Chapter 213 - My Angel

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nagkaroon ng malay si Kai matapos ang ilang minuto. 

Bigla siyang bangon "Ahhh!" sigaw niya. 

Puro katanungan naman ang nasa isip ng mga tao sa paligid kung ano ang nangyari sa kanya. Si Mat-mat sa gilid ay ngingiti-ngiti ng nakakaloko. Hawak na nito ang laptop nito na ginamit niya ilang minuto ang lumipas. 

"Matthew!!!!!!" gigil na tawag niya sa pangalan nito. Lalapitan niya na sana para suntukin ito dahil sa ginawa nito sa kanya nang sabihin ng nurse na nasa recovery room na ang asawa niya. 

"ligtas na sila sir, pwede po kayong pumasok para silipin ang misis niyo." 

Naalala ni Kai ang video at hindi alam kung paanong gagawin. 

"Pasok ka na Baby, ano pang hinihintay mo?" nakangiti ng nakakaloko na sabi ni Mat-mat. 

"Pakyu ka talaga, kapag kinailangan mo ang tulong ko. Huwag mong asahan na tutulungan kita!" galit na sabi niya saka sumunod sa nurse para silipin ang asawa niya.  

Natakot talaga siya na mapanood ang video ng sinisilang na sanggol. He imagined everything. Kaya di niya masisisi si Bella kung mahirapan sa paglabas ng baby nila. 

Natagpuan niya si Bella na bakas pa ang hirap sa magandang mukha nito. Natutulog pa ito sa isang malambot na kama at ayaw niya itong istorbuhin. Parang hinaplos nito ang galit niya ilang saglit lang. 

Haaay, wala talagang makakapagaan ng kalooban niya kundi ang asawa na si Bella kahit sa paanong paraan. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa niya bago kinuha ang kamay na malapit sa kanya at hinawakan iyon. 

Nasa ganoong posisyon lang siya sa loob ng mahabang minuto. Nakatitig kay Bella babang hawak ang kamay nito. 

Wala siyang pakialam sa iba pa at ine-enjoy ang sarili na titigan ang natutulog na mukha ng asawa. Talagang pinilit nito na manganak ng normal kahit nahihirapan kaya napangiti siya. Minsan pasaway din talaga ang asawa niya pero natutuwa siya na madalas sumusunod ito sa mga payo niya. 

Mukhang napansin naman sa paligid na ayaw ni Kai na magpa-istorbo kaya ang Mommy ni Bella ang kinausap ng hotel staff para sa mga detalye. 

'My Angel, let me love you even more' hinalikan niya ang kamay nito bilang pasasalamat na rin na hinayaan siya nito na mahalin niya ng labusan. 

=====

Lumipas ang ilang oras bago nagkamalay si Bella. Mukha ni Kai ang unang bumungad sa kanya.

"Hello, my Angel" nakangiti na tawag nito sa kanya, saka nito hinalikan ang kamay niya. 

"Where's my baby?" tanong niya agad. 

"Magtatampo na 'ko niyan. Hindi na ako ang unang hinahanap mo, kundi si baby na." pagbibiro ni Kai. 

"Masakit pa 'yung katawan ko, 'wag mo muna akong patawanin" natawa ng mahina si Bella. 

"How are you? Nahirapan ka ba? Minura mo ba ako habang humuhugot ka ng lakas para ilabas ang anak natin?" sunud-sunod na tanong ni Kai. 

Tumawa na naman muli si Bella. "bakit mo alam?" 

Napangiti si Kai. May sense din naman pala kahit papaano ang pinanood sa kanya ni Mat-mat. 

"Alam mo bang ngayon din nanganak si Prin? Ilang oras lang siya nauna sa iyo? Kahit sa panganganak besties kayong dalawa" puna ni Kai. 

"I'm happy for them, send my congratulations to Prin and Cally." 

"Nah, Huwag mo na silang intindihin."

Lumapit ang nurse na bitbit ang anak nilang babae inabot nito kay Bella ang anak niya. Nagluha naman kaagad ang mata ni Bella nang makita ang baby niya. 

"she's pretty…" naluluhang sabi. 

"Just like her mom..." Hinaplos ni Kai ang maliit na kamay ng anak niya. 

"Baby, 'wag mong aagawin sakin si Mommy ha."

"Hey! you are so bad." natatawa si Bella sa unang pabungad ni Kai sa anak nila. 

"I just wanted to educate her." nilapit ni Kai ang sarili sa noo ni Bella at hinalikan iyon hinalikan din nito ang maliit na kamay ng baby. 

Natatawa naman si Bella. He knew her well matapos ang ilang taon na pinagsamahan nila. 

"I'm happy, I never thought na gagawa ako ng masayang pamilya noon. Thank you so much, My Angel!" 

Nakangiti ng masaya si Bella habang titig na titig sa mukha ng mabait niyang anghel. Her Angel. Kung Angel siya ni Kai, this baby is her Angel. 

"Ano pong ipapangalan niyo Mam sa anak niyo?" tanong ng nurse na bagong lapit habang hawak ang form. 

"Angel" Sagot ni Bella. 

Kumunot ang noo ni Kai. "Bakit iyon ang gusto mong ipangalan sa anak natin?" 

"Because she's an angel." sagot ni Bella.

Sumimangot si Kai. Tawag niya kay Bella ang 'Angel' kaya di niya alam kung payag siya na angel din ang pangalan ng baby nila. 

"I want to call her Camilla sana." sabi ni Kai. 

Nag-isip si Bella.

"Camilla…" ulit niya sa pangalan tapos ay sinuri munang mabuti ang mukha ng sanggol niya kung bagay ang pangalan na Camilla dito. Biglang umiyak ang anak niya. 

"Aww… She doesn't like your Camilla. Let's stick to Angel, babe" 

Sumimangot si Kai at gustong titigan ng masama ang anak niya. Masama na ang kutob niya sa batang ito. Tingin niya ay aagawin nito talaga ang atensyon ng asawa niya lalo na at unang pagsubok pa lang ay taliwas na ito sa nais niya. 

Gayunpaman, pumayag na lang siya na Angel ang name ng baby nila. 

"My Angel…" tawag ni Kai. tumahimik ang baby. 

"See? She likes 'Angel'" 

"Sige na nga, Angel na, My Angel…" biglang sumeryoso si Kai at may namuong luha sa mata niya. 

"Thank you Bella, for giving me family. Pinapangako ko na mas pagbubutihan ko pa na magtrabaho" 

"No, thank you Kai for giving me family."

=====

Isang taon ang lumipas… What happened in a year for all of them? 

Cassandra is missing. Donna broke up with Matthew. Napost-phoned ang paghahanap ni Cally sa Maria Celeste 1 dahil hindi pa natatanggal ang capsule bomb sa ulo ni Prin.