Chapter 217 - Give me your money

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sabay na bumaba si Prin at Cally sa makitid na hagdan ng Pop in Bar. 

"Husbie, do you think she remembers everything now?" tanong ni Prin. 

"I don't know. Maybe." simpleng sagot ni Cally. 

'Paglabas ng main door ng Pop in para makaalis na sa lugar, humarang sa kanilang dalawa ang grupo ng apat na kalalakihan. Napansin nila na ang mga ito ang grupo na nagmamatyag sa kanila simula pa lang ng pumasok sila sa lugar. 

"Hey, you two! Give me your money, your gold necklace and your watch." sabi ng nasa pinakagitna na sa tingin nila ay ang lider. Nakahalukipkip pa ito at halatang nananakot. 

Tama ang hinala ni Cally na napansin nga nito ang relo niya at ang kwintas ni Prin na parehas ginintuan. 

Kumunot ang noo ni Cally at Prin saka nagkatinginan bago ibinalik ang tingin sa lalaki.

"Pa'no kung ayaw namin?" nakakunot ang noo na sagot ni Cally. 

Ngumisi ang isa at agad na hinawakan ang braso ni Cally para pilit na kunin ang relo niya sa kamay. 

Binawi ni Cally ang braso niya na hawak nito saka niya diretsong sinuntok sa mukha ang lalaki na pilit na kumukuha ng relo niya. Gumanti rin ito ng suntok ngunit nailagan ni Cally saka niya sinipa sa panga ang lalaki at tumilapon iyon. 

Sumeryoso ang lalaking nasa gitna at tumalim ang tingin nito. 

"Get the girl!" utos nito sa dalawa pang kasama. 

Bago pa mahawakan ng dalawa ang magkabilang braso ni Prin, sinipa niya mula sa baba ang isa sa mga ito kaya tumilapon ang lalaki. Naglabas naman ng baril ang isa at tinutukan siya nito. 

Sinipa ni Cally ang kamay nito na may hawak na armas kaya tumilapon iyon at nasalo ni Prin ang baril nito. Sinuntok pa ni Cally sa mukha ang lalaki at sinipa paatras para samahan nito ang kasama na tatayo pa sana muli. Nagkauntugan ang dalawa. 

Napangisi si Prin.

"Give me your money." sabi niya sa lalaki na namumuno at tinutok ang baril na hawak dito. 

Kumunot naman ang noo ni Cally. Kailan pa naging holdaper ang asawa niya?

Ngumisi rin ang lalaki at kinuha ang armas na na nagtatago sa likuran ng pantalon nito. Pero bago pa nito matutok ang baril sa kanya ay pinaputukan na ni Prin ang kamay nito na may armas kaya nito nabitawan iyon. 

"Sh*t!" nangigigil na hinawakan nito ang kamay na nasugatan mula sa bala. Lalapit pa sana ito sa kanya para saktan siya pero tinutok niya sa noo nito ang baril na hawak. 

"Hindi na ako magtatangkang gumawa ng masamang kilos, kung ako sa iyo." pananakot niya dito. Napalunok ang lalaki at hindi makapaniwala sa kanilang mag-asawa. 

"He he. Kayong apat, akala niyo siguro ay mayaman kami. Give me all your money! Husbie, pagsamasamahin silang apat sa isang tabi." utos ni Prin. 

Tinulak ni Cally ang apat sa isang tabi. "Honey, male-late na tayo ng uwi." Paala niya kay Prin kahit pa sumusunod siya sa trip ng asawa niya. 

"Yes, Miss. Male-late kayo ng uwi" gatong ng isa. 

"It's okay Husbie. Kasalanan nila ito" Sagot ni Prin habang hindi tinatanggal ang baril na hawak sa apat na holdaper. 

"Give me your money!" ulit niya. 

"We don't have money! Kaya nga namin kayo hino-holdap!" sabi ng lider habang nakangiwi dahil sa nasugatan na kamay.

Umikot ang mata ni Prin. "Kapkapan sila Husbie" 

Walang nagawa si Cally kundi ang sumunod kay Prin pinatayo niya ang isa at kinapkapan. May nakuha siyang 500 euro sa bulsa nito. 

"Tangina! Paano ka nagkaroon ng 500?" galit na tanong ng isa sa mga kasama nito. 

"Oo nga sabi mo kanina wala kang pera!" 

"'wag maingay! Next!" utos ni Prin kay Cally. Napapailing si Cally na kinapkapan ang sumunod na lalaki. May nakuha na 300 euro sa bulsa nito saka mga barya-barya.

"Gago ka ah! Aangal-angal ka, may pera ka rin pala?" tanong ng naunang lalaki. 

"Hehe. Mukhang masaya ito. Sabi niyo kanina kaya kayo nangho-holdap dahil wala kayong pera. Kayong dalawa! Ilabas niyo na ang mga pera niyo bago pa uminit ang ulo ko" sabi ni Prin sa lider at sa isa pang kasama. 

"Ayoko!" sagot ng lider. Binaril ni Prin ang pader na nasa likuran nito. Kaunting-kaunti na lang ay tatama na iyon sa ulo ng lider. Natakot ang tatlo pang kasama. 

"Hindi ako nagbibiro." sabi ni Prin. 

Nangigigil na nilabas ng lider ang wallet nito. May nakita na two thousand euro sa wallet ng lalaki. Napamura ang tatlo pang kasama. 

"Malaking pera to ah! Sabi mo, wala kang pera! Mukhang naloko mo kami doon sa isang babae kanina. Gulpihin iyan!" utos ng isa na pinagugulpi ang lider nila. Nagkagulo ang apat. Nagmurahan at nagsuntukan. 

Pinabayaan na lang ni Prin at Cally ang apat. Kinuha ang pera ng mga ito saka umalis ng lugar.