Pinagmamasdan ni Mat-mat si Donna hanggang sa huminto ang babae sa tapat ng suite nito.
Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng magulang nito dito pero may ideya siya na tungkol iyon sa relasyon nila ng babae dahil kita niya ang hinanakit sa mukha ni Donna nang tumigil ito sa tapat ng pintuan.
Kaya naman nagdesisyon na siya na tapusin na ang kung anumang pangit na impresyon nito sa kanya. Hindi naman siya nagmamalinis pero wala rin naman siyang alam sa nangyari dahil pilit niya iyon na kinalimutan.
Aminado si Mat-mat na marami siyang kalokohan na nagawa noon. Pero simula nang mangyari ang gabi na 'yon, ang araw na binanggit ni Donna nang makipaghiwalay ito sa kanya ay medyo nagtino siya.
May sinalihan siyang assembly sa Paris anim na taon ang nakaraan at may ginawang masama sa kanya ang mahigpit niyang kalaban sa computer program. Si Coffee, Isang babae na hawak ng isang sindikato sa lugar.
She drugged him para ibenta sa publiko ang masama niyang gawain at para matalo na rin nito sa bidding competition. Akala niya noon ay ang babae ang nakasiping niya ng araw na binanggit ni Donna sa kanya. Isa pa, malabo na ang mata niya ng mga panahon na iyon kaya wala siyang masyadong maaninag.
He reviewed the Hotel videos, May 3rd, Grand Romantik Hotel Paris nang maghiwalay sila ng babae at doon niya lang napagtanto na siya ang lalaki sa kwento nito. Gusto niyang magpasalamat and at the same time ay mag-sorry pero masyado niya na itong nasaktan at wala siyang magawa para maibalik ang tiwala nito sa kanya.
Umiwas sa kanya ang dalaga at halatang kinasusuklaman siya nito, at hindi niya ito masisisi. Totoo at tapat ang pag-ibig niya sa babae at masyado siyang naging kampante.
Kaya bago pa magbago ang isip niya at makatakas na naman sa kanya si Donna, binuhat niya na ito para ipasok sa loob ng kwarto niya na nasa parehas na floor ng hotel.
"Matthew!!!" sigaw ni Donna. Alam niya na kapag buo na ang pangalan na tinatawag nito sa kanya, ibig sabihin ay galit na talaga ito sa kanya. Pinagsusuntok siya nito sa likuran.
Dinala niya si Donna hanggang sa suite na nireserba niya. Binuksan niya ang pintuan, dumeretso sa kwarto at hinagis sa kama ang dalaga.
"You will listen to me now!" sabi ng binata.
"No! I don't! I dont want to talk to you" tumayo si Donna mula sa kama para umalis ng kwarto na 'yon ngunit humarang na si Mat-mat sa pintuan.
"You will listen to me, woman! Kung hindi, hahawakan ko ang b.o.o.b.s mo"
Nagkuyom ang palad ni Donna at gusto niyang suntukin ang ex niya "Kahit kailan, bastos ka pa din! I want to get out of here! Move!"
Hindi siya pinansin ni Mat-mat. Sa halip, humarang ito sa pintuan at humalukipkip. Naiinis na tinungo ni Donna ang Terrace at sinilip kung maaari siyang makaalis doon. Ngunit masyadong malayo ang terrace ng kabilang kwarto. Hindi naman siya tanga para tumalon sa napakataas na terrace patungo sa kabilang terrace. Sinilip niya ang ibaba at napansin niya na nasa tapat ng kwarto nito ang swimming pool. Pero hindi din naman siya nababaliw para tumalon sa pool mula sa ika-apat na palapag. Wala siyang choice kundi harapin ang binata na nanatili sa pintuan.
Ngumisi si Mat-mat nang mapansin nito na pabalik siya ng kwarto.
"Alis!" singhal niya dito.
"No way, My dear. I have waited for months and it's long enough. You will listen to my explanation now."
"I don't care about your explanation. Move!"
Lumapit sa kanya ang binata kaya nagsimula siyang kabahan. Napalunok si Donna.
"Huwag ka nang pakipot Donna, My love" sabi nito habang humahakbang.
"Donna, your love, your face! Huwag kang lalapit!" binato niya ito ng unan. Sinalo lang iyon ng binata saka binalik nang maayos sa kama.
Natagpuan niya ang laptop nito sa ibabaw ng bedside table kaya dinampot niya iyon at mabilis na tinungo ang terasa.
"Sige ihahagis ko 'to dito!" pananakot niya. Alam niya kung gaano ka-importante ang laptop nito dito. At hindi nga siya nagkamali dahil halatang nataranta ang binata lalo na ng ilabas niya iyon sa 'safe zone'.
"Donna, I'm warning you!" nakakuyom ang palad ni Mat-mat at natatakot ito sa kahihinatnan ng laptop nito.
"Alis!" pilit ni Donna.
"I just needed to talk to you. Masama ba iyon?" hiling nito.
"At tulad ng sinabi ko, ayoko!"
Lumapit si Mat-mat para pigilin siya, ngunit huli na! Binitiwan niya na ng tuluyan ang laptop nito at diretsong bumagsak iyon sa swimming pool na nasa ibaba.
"Noooo!" sigaw nito na nanlalaki ang mata. Agad itong sumilip sa terasa at pinanood na lang ang laptop nito na unti-unting lumulubog sa tubig.
Natakot din naman si Donna matapos niyang mahulog ang laptop nito na kahit siya ay nanlaki ang mga mata. Nabigla lang din talaga siya nang lumapit ito at plano niya lang itong takutin.
Salubong ang kilay na hinarap siya ni Mat-mat. Halatang galit ito. Natakot siya dito kaya tinakbo niya ang pintuan para tumakas.
"Donna! Don't you dare try to escape!"