Chapter 218 - You are the guy

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nang makabalik sa hotel si Cally at Prin, wala pa doon si Cassandra at Lorenz. 

Pero natagpuan nila sa Lobby ang bagong dating na si Doc Mikko at Christen. Dumating din si Donna na inimbitahan ni Prin para sa kaarawan ng anak niya ngunit umuna na sa suite na nakalaan dito. 

Ayaw nito ng una pero pinilit niya para iselebra ang birthday ni Khalid at Angel. 

Plano ng dalawang doktor na pilitin si Cally na tanggalin na ang capsule bomb sa ulo ni Prin. At dahil naroon sila sa Paris kung saan nag-aral ang dalawa, mas malaki ang tyansa nila dahil katulong ng mga ito ang iba pang magagaling na doktor sa eskwelahan. 

"Cally, since you are all here, we decided to follow you." Simula ni Christen sa kuya niya bago humalik sa pisngi nito. 

"Sigurado ka na hindi ka narito para makipagdate?" tanong ni Cally. 

Namula ang mukha nito. "Shut up!" 

"Nauna pang magkaroon ng boyfriend sa iyo si Crayola." tudyo nito. 

Kumunot ang noo ni Doc Mikko "Ehh, Sino ang nagsabi? We are dating for four years. During that time, dalagita pa ang bunso niyo." 

Nagkatinginan si Cally at Prin. Hindi nila iyon alam at mukhang walang nakahalata na nagde-date ang dalawang doktor. 

"You mean, tuluyan ko nang magiging brother-in-law si Kai Jang?" napalingon sila sa bagong paparating na si Mat-mat. 

"Oh! Pati ikaw nandito?" gulat na tanong ni Prin sa binata. 

"Hindi masaya ang party kung wala ako" sagot nito habang hila ang bagahe papalapit sa kanila. 

Umikot ang mata ni Prin "Mabuti pa, magpapa-reserve ako ng kwarto sa restaurant. See you all in an hour para mas malinaw. Husbie, sabihan mo na lang si Lorenz" 

=====

Sa hotel suite ni Donna. 

Inimbitahan siya ni Prin na magpunta sa Paris kahit ayaw niya nu'ng una. 

Ayaw niya na kasing balikan pa ang nakaraan -- ang kanyang first night na hindi niya akalain na si Mat-mat din pala. 

Napangiti siya ng mapait habang pinagmamasdan ang nagliliwanag na Eiffel Tower.

Masyado siyang nasaktan na parang napaglaruan siya ng binata. Masyado rin na naging sarado ang isip niya para pakinggan ang paliwanag nito hanggang sa magsawa na lang si Mat-mat na magpaliwanag pa sa kanya at bumalik ito sa Amerika. 

Pakiramdam ni Donna, niligawan lang siya ni Mat-mat dahil nakuha nito ang v.i.r.g.i.nity niya noon. He always listen to her tuwing iku-kwento niya ang pangit na nakaraan niya na iyon na parang balewala lang dito, iyon pala… ito ang lalaki sa kwento. 

Natatawa ba ito sa kanya dahil para siyang tanga na kwento ng kwento sa nakaraan? Samantalang, ito lang din ang lalaki sa kwento niya? 

She remembers clearly the last day they seperated. She went to his home para kusang ibigay ang sarili niya dito. She was ready and he has waited long enough for her. 

She brought a six inches round red velvet cake and a red wine to celebrate their love. 

Matapos niyang mag-doorbell, binuksan nito ang pinto ng naka-towel lang. Katatapos lang din kasi nito maligo. 

"Hello, Donna, My love. Why are you here?" takang tanong nito dahil alas nuwebe na ng gabi. 

Napalunok si Donna dahil unang beses niya na makita ang katawan ni Mat-mat ng nakahubo ang pang-itaas. Tumutulo pa ng bahagya ang basang buhok nito sa dibdib, sa balikat at pababa. 

Namumula ang mukha ni Donna na lumingon sa magkabilang side dahil baka may makakita ditong kapitbahay. "Hey! Bakit ka nagbubukas ng pintuan ng naka-towel lang?" 

"Nah! Kahit pagnasaan nila ang katawan ko, this body is exclusive for you." nakangisi at tudyo na sagot nito. 

Pinalo niya ito sa dibdib at agad niya ring binawi dahil nakahubo pa ang binata. 

"Come in!" ang sabi nito saka tumalikod. Nakangiti pa si Donna hanggang sa unti-unting mawala iyon. Lumitaw sa kanya ang tattoo ni Mat-mat na malinaw na malinaw sa ala-ala niya dahil tumalikod ito sa gawi niya. 

Nabagsak niya ang cake at ang redwine.

Nagsipagtalsikan ang bubog at alak sa binti ni Donna pero hindi niya iyon pinansin. Nakakunot ang noo na napalingon sa kanya si Mat-mat. 

"Are you… okay?" 

Tulala na napatingin si Donna sa mukha ni Mat-mat at unti-unti ring lumilinaw ang mukha ng lalaki sa nakaraan niya. 

"You… It's you…" 

Nakakunot ang noo na lumapit sa kanya si Mat-mat. "What's wrong?" 

Napaatras si Donna. "Matty, are you happy na paglaruan ang damdamin ko?" napakuyom siya ng palad saka napaluha. 

"It's you… May 3, six years ago. Romantik Grand Hotel."

"My Love… What are you talking about?" tanong ni Mat-mat. 

"Don't call me 'My Love!', I trusted you Mat!" singhal ni Donna sa binata saka tumakbo paalis kahit pa may mga tibo ang binti niya mula sa nabasag na bote ng wine. 

Humugot ng hangin si Donna matapos makabalik sa kasalukuyan. Pinunasan niya ang luha na tumulo sa mga mata niya. 

Kailangan niyang harapin ang nakaraan para tuluyan na makapag move-on.