Chapter 209 - Ako ay may lobo

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nabibigla talaga siya sa magulang niya na handa ang mga ito na ibugaw siya kay Mat-mat. 

Sa mga nireto sa kanya ng mga ito, mas pursigido ang magulang niya na ireto siya sa binata. At hindi niya akalain na talagang tutuparin ng mga ito na maglive-in sila kahit na hindi pa talagang sila ng binata. 

*****

Napapangiti si Donna habang nananaginip. 

Nakasuot daw siya ng pulang cape at may bitbit na basket. Hindi pa siya nakakapunta sa destinasyon kung saan naroon ang may sakit niyang lola nang nakasalubong niya na daw ang big bad wolf. Yumakap siya agad sa wolf at pinangigilan. 

Gumanti ang wolf kaya kinagat daw siya nito sa leeg. Saka nito kinagat-kagat ang labi niya. Masyado siyang nasiyahan kaya gumanti rin siya ng yakap at halik. 

Halos mamaga na ang labi ni Donna bago niya nararamdaman na parang totoo ang halik na iyon. 

"Uhmm…" napasinghap siya. Unti-unting nagmulat ang mata niya at agad na nanlaki iyon dahil totoo talaga na may tao sa kwarto at kayakap din niya ito. 

"Ahh! Sino ka?" tanong niya sa kung sino man na lalaki ang nasa tabi. 

"Are you sure na hindi mo ako kilala? It hurts" narinig niya ang boses ni Mat-mat. 

"M-mat? W-wait, bakit ka nandito sa kwarto ko?" binuksan niya ang ilaw at natagpuan ang lalaki na nakatagilid at sinusuportahan ng isang braso nito ang ulo nito paharap sa kanya. Napaatras siya sa dulong bahagi ng kama. 

"Hello, Donna My Love" bati nito. 

"Why are you here?" 

"Dito na 'ko pinatitira ng parents mo. Particular sa kwarto na ito" Nakangisi na sabi. 

"...Kaya nga halika na! Kiss mo na ako ulit Baby" hinila siya nito. 

"Wait laaang!" inipit niya ang ilong nito. 

"Yan tayo e, ikaw d'yan ang nagkukusa na humalik kanina, ngayon ayaw na? Porque ba nilapirot mo ang buo kong katawan kanina?" 

"Lapirutin mong mukha mo. Tulog ako okay?" 

Ngumisi ito. "At least laman ako ng panaginip mo." tudyo nito. 

Inikutan niya ito ng mata. Umupo si Donna sa kama at nag-indian sit. 

"Alam mo Matty, nag-aalala ako dahil baka napipilitan ka lang sa gusto ng magulang ko." paliwanag niya. 

Hindi nga niya akalain na naroon na ito sa kwarto niya sa mga oras na iyon at hindi niya alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng mga magulang niya. Isa pa, iniisip din ni Donna na baka sumusunod lang ito sa trip ng magulang niya. 

"First of all, gusto talaga kita, okay? Pangalawa, ang ganda ng leopard print na underwear mo. I like it so much, it's bigger than a p.u.s.s.ycat" sabi nito habang turo ang panty niya. 

Ibinaba ni Donna ang paningin niya. At dahil naka-indian sit siya, nakabuka ang ibabang bahagi ng one piece na pantulog niya kaya diretso sa paningin nito ang legs at ang leopard print. Binato niya ito ng unan sa pinagsasabi nito. At pinilit na takpan ng kumot ang sarili. 

"Alam mo, Donna My Love, alam kong gusto mo ako. Parehas tayo na nagkaka-edad na. Gusto mo 'ko at gusto rin kita, kaya bagay tayong dalawa."

Namula ang pisngi ni Donna sa sinabi nito dahil may katwiran naman talaga ang binata, takot lang talaga siya na pumasok sa relasyon. 

"Alam mo ba 'yung kwento ng 'ako ay may lobo' sa matured world?" umupo ito sa harap niya at nag-indian sit din. 

Kumunot ang noo ni Donna. Nagsimula na kumanta at magpaliwanag si Mat-mat. 

"Ako ay may lobo… In actual sense, it was actually referring sa condom."

"lumipad sa langit…" inakto ni Mat-mat ang dalawang kamay niya bilang babae at lalaki na nagjujug-dyugan. 

"hindi ko na nakita, pumutok na pala… it only means both of them got their climax but sadly, nabutas 'yung condom" 

"Sayang ang pera ko pambili ng lobo… same meaning, sayang 'yung pera na pinambili ng condom." 

"Kung sa pagkain sana nabusog pa ako" pagtatapos nito. 

"Ano naman ibig sabihin n'on?" takang tanong ni Donna. 

"You don't get it? It means…" hinawakan nito ang kamay niya. 

"dahil nabutas yung condom, nagkaanak sila! kaya lang, naibili niya na ng condom 'yung imbes na sa pagkain, para sa pagbuhay sana ng pamilya niya." 

Tinaasan ni Donna ng kilay si Mat-mat at pinameywangan. "Seriously! Anong konek n'on sa atin?" 

"Ibig sabihin, hindi ako gagamit ng condom. Kaya tara na!" 

Donna "...." 

Sa palagay niya ay pinaglaruan lang siya at dinala sa kwento ng binata para maka-score sa kanya.