Chapter 210 - Willing to be my girlfriend

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Tigil-tigilan mo ko Matty!" agad niyang binitaw ang kamay niya sa pagkakahawak nito. Saka ito inirapan. 

Napangiti naman ng lihim ang binata. 

"But honestly, I really wanted to say sorry, Donna dear." seryoso at nakangiti na sabi ni Mat-mat. Hindi sanay si Donna na biglang seryoso ang binata sa sasabihin nito. 

"Why?" 

"Because... I went abroad for a couple of days nang hindi man lang ako nakapagpaalam. Biglaan kasi iyon" paliwanag nito. Nabalitaan kasi nila na nasa Europe ang grupo ni Captain Yeo at ang bangkang 'Maria Celeste 1' kaya kinailangan niyang sumama kay Kai papunta sa ibang bansa.

Naging seryoso din si Donna. Ang totoo na-miss niya ang binata at hindi talaga siya nasanay na hindi ito naaabutan sa bahay matapos nitong magpaikot-ikot sa bahay nila ng halos buong buwan.

"And I came here because I really miss you. I wanted to thank you for letting me miss you" nakangiti na sabi ni Mat-mat. Namula naman ang pisngi ni Donna. That was sweet. 

"I know you miss me too." confident na sabi at nakangisi pa. 

"Kaya nga Donna My dear, are you willing to be my girlfriend?" diretsahang tanong nito saka sabay na hinalikan ang kamay niya. . 

"But…" tinitigan niya sa mata ang binata. Takot si Donna na magmahal muli ngunit handa naman siyang subukan. Ramdam din naman niya na Matthew is a good guy. Mayaman, Pogi, mabango at hindi babaero. 

Ngunit may kinakatakutan si Donna. Isang bagay sa nakalipas niya ang pilit niyang itinanggi noon at kinakalimutan ngayon.

"I-I'm not a v.i.r.g.i.n anymore, Matty." malungkot at nahihiya na sabi ni Donna.

"Hmm? So what?" Humiga muli sa kama ang binata at ginawang unan ang parehas na braso nito. 

"Hindi rin naman ako v.i.r.g.i.n. Open-minded ako at hindi naman ako makikipag-relasyon sa'yo to simply have s.e.x with you. I grew up in New York at na-dev.i.r.g.i.nized ako at the age of thirteen. I did it a hundred times with different girls. I can't even remember how many." nakakunot ang noo na paliwanag nito. 

Natigilan naman siya sa mga sinabi nito. Nag-aalala lang pala siya sa wala. 

"I know na isa talaga sa goal ko ang maka-siping ka, pero hindi naman iyon lang ang dahilan." diretsahan na sabi nito. 

Donna "..."

"Come here." tawag nito sa kanya.

Sumunod naman si Donna, dumapa siya at yumakap sa dibdib ng binata. "I will ask you one more time. Are you willing to be my girlfriend?" 

"Hmm… Sige. I am willing to be your girlfriend from now on. A-alagaan mo akong mabuti ha."

"Wow! talaga?" masayang tanong nito. 

Tumango siya habang may matipid at nahihiyang ngiti. 

"Yehey! Pakiss na 'ko sa girlfriend ko." sabi nito at agad na lang na sinakop ang labi niya. Ninamnam lang ng dalaga ang labi ni Mat-mat habang yakap siya nito ng mahigpit.

"Patayin mo na 'yung ilaw please" sabi ng binata kay Donna matapos ang ilang saglit. Nakangisi pa ito sa kanya. Saka niya naramdaman na pinisil nito ang binti niya. 

Tinapik niya ang braso nito "Matty, kung may pinaplano ka, 'wag mo nang ituloy."

"Paano mo nalaman na may pina-plano ako? Donna My love, Mahaba pa ang gabi kaya kailangan natin na makarami." 

"No, I want to sleep. Or else, get out" 

"Hah? Ang sungit na naman. Sige na nga, dahil first day ng relasyon natin, pagbibigyan kita. Kahit hawak nalang sa b.o.o.b.s, satisfied na 'ko" sabi nito 

Donna "..." 

Inikutan niya ito ng mata. "Ewan ko sa 'yo! Basta kapag may ginawa ka sa 'kin na kabastusan, palalabasin kita agad."

Pagkasabi ay pinatay ni Donna ang ilaw at hinayaan si Mat-mat na yakapin siya sa magdamag. 

=====

(Kasalukuyan) 

Napapangiti si Mat-mat nang maalala ang nakalipas habang nagmamaneho. Plano niyang sunduin ang nobya niya sa opisina nito. 

Dumaan pa muna siya ng flower shop para bumili ng kumpol ng bulaklak. 

Sabi nga nila kailangan daanin sa santong paspasan kung hindi madala sa santong dasalan. Pero ang plano niya ay daanin sa pa-sweet si Donna. Hindi niya alam kung may lahing amasona si Donna noong past life nito at siya ang alipin nito na nakakulong sa kulungan na gawa sa kahoy.  

Pasipol-sipol pa siya hanggang sa makarating sa building ng opisina nito. 

Kumunot ang noo niya nang makita ang girlfriend niya na kausap si Adan na hindi niya akalain na buhay pa pala sa entrance ng building. 

Bibihira na mag-init ang ulo niya pero nag-init talaga ang ulo niya ng oras na iyon, lalo at nakita niyang hinawakan nito sa braso ang girlfriend niya ng mahigpit at inilapit ang katawan sa sarili. 

Halata kay Donna na nagpipigil ito ng galit. 

"Donna!" sabay na napalingon sa kanya ang dalawa. Nang makalapit, hinila niya si Donna papalapit sa kanya na nakasalubong ang kilay at hinarap ang lalaki. 

Umismid ang lalaki kay Mat-mat. "hmp! Akala mo kung sinong tagapaglistas. Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi na malinis 'yang girlfriend m--!" 

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay isang malakas na suntok ang pinatikim ni Mat-mat kay Adan. Tumilapon ito sa sahig at nakakuha naman sila ng atensyon sa iba pang napapadaan at sa guwardiya. 

"You don't have a right na sabihin na hindi malinis ang girlfriend ko, dahil sa inyong dalawa, ikaw ang mukhang hindi naliligo!" 

Ngumisi lang si Adan habang minamasahe ang pisngi. Hinawakan niya sa kamay ang nobya niya at saka sinakay sa sasakyan.