Chapter 208 - Donna, My Love

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Lumapit si Mat-mat sa kanila at inakbayan siya nito. "Ako 'yung boyfriend niya na mayaman, pogi, mabango dahil araw-araw na naliligo at higit sa lahat hindi babaero." nakangisi na sabi ni Mat-mat. Tiningnan pa nito ang lalaki mula ulo hanggang paa at binigyang diin talaga ang 'araw-araw na naliligo'. 

Bahagyang natigilan ang dalawang babae nang makalapit si Mat-mat sa kanya. Napansin ni Donna na mukha na ngang naligo ang binata dahil clean cut na ang buhok nito at hindi na tulad nang mga nagdaang linggo na parang titirhan ng inakay, kaya saglit din siyang natigilan. 

"Who are you?" usisa ni Wendy na pinsan niya  habang nakakunot ang noo. 

Dahil nandoon na si Mat-mat para magpanggap na boyfriend niya, ginatungan niya na lang ito at hinayaan na akbayan siya. Tutal naman ay tinutulungan siya nito sa kasinungalingan niya. 

"Boyfriend ko nga 'di ba?" sabi niya. 

"Bakit hindi ko nabalitaan na may boyfriend ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Mildred.

Napangiti siya, mukhang sinusubaybayan talaga ng mga ito ang lovelife niya. 

"Donna my love, bakit hindi mo naman ako kinukwento sa kanila? Nagtatampo na ako. Pa-kiss muna ako para mawala ang tampo ko" kunwari ay nagtatampo talaga ito. Hinalikan siya nito sa pisngi. Lihim na siniko niya ang tagiliran nito.

"Kung boyfriend ka talaga niya, p'wes sasabihin ko na sa iyo agad na inaakit niya ang groom awhile ago!" naiinis na sabi ng pinsan niya. Gusto pa yata nito na sirain ang relasyon niya kay Mat-mat kung sakali na totoo na nobyo niya ito. Napangiti lang si Donna. 

"Donna my Love, na-h-hurt na ako. Bakit ka nang-aakit ng iba? Samantalang mas pogi ako ng sampung paligo. Pakiss ulit!" hinalikan siya ulit nito sa pisngi. Kinurot niya ito sa tagiliran. Mukha kasing china-tsansingan na siya ng binata. Bahagya itong napakislot. 

"Anong nagustuhan mo kay Donna? May-edad na siya. Ako kuya 26 lang at ready to mingle." nakangiti ng matamis si Mildred kay Mat-mat. 

Nagtaas ang kilay niya. Kumunot naman ang noo ng binata. "Sorry na lang Dear, pero isa lang ang nasa puso ko at si Donna my Love lang iyon. Pakiss ulit." bago pa siya makapag-react ay hinalikan muli siya nito sa pisngi. 

"Magsisimula na ang kasal namin kaya itago mo yang girlfriend mo. Halika na!" ang sabi ni Wendy sabay singhal nito kay Adan.

"Tara na rin My Love, namiss kita kaya pakiss ulit." hinagkan siya muli nito sa pisngi. Masama na ang tingin na pinupukol niya dito. Nakakarami na kasi ito ng tsansing sa kanya. 

"Matty, gusto mong sipain na kita." bulong niya dito na nangigigil. Matapos nito mawala ng ilang araw, babalik na lang at hahalik-halikan siya na parang walang nangyari? 

Lumingon muli sa kanila si Mildred. Ngumiti siya ng matamis kay Mat-mat. 

"I miss you too darling" pinisil niya ng todo ang pisngi nito. Bahagyang napapikit pa ang binata dahil sa sakit ng pagkakapisil niya. 

"Talaga namiss mo ko? I'm so tats! Pakiss ulit" bago pa siya maka-alma, hinalikan na siya nito muli sa pisngi. Umirap sa kanila ang babae saka mabilis na sumunod sa bride at groom. 

Nakaakbay lang si Mat-mat sa kanya sa buong kasal. Hinayaan niya lang ito dahil tulad ng bride at groom, nasa kanya ang atensyon ng mga kamag-anak. Iyon nga lang panay ang halik nito sa pisngi niya kada kibot. Natutuwa naman ang magulang niya dahil may improvement daw sa kanila ng binata. 

Ano nga ba ang nararamdaman ni Donna? Ang totoo, natutuwa siya na nakaakbay ito sa kanya. She felt secured habang nasa bisig ng binata. 

Papasimula pa lang ang seremonyas ng may sumigaw mula sa pintuan. Napalingon silang lahat. 

"Itigil ang kasal!!!" sigaw ng isang buntis na sa palagay niya ay nasa siyam na buwan na ang tiyan. 

"Adan, hayop ka! Bakit ka nagpapakasal dito? Hala, uwi!" sigaw nito habang nakapameywang. 

Nagtaas ang kilay ni Donna. Medyo namumukhaan niya ang babae. Ang sabi sa kanya ng damuho niyang ex, kapatid nito ang babae. 

"L-love, why are you here?" nanlalaki ang mata na tanong ni Adan. 

'love?' 

"Anong ibig sabihin nito, Adan?" tanong ni Wendy sa lalaki. 

"Boyfriend ko siya! Hayop kang lalaki ka! Matapos mo akong buntisin, magpapakasal ka dito!" Galit na sabi ng babae. 

Nagkagulo na ang kasal hanggang sa sumakit ang tiyan ng babae. Pinagpapalo ni Wendy si Adan habang nasa unahan. 

"Walang hiya ka Adan, buntis din ako ng dalawang buwan, hayop ka! Mommy!!!" iyak ng iyak si Wendy. 

"Adan, hayop ka! Ahh! Manganganak na ko!!!" naghihisterikal na rin ang buntis. Hindi naman malaman ng groom kung sino ang uunahin. 

"Hala! Manganganak na 'yung babae!" sigaw ng isa. At napalingon sila sa babaeng bagong pasok. 

Napapailing si Donna, naging comedy kasi ang kasal na iyon. 

"Haaay, alam mo Donna My Love, kapag kinasal tayo, sigurado ako na walang ganyan."

Nilingon niya ito kasabay ng halik sana nito sa pisngi niya. Kaya ang nangyari nag-land ang labi nito sa labi niya. 

Natulala si Donna dahil nahalikan siya ulit ng lalaki after six years. 

"Ayan Matthew, pwede na kayong mag-live in!" nakangiting sabi ng Daddy niya. 

Donna "...."