Chapter 215 - They found Cassandra

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nagpahatid si Cally at Prin sa chauffeur sa bar kung saan nakita si Donna. Iniwan nilang mag-asawa kay Ana at sa mag-asawang Kai at Bella ang anak nilang si Khalid. 

Bukod sa gusto niya talagang makita ang kaibigan, kailangan nila si Cassandra para ma-test ang kaibigan niya. Kailangan nilang masigurado na walang problema sa procedure na gagawin sa kanya. 

Ayon kay Doc Mikko na kuya ni Kai at kasama ni Christen sa project na iyon, short term memory loss lang ang posibleng mangyari kay Sandra. Iyon nga lang, hindi nila alam kung kailan babalik ang ala-ala nito.

Ayaw lang talaga ni Cally na sumugal hangga't hindi ayos ang lahat. 

Huminto ang sinasakyan sa tapat ng isang bar. Umaambon ng mga oras na iyon kaya binuksan muna ni Cally ang payong na kulay itim bago nito pinalabas si Prin para hindi mabasa ang asawa. 

Kita ang iba't-ibang kulay ng ilaw sa labas pa lang ng bar. Berde ang kulay ng haligi at pula ang pintuan. May sign ng 'Pop in Bar' sa itaas na bahagi na gawa sa ilaw na kulay pink at dilaw. Naririnig ang banda na tumutugtog sa loob. May mga nagyoyosi sa labas at napalingon sa kanila ni Cally. 

Nagbigay sila ng ibang impresyon sa mga ito kaya halatang kumunot ang noo ng isa. Sa relo pa lang na suot ni Cally, alam na ng isa na hindi sila simpleng tao lang. 

Alam nila na maraming loko na nagkalat sa lugar na iyon, pero hindi naman sila basta-basta mapapahamak na mag-asawa lalo at ilang buwan nang nagt-train muli si Prin bilang Dark Guard kahit ayaw pa ng Mommy niya. 

Magkasunod sila na umakyat ng makitid na hagdan ni Cally. Bumungad kay Cally at Prin ang maingay at nagkakasiyahan na tao. Kulay pula rin ang pintura sa loob, makalumang bar ang tema nito hindi tulad ng White Devil. 

Dumeretso sila sa bar area at umorder ng beer. "2 bottles of beer please." hiling ni Cally sa salitang french. 

Inikot ni Prin ang mata niya sa paligid para mahanap si Cassandra. May naghahalikan sa katabing mesa, may sumasayaw sa isang parte, may nagtatawanan. 

"You bitch!" narinig nilang singhal ng isang customer. 

Dumausdos ang isang babae na naka-miniskirt na maong at dilaw na blusa sa sahig. Nakatalikod ang mga ito sa pwesto nila ni Cally. Umagaw ang mga ito ng atensyon kaya napalingon sa mga ito ang mag-asawa. 

Sinampal ng lalaki na malaki ang katawan ang babae kaya ito tumilapon. May bigote at balbas ito, may panyo pa sa ulo na kulay pula at blondie ang buhok na akala mo ay si Hulk Hogan. Napakunot ang noo ni Prin dahil sa komosyon. 

"How dare you!" angil nito. 

Nasinagan ng kakaunting ilaw ang babae at namukhaan niya si Cassandra. Noon niya lang napansin ang pulang apron na suot nito. Hindi nakatiis si Prin na nilapitan ang dalawa. 

Sasaktan muli sana ng lalaki si Cassandra nang pinigil ni Lorenz ang kamay nito. Kumunot ang noo niya na makita rin doon si Lorenz. 

Hindi niya kasi akalain na susunod ito sa kanila ni Cally. 

Nagsalubong agad ang kilay ng lalaki na malaki ang katawan para kay Lorenz at halatang nagalit ito. Lumapit si Prin at tinayo si Cassandra sa pagkakasalampak. 

"Who are you?!" singhal nito kay Lorenz. 

Hindi ito pinansin ng binata at nilapitan nito si Cassandra. Sinalubong ng binata ang pagkakatitig ng dalaga na may bahid ng hinanakit. 

Hinawakan ng lalaki si Lorenz sa balikat. "You bastard!" 

Hinawakan din ni Lorenz sa pulsuhan ang lalaki at inipit ang braso nito. 

"hey, I don't want to create trouble here. Can you please f.u.c.k off?!" 

Umangil ang lalaki saka binawi nito ang kamay sa balikat ng binata at masama ang tingin na pinukol nito dito. He scoffed saka tumalikod at bumalik sa upuan habang hinihilot ang braso. 

Akala ni Prin ay gagawa ng away ang lalaki dahil hindi magdadalawang isip ang shogun nila na saktan ito. 

"Okay ka lang?" tanong ni Lorenz sa dalaga. 

Tumango si Cassandra. "W-why are you guys here?" tanong nito na mailap ang tingin. 

Pinagmamasdan ni Prin ang dalaga ng matagal ganoon din si Lorenz. Mailap ang tingin nito na halatang umiiwas. 

Nagulat na lang siya nang hawakan ng binata ang kaibigan niya sa kamay at mabilis ang mga lakad na inakay ito paalis sa lugar na iyon. 

Naiwan si Prin na nakatingin lang sa dalawa na papaalis. Base sa reaksyon ni Cassandra, sa tingin niya ay nagbalik na rin ang memorya nito.