaga pa siya.
'sabi na eh' oo na, siya na ang old-maid! Pinilit niyang ngumiti sa may-edad na babae.
"Haay naku Connie, malapit na rin naman na ikasal 'yang anak ko. kaya' wag mo nang pinagt-tripan pa." Sabad ng Mommy niya.
"Talaga?" Gulat na tanong nito at halatang hindi naniniwala.
"Oo naman, gwapo mayaman at saka matalino." pagyayabang ng Mommy niya.
"Kukuha lang po ako ng drinks." Paalam niya para malayuan ito at makaiwas.
Agad siyang tumalikod at nagpunta sa wine bar. Nagrequest siya ng red wine. Na-stress siya bigla. Ngunit hindi niya akalain na may kasunod na pasabog pa pala.
"Donna?" nilingon niya ang tumawag at lumitaw sa kanya ang pinsan niyang si Mayet. Kapatid ng bride.
"Hi!" bati niya dito. Pinilit niyang ngumiti.
"Nandito ka pala. Hindi ko akalain na pupunta ka ha. May plano ka bang agawin ang groom kaya ka naparito? Hindi ka pa nakaka-move-on?" nakahalukipkip pa ito na halatang gusto gumawa ng away.
Tumawa siya "Alam mo Dear, mukhang kayo itong hindi pa nakakamove on, e. Six years na kaming hiwalay ni Adan. Ikakasal na nga siya sa ate mo 'di ba? I remember clearly, sobrang taka nga ako na paano siyang napunta sa ate mo, samantalang… ikaw 'yung nahuli ko na kasama niya sa kwarto." napangisi siya.
Napalunok ito. Naging daan iyon para tumakas si Donna. Sakto naman na naiabot na ang request niyang red wine.
Agad niyang nilagok iyon at mabigat na ibinagsak sa isang table na nadaanan.
Nagpunta muna siya sa comfort room at doon nagre-touch. Ilang saglit lang, may pumasok na grupo ng mga babae na halatang kasali sa entourage.
"Eeh, is this Donna?" nilingon niya ito at nakilala si Mildred, Maid of honor at bestfriend ng pinsan niya na bride.
Hindi maganda ang relasyon niya sa babae kaya hindi niya ito pinansin at nagplano na lang na lumabas. Sinundan siya nito na hindi niya inasahan. "Hey, I'm not done with you! Why are you here?"
"Because I'm invited. Thanks!" saka ito nilayuan.
Lalong dumagdag ang problema niya dahil natagpuan niya si Adan, ang ex niya sa pasilyo na nagyoyosi.
Reunion ba ngayon kaya 'yung mga kinaaayawan niya patuloy na lumilitaw sa harap niya? Nilingon siya nito.
"Hello Don!" nakangisi ito sa kanya.
"Congratulations Groom!" sabi niya lang pero patuloy siya sa lakad. Hinawakan siya nito sa braso nang mapadaan siya doon.
"Bitiwan mo ako!" matigas na sabi niya dito.
"Com'on, hindi mo ba ako namimiss?" tanong nito habang nakangisi.
"Adan!" sigaw mula sa dulong bahagi ng pasilyo. And bride. Kasunod nito si Mildred.
Agad siyang binitiwan ni Ex-boyfriend.
"Hello Love" kakamot-kamot na sabi.
Lumingon sa kanya ang pinsan niya saka humalukipkip. "Bakit kayo nagsosolo dito?! Don't tell me Donna na may plano kang akitin ang mapapangasawa ko?" galit na sabi.
Nagtaas ang kilay niya saka umismid. "Hmp! Sorry na lang, pero hindi ako nag-gwapuhan sa mapapangasawa mo. I have a fiance now, mayaman, mabango, pogi at higit sa lahat hindi babaero?" makahulugan na sabi niya.
Nagalit agad ito. "At sino naman yan ha?" tanong ng pinsan niya.
"Ako!" narinig nilang sigaw mula sa dulong pasilyo. Kumabog agad ang dibdib ni Donna ng makita si Mat-mat na naka-tuxedo na papalapit.