Tahimik lang si Mat-mat at Donna sa buong byahe hanggang sa makarating sa bahay nila Donna. Hininto ni Mat-mat ang kotse sa tapat ng bahay ng nobya niya.
"Anong ginawa sa iyo ng kumag na iyon?" nag-aalala na tanong ni Mat-mat.
Hindi sumagot si Donna at sa halip ay yumakap ito sa binata.
"Matty, may nakaraan ako na hindi maganda. I don't know the person who got my first experience. I'm drunk at that time and I really don't know what happened." biglang lumuha si Donna.
Iyon na siguro ang pinakapanget na naranasan ni Donna sa buong buhay niya. Her first and only experience na isa sa naging dahilan kung bakit siya tumigil sa pakikipagrelasyon sa loob ng ilang taon.
She broke up with Adan that time dahil nahuli niya ito na kalampungan ang pinsan niya. Para makatakas sa pangungulit ni Adan, she went to Paris para mag-enjoy na nauwi sa kalasingan. Hindi niya masyadong matandaan ang mukha ng lalaki bukod sa cross na may tatlong pulang rosas na tattoo nito sa upper right back ng lalaki.
Sa lahat, iyon ang tumatak sa isip niya dahil kakaiba ang tattoo nito. Basta nagpatianod siya sa gustong mangyari ng lalaking iyon. Nang magising siya, mag-isa na lang siya sa kwarto.
Umuwi siya ng Pilipinas ng araw din na iyon at pinilit na kinalimutan ang kagagahan niya.
Ngunit hindi niya akalain na sugat iyon sa pagkatao niya ngayon.
Nakaramdam ng pagkainis si Mat-mat para sa ex-boyfriend ng nobya niya. Ginantihan niya ng yakap ang nobya at hinayaan nito na ilabas ang sama ng loob. Hinaplos na lang niya ang buhok ng dalaga.
"Love, kung hindi maganda ang nakaraan natin, hindi natin dapat tine-treasure. We can learn from it, but never keep it… I met you as you, as my Donna my love… and I have to accept whatever past you had before."
"...Humans are not perfect, lahat ay may pagkakamali. Ang mahalaga ay nagtanda tayo ng aral. Kahit ako ay may mga pagkakamaling nagawa sa nakalipas, kaya sino ako para husgahan ang nakaraan mo?"
Gumaan kahit papaano ang nararamdaman ni Donna. Matthew is sweet, may pagkamanyak lang talaga.
"Kaya nga Donna, my dear. Hayaan mo na ako na maka-score sayo."
Pinalo niya ito sa dibdib saka ito nilayuan "Ang manyak mo talaga!"
"Ha ha ha! at least, sa iyo lang ako ganito. 'Wag ka na malungkot ha. Ayokong nalulungkot 'yung maganda mong mata." hinila siya nito muli at kinupkop ang magkabila niyang pisngi para halikan siya sa pisngi, sa ilong, sa mata at sa labi.
"I love you Matthew…" nakatitig siya sa mata ng binata na kulay gray naman ngayon.
Ngumiti si Mat-mat. "Mahal din kita, Donna my love"
=====
Isang buwan pa ang lumipas…
Naging abala si Christen sa ospital dahil sa sunud-sunod na procedure na ginawa niya sa buong isang buwan.
Sinuri nilang mabuti si Prin pati ang pamangkin niya na nasa tiyan pa nito.
Sinimulan din ang pag-aaral nila kay Cassandra kung paano tatanggalin ang capsule bomb sa ulo nito katulong si Doc Mikko. There are things that they need to consider bago nila isagawa ang pagtanggal sa bomba ng tuluyan kaya pansamantalang pinagpaliban muna nila ang operasyon.
====
Sa isang pasilyo ng ospital, nagtipon-tipon ang mga malalapit na kamag-anak ng Hans. Naroon din si Kai pati na si Master Chen na lolo nito. Naroon din ang Mommy ni Bella na umuwi pa mula sa abroad.
Parehas na tense si Kai at Cally.
Ramdam ni Cally na pinagpapawisan ang kamay niya. Hindi niya alam kung uupo ba siya, tatayo, maglalakad sa kaliwa at kanan, sasandal sa pader at parang binabarahan ang dibdib niya.
Katulad ng mga inaakto niya, ganoon din si Kai sa tabi. Parang nagpapalitan o may sinusundan na step ang dalawa.
"Seriously, you guys! Can you please calm down! Para kayong matatae na ewan!" reklamo ni Mat-mat.
Bago pa makapagdahilan si Cally, tinawag siya ni Christen sa loob ng Delivery Room.
"Cally! Come here!" sigaw nito.
Nilakasan ni Cally ang loob bago pumasok sa loob ng delivery room kung nasaan ang asawa niya. Huminga siya ng malalim bago niya binuksan ang pintuan.
Kita ang hirap sa mukha ni Prin at pawis na pawis kahit malayo pa siya dito. Nakita niya na ang baby na inaasikaso at nililinis ng nurse. Lalo siyang na-tense nang makita ang sitwasyon.
Nilapitan niya ang asawa niya na bakas pa ang hirap sa mukha. Umupo si Cally sa tabi nito at hinalikan ang kamay. He felt something strange inside his heart. Tila may humahaplos sa kaibuturan ng dibdib niya.
Para siyang maiiyak.
"Congratulations Honey, you did a great job."
Parang nababaliw si Prin na naiiyak at natatawa habang hawak ng parehas na kamay ni Cally ang kamay niya. She's happy.
"Congratulations Cally and Prin! Here he is. A cute baby boy" nakangiti na inabot ni Christen ang maliit na sanggol kay Prin.
May namuong luha sa mata ni Cally habang yakap ang mag-ina niya.
"Husbie, He's cute… he looks like you." nagluluha na saad ni Prin.
Tumango si Cally. Hindi niya akalain na makakagawa pa sila ng milagro ni Prin matapos ang lahat ng paghihirap nila.
"Honey, let's give him a name. What do you want to call him?" tanong ni Cally.
"Prince Khalid." mabilis na sagot ni Prin.
Napangiti si Cally. Halatang ayaw mag-isip ng malalim ng asawa niya.
Ngayon na may Prince Khalid na sa buhay nilang dalawa, mas pagbubutihan niya na planuhin ang buhay nilang pamilya.