Isang taon pa ang lumipas…
Cassandra is missing. Donna broke up with Matthew. Napost-phoned ang paghahanap ni Cally sa Maria Celeste 1 dahil hindi pa natatanggal ang capsule bomb sa ulo ni Prin.
=====
Nakatingin sa labas ng bintana si Prin at malalim ang iniisip niya. She wanted to know where is Cassandra.
Bitbit ang anak niyang si Khalid na pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Kita pa ang mailaw na Eiffel Tower dahil gabi ang oras. Kasalukuyan silang nasa Paris ng buong pamilya niya para hanapin si Cassandra.
Sampung buwan nang nawawala ang kaibigan niya matapos nitong tumakas sa ospital. Parang mailap na hayop si Cassandra na nawawala sa lugar tuwing abot-kamay nila.
Hindi sila makahingi ng tulong kay Mat-mat dahil nagbalik sa Amerika ang pinsan ni Cally at nag-aral ng law sa Harvard. Unusual para sa katulad ng binata. Nakipaghiwalay si Donna dito at wala siyang ideya kung bakit. Ayaw magkwento ni Mat-mat at kahit ang asawa niya.
Sa loob ng isang taon, halo-halong emosyon ang mga naganap sa grupo ni Cally.
"Honey, what are you thinking?" lumapit sa kanya si Cally at niyakap siya mula sa likuran. Khalid looked at his father then he expanded his arms to reach him.
Napangiti si Cally kaya hinarap niya si Prin para kunin dito ang anak nila. Sa loob ng isang taon, parang hindi normal ang anak nila ni Prin. Umiiyak ang anak nila sa bibihirang pagkakataon lang. Mas madalas seryoso.
Naisipan na nila na ipacheck si Khalid kay Christen, pero normal naman daw ang anak nila. 'yun nga lang kailangan nilang ipasuri muli si Khalid kapag tumuntong ng dalawang taon mahigit.
Nakangiti pa si Cally na nilalaro-laro ang anak niya nang sabihin ni Prin ang halos ayaw niyang marinig mula dito.
"Husbie, let's do the procedure." mahinang sabi ni Prin.
Natahimik saglit si Cally at umupo siya sa pinakadulong bahagi ng kama. Naghikab ang anak niyang si Khalid kaya inayos niya ito ng higa habang nasa mga bisig niya.
Ayaw niya. Ayaw niyang mangyari kay Prin ang nangyari kay Cassandra. At ayaw niya na maulit din sa kanya ang nangyari sa Daddy niya ilang taon ang nakalipas.
Ilang taon din ba siya maghihintay? 5 years, katulad ng pagkalimot ng Mommy niya noon sa Daddy niya na si Cloud Han?
Karamihan sa naganap sa magulang niya ay tila sumpa na umuulit sa kanya at suko na siya. Gusto niya nang tapusin ang bagay na iyon.
Lumuhod si Prin sa harapan ni Cally.
"Husbie, I am sure that I will never forget you. Nagbigay ng assurance sa 'kin si Christen, si Doc Mikko at si Matty na mas mataas ang improvement sa proseso ngayon. Sigurado na hindi mauulit sa akin ang nangyari kay Sandra. What happened to Sandra will never happened to me. Kaya husbie, please trust me"
Naiinip na kasi si Prin. She wanted to find Captain Yeo and his ship. At hindi siya makagawa ng aksyon hangga't nasa ulo niya pa ang bomba.
May kumatok sa pintuan ng kwarto nila kaya saglit na tumayo muna si Prin at binuksan ang pintuan ng kwarto na inuupahan nila sa Cour des Vosges Hotel. Bumungad sa kanya si Kai at Lorenz.
"Hi Prin, pwede ba namin kayong istorbohin?" tanong ni Kai.
"Sige" ngumiti ng pilit si Prin sa dalawang kaibigan bago tuluyan na binuksan ang pintuan. Sakto lang ang pasok ng dalawa dahil may namumuong tensyon sa pagitan nila ni Cally bago kumatok ang mga ito.
Nilakihan ni Prin ang pintuan para makapasok si Kai at Lorenz.
Nakakunot ang noo ni Cally nang makita ang dalawa. Nagbilin kasi siya na hindi pwede na magreport sa kanya ang kahit na sino kapag naroon na siya sa loob ng kwarto ng pamilya niya.
"Shi, pasensya na sa istorbo. Nakita na namin si Cassandra." Si Kai ang nag-inform dahil iba ng pakiramdam ni Lorenz.
Tahimik si Lorenz at seryoso lang na nakikinig.
Nakita nila si Cassandra na nagseserve ng beer sa Pop-in bar. Tulad ng dati tahimik ang babae at simpleng sagot lang ang binibigay nito sa mga customers. Abala ito at halatang ayaw magpa-istorbo.
Ngunit hindi makalapit si Lorenz sa dalaga dahil natatakot siya na baka lumayo muli ito sa kanya dahil hindi siya nito matandaan.
Dalawang buwan matapos ipanganak si Angel at Khalid, inasikaso nila ang procedure para sa pagtanggal sa capsule bomb sa ulo ni Cassandra.
Ayos ang lahat kahit ang pagtanggal sa bomba.
Isa lang ang problema, hindi sila matandaan ni Cassandra. Sampung taon sa memorya nito ang nawala at pilit na umalis sa poder nila para hanapin ang sariling pamilya.