Chapter 212 - Labour

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Mas mataas ang tensyon ni Kai dahil nahihirapan si Bella na manganak, ilang oras na itong nag-la-labor at ayon sa Mommy ng Angel niya ay may mga ganoong scenario talaga na hirap ang babae sa paglabas sa baby nito. 

Nangingiti naman si Mat-mat sa tabi habang pinanonood siya na hindi mapakali. 

"Kai Jang, gusto mo ng yosi?" Tanong ni Mat-mat sa kanya. 

Masama ang timpla ni Kai kaya naman masama rin ang tingin na pinukol niya kay Mat-mat. 

"Manyak Mat, alam mong bawal ang yosi sa Dark Guards, gusto mong sakalin ako ng shogun? tapos mag-aaya ka dyan na magyosi." angas agad ni Kai. 

"Nahihilo na kasi ako sa iyo, baby. Kanina ka pa paikot-ikot. Kaunti na lang at iisipin kong si Sisa ka talaga at hinahanap ang anak na si Crispin at si Basilio." 

Siningkitan ni Kai ang mata para sa binata "palibhasa, hindi mo alam kung ano ang pakiramdam bilang isang asawa ng may nanganganak na buntis."

"Why naman, baby?" 

"Sa first base pa nga lang hindi ka makapuntos, sa pagpapaanak pa kaya?" ganti ni Kai. 

Natameme naman si Mat-mat sa ganti nito sa kanya kaya napasimangot din siya. 

Hmp! Kaunti na lang at malapit na siyang maka-first base! Ayaw niya lang ng namimilit ng babae at ayaw din naman niya na lokohin ang girlfriend niya para lang makapagrelease ng load. 

"Mabuti pa, halika dito at panoorin mo itong video para alam mo kung ano ang naf-feel ni Bella habang nanganganak."

Ayaw sana ni Kai na sundin si Mat-mat, pero pampalipas oras na rin na manood nga siya ng video sa palaging bitbit na laptop nito. 

Inabot sa kanya ni Mat-mat ang laptop at bumungad sa kanya ang black screen na may play sign sa gitnang bahagi. 

"Utang na loob, hindi p.o.r.no 'to ha!" angil agad ni Kai. 

Naroon sa lugar ang Mommy ni Bella pati ang Yeye niya kaya hindi maganda na marinig ng mga ito na may pinanonood silang p.o.r.n sa isang tabi habang nanganganak ang asawa niya. 

Napangisi si Mat-mat. "Let's check muna. Pero sure na hindi yan p.o.r.n. Anyway, use this headset kung hindi ka talaga satisfied sa sagot ko" inabot nito ang Bluetooth na headset na nakakonekta sa laptop nito. 

Sinimulang panoorin ni Kai ang palabas. 

Kitang-kita sa video na pinagpapawisan ang isang babae habang nakatutok dito ang ilaw at kamera. Nakakapit ito sa magkabilang gilid. Ilang saglit lang umire ang babae sa video. 

"eeehhh grrr!!" napapikit ito habang umiire.

"kaunting push pa misis! Kahit murahin mo ang asawa mo, basta mailabas mo lang ang baby." utos ng sa tingin ni Kai ay doktora ng babae. 

"Ahhhh!!!!" matapos sumigaw, mabilis na nag-inhale at exhale ng paulit ulit. 

"Ahhh!!! Tang-ina mo Tonyo! Walang hiya ka! Huwag mo na akong mabuntis-buntis na hayop ka! Ahhhhh!!!!" sigaw muli nito. Tapos nag-inhale exhale muli.

Parang gusto nang tapusin ni Kai ang video habang pinanonood ang babae na nanganganak pero malaking parte sa curiousity niya na gusto pang panoorin iyon. He wanted to know what is happening with her Angel inside a delivery room. 

"Ahhhh!!!" ire muli ng babae. 

Hindi nito alam kung saan kakapit para kumuha lang ng lakas. Ilang saglit pa, nakikita na ng doktora ang baby na lumalabas, ayon dito. 

"Ayan, ayan misis, malapit na! nakikita ko na ang ulo ng anak mo." 

Si Kai habang nanonood ay napapangiwi, mariin na nagkikiskis ang ngipin at parang ramdam niya ang hirap ng panganganak ng babae. Kada hagap nito ng hangin ay parang napapa-inhale exhale na rin siya. 

Ilang saglit lang, tinapat ang video sa pwerta nito. Kita ang bilog na kung ano. Kinilabutan si Kai habang nanonood. 

"Ahhh!!!" narinig niyang sigaw ng babae. Tapos ay unti-unting lumalabas ang baby. Nahihirapan na rin pati si Kai na huminga. Hanggang sa mabilis na lumabas ang baby mula sa pwerta ng babae. 

"Ahhhh!" sigaw ni Kai habang nanlalaki ang mata. Nakaramdam talaga siya ng takot na makita ang baby na lumabas mula sa katawan ng babae. 

Napalingon sa kanya ang lahat ng kasama nila sa pasilyo. Sa sobrang takot ni Kai, bigla siyang hinimatay.