Hinawakan ni Mat-mat ang pisngi ni Donna.
He misses her so much. Kahit ang hawakan lang ang pisngi nito ay namiss niya. Dinikit niya ang noo sa noo nito habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. It was one of the things he misses the most, because he can see himself na parang nananalamin, na para bang sinasabi ng mga matang iyon na wala itong nakikita kun'di ang sarili niya.
"I'm sorry, My Love for hurting you. Please forgive me" bulong ni Mat-mat bago niya hinila ang leeg ni Donna para halikan ito sa labi.
Napaluha si Donna habang sakop ni Mat-mat ang labi niya. Hindi niya maitatanggi na namiss niya ng sobra ang binata. May kasalanan din siya sa nangyari.
Ang masama ay sinisi niya ang lahat ng iyon sa binata.
Nagpapasalamat siya na kahit pinaglayo sila ng ilang buwan at naging sarado ang isip niya sa mga bagay-bagay, nananatili pa rin siya sa puso nito. No questions asked.
Ganoon yata talaga kapag mahal niyo ang isa't-isa, para bang may tali pa rin na nag-uugnay sa inyong dalawa kahit na ilang araw o taon pa ang lumipas.
Parang si Prin at Cally, ilang taon na naghiwalay ang dalawa pero nananatili ang tiwala ng mga ito sa isa't-isa. When she came back, Cally never questioned Prin if Prince Khalid is his. He knew deep inside his heart because he loves her and trusted her so much.
Wala kahit isa na pumapagitna sa dalawang taong nagmamahalan because their heart belongs to one person and no one else.
Ang pagkakaiba lang nila kay Prin at Cally, hindi siya nagtiwala kay Mat-mat.
Halos panggigilan ni Mat-mat ang labi niya. Hindi niya alam kung gaano katagal nilang binawi ang ilang buwan na naghiwalay silang dalawa.
"My Love… kailan ako makaka-score sa 'yo?" tanong nito habang habol ang hininga.
Kinutusan niya ito dahil sa pagkainis kahit pa parang na-vaccuum ng lalaki ang lahat ng paghinga niya.
"Matty, gusto mong maka-score ng maraming sapak? Malapit na ngang lumawlaw 'yung b.o.o.b.s ko dahil pinangigigilan mo palagi."
Bigla nitong inangat ang kamay "Mukhang may kleptomaniac na ang kamay ko." paghuhugas kamay nito.
"Tado! Maniac ka lang talaga hindi kleptomaniac, nagdadahilan ka pa!"
Tumawa ng malakas si Mat-mat.
"Oh my gosh! I'm so glad that you are really back!" natatawa na sabi nito saka siya nito niyakap ng mahigpit.
"Namiss lang kita sobra" saka siya nito pinaulanan ng halik sa mukha.
Napakapit na lang si Donna sa leeg ni Mat-mat dahil bigla siya nitong binuhat para dalhin sa loob ng kwarto niya. Nilapag siya nito sa kama ng maayos at maingat na hinubad ang itim niyang sandals isa-isa.
"Patabi ako. Mahaba-haba ang binyahe natin pareho. Saka, makabawi man lang ako sa nasira kong laptop" Parehas silang galing sa mahabang byahe. Si Donna, mula pa sa Maynila at si Mat-mat na galing pa sa Amerika.
"Paano nga pala 'yung laptop mo? Wala ka bang plano na kunin sa baba?" tanong ni Donna sa binata.
"It can replace. What I need right now is someone to cuddle with. Pinayagan naman ako ng magulang mo na tabihan ka kaya wala akong problema" sabi nito saka hinubad ang sapatos at tumabi sa kanya.
Namula ang mukha ni Donna na tumalikod sa binata. Ang totoo, nahihiya siya dito. Mahaba-haba rin ang panahon na sinayang niya sa pagitan nila ni Mat-mat.
Naramdaman na lang niya na yumakap sa kanya ang binata mula sa likuran at dinikit nito ang ilong sa leeg niya.
"I miss you, my love..." bulong nito bago siya hinalikan sa pisngi.
May ngiti sa labi si Donna na hinila ng antok. Sa palagay niya, masyado rin talaga siyang napagod sa pakikipaghabulan niya dito.
Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nakatulog. Nasilaw na lang siya sa liwanag mula sa labas ng mahabang bintana.
Napasinghap na lang siya nang maramdaman na may kumagat sa dibdib. "Matthew! Ahh!"
Napasabunot na lang siya sa binata at napaliyad dahil sa ginawa nito.
Pinapapak nito ang dibdib niya.
"'Yung totoo? Naiinggit ka ba sa dibdib ko?" kinutusan niya si Mat-mat dahil sa kalokohan nito. Hindi pa nga siya nagt-to-tooth brush at pinagsasamantalahan na siya ng binata.
"Donna, My Love alam mo ba ang ibig sabihin ng 'Maliliit na Gagamba' sa a.d.u.l.t world?" tanong ni Mat-mat sa kanya.
Kumunot ang noo ni Donna.