Nakakunot ang noo ni Kai nang makita sa restaurant ng hotel si Donna at si Mat-mat na magkahawak-kamay. Naroon sila ng pamilya niya para mag-tanghalian. Hawak niya pa si Angel sa mga bisig habang pinadedede ng gatas.
He never thought that he will carry his little angel in a public place like that and be a good family man. Kaya niya talagang gawin ang lahat for Bella.
His life was flawless among all of them. Sa kanilang apat, siya ang masasabi na hindi ganoon kasalimuot ang history. Si Prin hanggang ngayon ay hindi pa ligtas sa capsule bomb. Si Shogun at Mat-mat, ay ngayon lang nakabawi sa mga mahal nito.
Bukod sa hindi pa rin natatanggap ng Mommy niya si Bella at si Angel dahil babae ang naging panganay niya, masasabi na ayos ang lahat ng nangyayari sa kanya.
Sa chinese culture kasi, importante sa pamilya ang kalalakihan dahil sila ang magmamana ng kung ano man na nagawa ng ninuno nila. Lalo at nalihis sila ng landas ng kuya niya sa business world. Ang kuya niya ay nag-doktor, siya bilang Dark Guard Leader.
But he doesn't care at all. He loves his family so much. He can do anything for his Bella and Angel. Having two Angels in his home was so nice. Iba sa pakiramdam ang saya. Dati, katana o armas ang hawak-hawak niya araw-araw. Samantalang ngayon, isang little angel ang maingat na pinupunasan niya ng pisngi tuwing iinom ng gatas o kaya naman pupunasan ang puwit tuwing pupupu ito.
Binalik niya ang tingin sa dalawang 'dating magkasintahan' na sa tingin niya ay nagkabalikan na.
Parehas na nakasuot ng casual attire ang dalawa at mukhang may planong mamasyal o mag-date. Parehas naka-maong, simpleng blusa at polo shirt saka parehas na naka snickers ng puti na akala mo ay naka-couple shoes.
"Whew! Ang bilis mo tsong! kagabi lang galit-galit kayo, ngayon holding hands while walking na? Mukhang may naganap na hindi namin alam ah" tudyo ni Kai kahit pa seryoso ang mukha niya.
Namula naman ang pisngi ni Donna at napayuko.
"Donna, you're blooming!" Puna ni Bella na bagong balik sa table dahil kumuha ng pagkain sa buffet.
Lalong namula ang pisngi ni Donna. Siguro dahil masarap ang tulog niya ng nagdaang gabi.
Saka hindi rin niya alam kung gaano katotoo ang kasabihan na kapag nadiligan ang bulaklak, mas blooming.
Sinilip na lang muna niya ang anak ng dalawa para makaiwas sa panunudyo ng mga ito.
"Oh! She's so cute… Bella, you look like her." Puna ni Donna kay Angel na anak ng dalawa. Tahimik lang ito na umiinom ng gatas mula sa bote, panay ang galaw ng bibig nito at lalamunan at nakatitig sa kanya.
Napangiti si Bella. Her Angel looks like a real Angel. Maputi, chubby cheeks na mamula-mula, round eyes, kissable lips at may curly black hair.
"Kaya nga suko ang bataan ng Black Guards dahil sa batang iyan. Imagine Kai Jang tuwing uuwi ng bahay at may sasalubong na cute na Mommy at Angel sa kanya. Double whammy sa cuteness kaya nililipad ang lahat ng init ng ulo niya tuwing uuwi sa bahay..."
"...Kulang na lang, ayain ng buong Dark Guard si Bella at Angel sa Camp para walang problema ang mga trainees."
Napapangiti lang si Bella. Si Kai ay walang pakialam sa tudyo ni Mat-mat. Sanay na sila sa isa't-isa.
"By the way, where is Shogun?" Tanong ni Mat-mat. Sumeryoso naman si Kai.
"Umalis silang lahat, hindi mo ba nabasa 'yung email ni Shi kagabi? Ngayong araw nila i-te-test si Sandra sa ospital. Kailangan i-check kung ayos lang 'yung skull at ang lahat ng head organs ni Sandra matapos ang operasyon na ginawa sa kanya noon." Paliwanag ni Kai.
Tumango si Mat-mat. "Hindi ko na nabasa. Nahulog kasi sa pool 'yung laptop ko. I don't have a phone here."
"Huh?! Himala! At ayos lang sa 'yo na nahulog ang laptop mo sa pool?!" Hindi makapaniwala si Kai. Alam kasi nila kung gaano ka-importante ang laptop ng binata dito.
Nilingon ni Mat-mat si Donna na napayuko sa tabi.
"Mayroon naman akong Donna My Love, kaya ayos lang." Ngumiti ito ng abot-tenga.
Nakakaintindi naman si Kai sa ibig nitong sabihin kaya napailing na lang din ito.
Totoo nga na ang Paris ang tinaguriang City of Love. Si Lorenz ay natagpuan si Cassandra. Itong si Pervert Mat ay hindi nila inaasahan na patatawarin ni Donna nang gan'un kabilis.
"Alis na kami, bibili ako ng bagong laptop. Sigurado naman na hindi pa ko kailangan ni Christen." Tumingin sa relo si Mat-mat.
"Balik kayo mamaya nang 'maaga' ha. Mag-ce-celebrate pa tayo ng birthday"
"Ngayon na ba 'yon?"
"Yes" nakangiti na sagot ni Bella.