Chapter 222 - I miss you...

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Mabilis na nabuksan ni Donna ang pintuan ng kwarto at dali-dali siyang lumabas sa mismong suite ni Mat-mat.

Hindi alam ni Mat-mat kung kukunin ang laptop niya o susundan si Donna. Nanggigigil at mabilis na nasundan niya ang dalaga sa harap ng suite nito. Nanlaki na lang ang mata ni Donna dahil nang makapasok sa kwarto niya ay nakasunod sa kanya si Mat-mat. Isasara na lang sana niya ang pinto nang pigilan siya nito.

Nagtutulakan silang dalawa sa pintuan, siya ang nasa loob at si Mat-mat ang nasa labas.

"Open the door, woman!" Sigaw nito mula sa labas habang pilit na tinutulak ang pinto. Ilang dipa lang ang siwang at tuluyan na iyon na masasarado. Medyo nag-aalala si Mat-mat na ipuwersa ang pinto dahil baka tumilapon ang dalaga kahit pa alam niyang malakas din naman si Donna.

"No! I won't!" Sagot ni Donna. Ano siya nababaliw? Lalo at alam niyang galit si Mat-mat sa kabilang bahagi ng pintuan.

"Donna! Bibilangan kita! ako na ang nagsasabi na kapag hindi mo kusang binuksan ang pintuan, you're dead!" Sabi nito.

"What's the difference?" tanong niya. Alam niyang patay pa rin naman siya lalo at hinulog niya sa pool ang pinakamamahal nitong laptop.

"Get your laptop and go away! Ahhh--!" Sumalampak ang puwitan niya sa carpet dahil pwersahan na binuksan ng binata ang pinto.

Tuluyan nang nakapasok si Mat-mat sa kwarto saka nito sinara ang pintuan. Salubong ang kilay ng binata na nakatingin sa kanya na nanlalaki ang mata.

Parang bata na mabilis na gumapang si Donna papasok ng bedroom para makatakas kay Mat-mat. Hinawakan siya nito sa bewang para hulihin siya.

"Ahh!" Tili niya. Sinipa niya ito sa tuhod kaya siya nito nabitawan saka siya sumuot sa ilalim ng mesa.

"Shit!" he hissed. Nanggigigil na hinilot ni Mat-mat ang tuhod.

"You are so dead, Donna!"

Gumapang uli si Donna patungo sa pintuan ng kwarto at doon siya nahuli ng binata. Niyakap ni Mat-mat ang bewang niya para pigilin siya.

Napaupo ang binata sa carpet at hinila siya nito kaya napakandong siya sa nakasalampak na binata. Mabilis siya nitong ikinulong sa loob ng dalawang braso nito.

"Let go of me!" Nagkakawag siya ngunit masyado nang malakas si Mat-mat kaya kahit anong tanggal niya sa braso nito na nakalingkis sa kanya ay hindi siya makaalis.

Parang nilipad naman ng hangin ang lahat ng galit ni Mat-mat nang mayakap niya ang dating nobya. God knows how much he missed her. Namimiss niya ang amoy nito na nanunuot sa ilong niya ng mga oras na iyon.

"Stop… Please… I miss you…" narinig niyang bulong ng binata.

Doon napatigil si Donna. Tila kumirot ang isang parte ng dibdib niya sa sinabi nito. Hinihingal at napapagod na rin siya na kumawala pa sa bisig nito. Humigpit lalo ang yakap ng binata sa bewang niya mula sa likuran.

"Hindi mo ba kukunin ang laptop mo? A-and I.. I want to be alone"

"Donna, I just wanted to talk to you… Can't you see that you are more important? You never listen to me even once at ayoko nang maghintay ng ilang buwan muli to tell you what really happened, to explain my side. Sayang ang oras at araw. This is making me crazy! You are making me crazy!" pinatong nito ang ulo sa balikat niya.

Napabuntong hininga na lang si Donna dahil may katwiran din naman ang binata.

"...I have never toyed your feelings. We are not getting any younger, why would I do that?"

"...I just wanted you to know that I am also a victim... During that time, a french girl named Coffee drugged me. Sinira niya ang reputasyon ko sa industriya when she released a video of me having s.e.x… with you."

Nanlaki ang mata ni Donna. Napasinghap siya.

"What???! A-am I part of the p.o.r.n sites now? Did someone watched it? Oh my god!" Ngayon alam niya na kung bakit sinabihan siya ng ex niya na hindi siya malinis. Did he watched it?

"All the videos are deleted bukod sa laptop ko na nahulog sa pool. They are gone kahit saang phone or computers pa… three days after that night, I deleted all the evidence but it was too late. A day after that night, natapos ang bidding and I was late."

"...I am really sorry because I was an asshole. I thought the girl that I had s.e.x framed me and thought it was Coffee..."

"...I chose to forget everything and never thought it would affect our relationship. I'm really sorry, Donna."

Natahimik si Donna. She knew Coffee. Kinaibigan siya ng babae nang araw na iyon at nakipag-kwentuhan pa sa kanya. Hindi niya akalain na isang patibong at palabas lang pala ang lahat.

Mataas din ang tyansa na nilagyan din nito ng droga ang inumin niya.

"Mat, why did you leave me, then? Bakit ka nagpunta sa Amerika nang hindi nagpaliwanag?" tanong niya sa binata.

"Dahil hindi mo rin naman ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Saka sobrang na-guilty ako." malungkot na paliwanag ni Mat-mat.

"Mat…"

"Hmm?"

"'Yung totoo? 'Yung kamay mo kanina pa nasa b.o.o.b.s ko!" saka niya tinapik ang kamay nito.

"Oops… Sorry, I never thought na b.o.o.b.s 'yon." nakangisi na sagot nito.

Donna "..."