Chapter 226 - Unexpected meeting

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sabay-sabay na nagpunta sa ospital ang anim kasama si Khalid kung saan nag-aral si Christen at Doc Mikko. Magkakasama si Cassandra, Lorenz, Prin, Cally at ang dalawang doktor.

Sinabihan na sila ni Christen na hindi pa naman sila kailangan, pero gusto ni Cally na makita ang procedure. Gusto nito na makasiguro na walang magiging problema.

Pagdating pa lang sa ospital, pinakilala sila sa isang doktor na magsasagawa ng pagsusuri kay Cassandra. Dating guro ni Doc Mikko at Christen ang amerikanong doktor na professor doon sa ospital.

Pinapasok si Cassandra sa loob in laboratory room. Hindi sila pwede sa loob lalo at kasama nila si Khalid. Nagpaalam si Lorenz na sasaglit sa isang coffee shop. Alam nila na stress na rin ito sa mangyayari. Kahit pa wala na ang capsule bomb kay Cassandra, iba pa rin kapag napatunayan na nila na tuluyan nang ligtas ang kaibigan niya.

Goal ni Prin na makaganti kay Captain Yeo kahit saang bahagi pa naroon ang Maria Celeste 1, kaya atat na siya na matanggal ang maliit na bomba.

"Husbie, kailan magaganap ang labanan ng Shogun?" Tanong ni Prin habang nakatingin sa papalayong si Lorenz. Na-postponed kasi ang labanan ng mga Shogun na dapat ay naganap ng nakaraang taon. Pumayag ang lahat ng lider ng Dark Guards pati ang Daddy niya na si Rob dahil sa naganap sa kanila nang nakaraang taon.

Naghihintay sila sa labas ng pasilyo ng laboratory room. Kalong-kalong niya si Khalid na tahimik na nakaupo sa ibabaw ng hita niya.

Naglalaro lang ng pulang elastic band si Khalid. Iniikot-ikot at hinihila lang nito iyon at kuntento na ito sa ganoon. Natutuwa siya na hindi ito masyadong nangungulit. Minsan parang si Cally rin na nakasalubong ang kilay kapag nagmamaktol.

"Baka sa susunod na buwan maganap." sagot ni Cally sa tanong niya.

"Cally?" Napalingon silang dalawa ng asawa niya sa tumawag dito. Dalawang tao ang nakita ni Prin na papalapit sa kanila.

Namumukhaan niya ang babae, ang creator ng Legendy Witch na si Bea Magpayo at kaibigan ng asawa niya. Nakilala niya rin ang babae sa Spain noon.

May kasama itong lalaki na matangkad din at gwapo, na nakaakbay dito na sa tingin niya ay si Makisig, ang asawa nito. Naririnig niya lang ang pangalan ng dalawa dahil kinasal ang mga ito sa tahanan nila sa Matsui Villa sa Japan, dalawang taon ang nakaraan.

Tumayo silang dalawa ni Cally. Nginitian niya si Bea.

"Hi!"

"Is that your baby Khalid?" Puna nito. Tumango lang si Prin.

"By the way, what are you guys doing here?" Tanong ni Bea. Seryoso naman na nakatingin sa kanila ang lalaki na kasama nito. Siniko ni Bea ang lalaki at nasapo nito ang tiyan.

"Ouch! Miss Beauty!" Hiyaw nito.

Nakakunot ang noo ni Cally sa dalawang bagong dating. "What a small world, sa dami ng lugar, dito sa Paris pa tayo magkikita-kita?"

"My Mom is here." simpleng sagot ni Makisig.

Biglang sumeryoso si Cally at naging interesado. Napatuwid ito ng tayo "Your Mom? Where is she?"

"May kinausap na doktor. Dinala namin ang anak namin dito na si Kyros. Kababalik lang nila. Buhay ang parehas na anak ko Cally." Halos maluha-luha na kwento ni Bea.

Lalong naging interesado ang asawa niya sa kwento ni Bea.

"My son. We thought he died 6 years ago. But no, My Mom did everything she could do to return Kyros. That's why we are here para ipa-tsek si Kyros. Dependent pa kasi ang anak namin sa mga gamot dahil iyon ang bumuhay sa kanya sa loob ng mahabang panahon." Paliwanag ni Maki.

"I need to talk to your Mom!" Biglang sabi ni Cally. Ang alam nila ay namatay na si Madam Winona, the Queen of Medicine. The doctor who killed Virus123.

Nabuhayan ng loob si Cally nang malaman na naroon din ang ginang sa lugar, buhay at nagpapatuloy sa medisina.

Nagkatinginan ang dalawa. Kahit si Prin ay naguluhan sa inaakto ni Cally. Nagtataka siya kung bakit gusto nito na makita ang Mommy ni Makisig. Hinarap siya ng asawa at hinawakan ang magkabila niyang kamay kahit pa bitbit niya si Khalid.

"Honey, I believe she is the only one who can help us."

Nakakunot naman ang noo ng mag-asawa. "May problema din kayo?"

"Someone created a capsule bomb, and this guy injected a piece in Prin's head. Maki, if your Mom saved your child for six years using her skills, I think she can help us to get the bomb nang hindi dadaan sa opera ang asawa ko."

Ilang saglit lang, nagbukas ang pintuan ng laboratory room kung saan pinasok si Cassandra.

Lumabas si Christen. "Maki?"

"Hi Christen!" Nakangiti ng matamis at kumaway si Maki sa babae.

Umirap lang ang babae saka tumalikod sa kanila pagawi sa kabilang bahagi ng pasilyo.

Maki and Bea "..."

Naguluhan si Prin at Bea. "Husbie, may issue ba 'yung kapatid mo kay Maki?" Bulong niya kay Cally.

"Yes… he is her first love but unfortunately he is engaged with Bea since they were teens"

Prin "..."