Nag-aabang si Donna sa elevator nang tabihan siya ni Mat-mat. Hindi na lang niya pinansin ang binata dahil baka aakyat rin ito sa kwarto nito. Humakbang lang siya pagilid para makalayo dito ng ilang dipa.
Nang bumukas ang elevator, naunang tumuloy si Donna sa loob saka pumuwesto sa pinaka-gilid sa kanan, malapit sa pindutan. Pinindot niya ang numero ng 4th floor kung saan siya bababa.
Pumasok din ang binata at sumiksik sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama.
"Pipindot lang…" katwiran nito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Meron d'on sa gilid." turo niya sa left side ng elevator. Saka ito inirapan.
'pindutin ko ilong mo e' isip-isip niya.
Hindi na lang niya ito pinansin saka umatras ng bahagya para bigyan ito ng space. Napansin niya na wala namang pinindot ang binata pero hindi na lang niya ito pinansin. Mukha namang iniinis lang siya nito.
Kinuha na lang niya ang cellphone para hindi siya ma-OP, saka tinapat iyon sa tenga niya para kunwari ay may tatawagan. Kaysa bwisitin siya ni Mat-mat.
"Hey, see you later… Sure… Yes, I'm here…" mga saad niya dahil nate-tense siya sa loob ng elevator lalo at dadalawa lang sila ni Mat-mat na sakay nito.
Nakita niya sa itaas na bahagi ng elevator na naroon na siya sa palapag kung saan siya bababa. Humakbang siya palabas nang bumukas iyon. Sumunod ang binata na lumabas din sa elevator.
Nabigla na lang siya nang mag-ring ang telepono habang nasa tenga niya pa. Naihagis niya tuloy ng wala sa oras ang telepono na hawak dahil sa bigla. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa kahihiyan. Nahalata tuloy ng binata na wala naman talaga siyang kausap sa kabilang linya.
Dinampot ni Mat-mat ang cellphone niya na bumagsak sa harapan nito saka inabot sa kanya. Ngumisi si Mat-mat nang makita na tumatawag ang magulang niya.
"Thanks!" sabi ni Donna pero bago niya mahawakan ang telepono, binawi iyon ni Mat-mat pataas.
"Kiss muna" sabi nito.
Tiningnan niya ito ng masama. Tinapat niya lang ang kamay sa harap nito. Patuloy lang na nagri-ring ang cellphone niya.
"Akin na" seryosong sabi niya.
"No. Kiss muna."
"Matty, hindi ako nakikipagbiruan" naiinis na sabi niya dito.
"Masungit ka pa rin tulad ng dati."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Give my phone back!" pilit niya. Wala siyang panahon na makipagplastikan o makipagkwentuhan dito.
Nagulat na lang siya nang sagutin nito ang cellphone niya. "Hello Daddy" masiglang bati pa nito.
Parang gusto niyang sumuka ng dugo nang marinig ang pagbati nito.
"This is Matthew, kasama ko po si Donna dear dito sa Paris."
"Matthew, Give my phone back!" tumalon siya para abutin ang telepono niya pero hinapit siya nito.
Kumabog ang dibdib ni Donna pero nakabawi siya agad kaya tinuhod niya ito sa maselang bahagi ng katawan. Nakalimutan ba nito na nagtraining siya noon bilang Dark Guard? at hindi siya mahinang babae kahit pa hanggang balikat lang ang taas niya sa binata.
"Ouch!" hiyaw nito.
"Butinga sayo! Sinabi ko nang hindi ako nakikipagbiruan!"
"Daddy, sinasaktan ako ng anak niyo." reklamo nito habang namimilipit sa sakit at hawak ang cellphone niya sa kabilang kamay na nananatiling nakadikit sa tenga nito.
Dahil napayuko ito, hinablot niya ang cellphone niya at patuloy na naglakad patungo sa suite niya habang kausap ang Daddy niya sa kabilang linya.
"Hello Dad" sagot niya.
"Hello honey, nagkabalikan na kayo ni Matthew?" masiglang tanong nito sa kabilang linya.
"No Dad. Kung ano man po ang sinabi niya sa iyo, huwag mong pansinin, nasisiraan lang iyon ng ulo. Narito ako sa Paris dahil inimbitahan ako ni Prin at Cally" sabi niya dito.
"Huh? Bakit naman? Anak, bumalik ka na sa kanya. Kawawa naman kayo ni Matthew" halatang nalungkot ito sa kabilang linya.
"Dad…" hinilot niya ang noo niya. Sa kanilang dalawa ni Matthew, siya ang kawawa at hindi ang binata. Nagtataka lang siya kung bakit botong-boto dito ang mga magulang niya.
Inagaw ng Mommy niya ang telepono.
"I know you still love him!" sabi nito sa kabilang linya. Natahimik si Donna. Hindi na importante kung mahal niya pa ito, ang mahalaga kung may tiwala pa ba siya dito.
Napabuntong-hininga na lang siya. Nakarating na siya sa tapat ng kwarto niya kaya tinapat niya ang card key sa sensor.
"Mom, magpapahinga na ako. Ingat kayo ni Daddy" sabi niya dito.
"Honey..." tawag nito sa kanya.
"...I just hope na kausapin mo si Matthew , hingin mo kung ano man ang paliwanag niya. Nalulungkot ako para sa inyong dalawa... Nakausap ko siya anim na buwan ang nakaraan at humingi siya ng tawad samin ng Daddy mo bago siya magpunta sa Amerika. Walang kasalanan si Matthew kaya ako na ang nakikiusap sa iyo, sana makinig ka habang nandyan ka sa Paris at kasama siya."
Hindi niya alam ang isasagot sa magulang kaya tuluyan na siyang nagpaalam sa mga ito.
Nagulat na lang siya nang bigla siyang bitbitin ni Mat-mat sa balikat nito.
"Hey! Matthew put me down!" singhal niya sa binata. Sinuntok niya ito sa likuran. Hindi siya nito pinansin at patuloy lang na naglakad patungo sa kung saan.