Pagkalipas ng isang oras, katulad ng usapan ay nagkita-kita sila sa restaurant na pinareserba ni Prin sa hotel.
Magkasabay sila na bumaba ni Cally na bitbit ang anak niya.
Naroon na si Cassandra at Lorenz na magkahawak-kamay at matiyagang naghihintay sa kanila.
Tumayo si Cassandra para yakapin ang kaibigan. Napaluha si Prin dahil naka-alala na ang kaibigan niya at masaya siya doon.
"I miss you my friend, I'm really sorry…" sabi nito habang mahigpit ang yakap nila sa isa't-isa.
"Kailan pa nakabalik ang alaala mo?" usisa niya dito.
"Nang nakaraang buwan lang." ngumiti ito ng mapait. Tumango-tango si Prin at inikot ang paningin sa buong kwarto.
"I'm happy." sabi niya dito. Mahaba-haba ang pag-uusapan nila ng kaibigan kasabay ng dalawang doctor na nasa loob ng kwarto.
Naroon na sa kwarto si Christen at si Doc Mikko pati na rin si Donna na tahimik na umiinom ng red wine sa isang tabi.
Isang buong bilog na table 'yun na nasa loob ng kwarto na sampuan. Lumapit siya kay Donna para kumustahin naman ito. Hindi niya alam kung gaano nito kaayaw o kagusto na makita si Mat-mat. Pero hindi niya kasi alam na pupunta ang binata at ang dalawang doktor para pilitin ang asawa niya.
"Donna…" tinabihan niya ito. Lumingon ang dalaga saka ngumiti ng simple.
Hindi alam ni Prin kung paano sisimulan na sabihin na naroon din sa lugar na iyon ang ex-boyfriend nito.
"Ahh eh…" napakamot siya sa ulo.
"Are you going to tell me that Matthew is here?" sabi nito.
Kagat-labi na tumango si Prin. "Yes. I don't know--"
"Hello guys!" masayang bati ni Mat-mat na bagong pasok. Kasunod nito ang mag-asawang Kai at Bella.
Sabay silang napalingon sa pintuan. Napansin ni Prin na biglang natahimik din ang binata matapos magtagpo ng mata nito at ni Donna.
"I'm really sorry, Donna." paghingi niya muli ng paumanhin kahit pa hindi niya alam kung ano ang talagang history ng dalawa.
Tumayo na siya para tabihan si Cally. Magkakatabi ang magkakapareha na si Cally at Prin, Kai at Bella, Lorenz at Cassandra, Christen at Doc Mikko kaya walang nagawa si Donna na itabi Kay Mat-mat dahil nasa isang bilog na mesa lang silang lahat.
Dahil kumpleto na ng lahat, sinimulan ni Christen magpaliwanag.
"Narito kami ni Doc Mikko hindi lang para makiisa sa birthday ng pamangkin ko na si Khalid at Angel, kundi para pilitin na rin si Cally na isagawa ang operasyon kay Prin."
"... ngayon na narito na si Sandra, gusto ko sanang hilingin kung pwede ka namin na ma-test for x-ray and for other laboratories." sabi nito kay Cassandra.
"I'm willing." diretsong sagot ni Cassandra.
Wala namang mawawala sa kanya kung dadaan siya ng test. Hindi niya masisisi ang lahat kung mag-alala ang mga ito kay Prin, lalo na at ilang taon na nawala ang kaibigan niya sa pamilya nito.
Isa pa, malaki ang pasasalamat niya sa lahat dahil ligtas na siya sa bomba.
"that's good and thank you" nakangiting sabi ni Christen.
Pinaliwanag ni Doc Mikko at Christen ang mga gagawin katulong si Mat-mat sa imbensyon ng mga ito na related sa medisina.
Tumahimik ang lahat na parang may dumaan na anghel sa kwarto matapos ang paliwanag ni Christen. Naserve na rin ang pagkain sa table kaya sinimulan na ng lahat ang mag-dinner.
Guilty si Prin habang tinitignan si Donna at Mat-mat sa kabilang bahagi. Hindi niya kasi alam na pupunta ang iba para sundan sila doon.
Hinawakan ng asawa niya ang kamay niya at pinisil iyon. It's as if he is telling her everything is okay kaya tumango siya dito.
Walang makagawa ng pagbibiro sa harapan ng pagkain para kay Mat-mat at Donna dahil kilala ng lahat ang dalaga bilang seryosong tao at hindi ito magdadalawang isip na magwalk-out doon.
"By the way, Magpapakasal kami ni Sandra dito kaya maiiwan kami" pagbibigay-alam ni Lorenz.
Nagsipaglingunan ang lahat sa dalawa.
"Wow! Congrats!" nagpalakpakan ang lahat.
"Hindi ka naman nagmamadali niyan, Shogun?" tanong ni Prin. Parang nagkita lang muli ang dalawa nang araw na iyon at gusto na nito na magpakasal kaya nabigla talaga siya.
Ngumiti lang ito ng simple kaya wala silang nagawa kundi i-congrats ang dalawa.
Ilang saglit pa, nagsimulang magkwentuhan si Prin at Bella tungkol sa mga traits ng anak nila. Ganoon din naman ang iba pa sa ibang topic.
Mabilis na inubos ni Donna ang pagkain niya kaya nagpaalam na siya na uuna na sa lahat para magpahinga sa kwarto niya.
"Uuna na ko sa inyong lahat." sabi lang saka mabilis na tumayo at hindi na naghintay pa ng sagot mula sa kanila.
Halos hindi siya makahinga at hindi makakilos sa tabi ni Mat-mat na parang nakikiramdam sa kanya kaya siya nagpaalam. Parang naninikip ang dibdib niya kaya umalis na lang siya sa hapag.
Mabilis ang mga hakbang na lumabas siya ng reserved room na iyon saka nilakad ang papuntang elevator.
Habang nag-aabang sa tapat ng elevator, naramdaman na lang niya na tumabi sa kanya si Mat-mat.