Sumama si Prin at Cally kay Bea at Makisig para kitain si Madam Winona. Tuloy pa ang pagsusuri ng grupo ni Doc Mikko kay Cassandra, kasama nito si Lorenz.
Nagpaalam naman sila kay Christen at pumayag ito sa desisyon nila. Mas mapapabilis ang pagligtas kay Prin kung magtutulong-tulong silang lahat at kung tutulong sa kanila ang Queen of Medicine.
May pinasukan silang isang opisina na ayon kay Maki ay opisina ng Mommy nito. Malaki at elegante ang buong kwarto. Kulay pink ang pintura, kaiba sa mga ordinaryong opisina na makikita sa isang ospital. May malapad na office table sa gitna na may nakapatong na computer. At may dalawang malambot na sofa. May mga paintings din na nakasabit sa gilid na gawa ni Ms Shey, malayong kamag-anak ni Cally at kaibigan ng magulang nila. May white board din sa isang parte ng pader.
Natagpuan nila sa kwarto na iyon si Tristan, isa sa kambal na anak ni Bea at Maki, kasama ang Yaya nito na naglalaro gamit ang isang mahabang cellphone. Nang pumasok sila sa kwarto na iyon ay titig na titig ang bata kay Prin na nagpa-conscious sa kanya.
Saglit na nagpaalam si Makisig para sunduin ang Mommy nito. "Hintayin niyo na muna ako dito. Mag-uutos ako ng bibili ng meryenda natin."
Tumango lang si Cally sa lalaki.
Parehas na kinakabahan si Prin at Cally dahil hindi nila alam kung ano ang maaaring sabihin ng Madam sa sitwasyon niya.
Matiyaga silang naghihintay ni Cally sa isang couch. Si Khalid ay panay ang ikot ng mata na para bang sinusuri nito ang buong kwarto.
"I'm so glad to meet you Prin" nakangiti na sabi ni Bea na nasa tabi.
"...I'm sure Mom will help you" dagdag nito.
"Sana nga." Tipid na sagot niya.
"When I met you in Spain I never thought you are Cally's wife. I'm sorry." paghingi nito ng paumanhin. Nalulungkot talaga si Bea lalo na ng malaman niya noon kung bakit siya pinadadalhan ng bulaklak ng kaibigan na si Cally.
"No problem. Maybe hindi pa talaga iyon ang panahon para magkita kami. Ang totoo kahit magkita kami nang mga panahon na iyon, hindi rin naman makakatulong sa amin because of the bomb." paliwanag ni Prin.
Ngumiti si Bea. Lumapit sa kanila si Tristan.
"Hello, are you the living Twilight Mary? pwede ba ko magpa-authograph?" Tanong nito.
Nakakunot ang noo ni Prin. Tumawa ng malakas si Bea saka pinisil ang pisngi ng anak niya. "Honey, she's not Twilight Mary"
Napangiti si Prin. Titig na titig naman si Khalid kay Tristan.
"Sure."
Piniktyuran siya ni Tristan tapos may kinalikot ito sa cellphone at pinapirma sa kanya iyon.
"Thank you Miss Prin" saka ito bumalik sa pwesto kung saan nila ito nakita.
Napapailing na lang si Bea.
Ilang saglit lang, bumalik si Makisig na kasunod ang isang may edad na babae na sa tingin niya ay ang Mommy nito na si Madam Winona.
"Prince" nakangiti na bati nito kay Cally.
Sabay silang napatayo para magbigay-galang sa may edad na babae. "Madam Win"
"May kailangan daw kayo sa akin?" tanong nito. Umupo ang may-edad na babae sa couch na nasa tapat. Pinaliwanag ni Cally ang mga nangyari at kung bakit nila ito kailangan. Mula sa maliit na bomba, kung ano ang naging epekto kay Cassandra nang operahan nila ito at lahat ng pwede nilang ipaintindi sa ginang.
Seryoso itong nakinig sa lahat.
"If I'm not mistaken, the creator of that bomb is a Japanese girl named Mayu, a terrorist"
Nagkatinginan sila ni Cally tapos ay seryosong nag-isip si Prin. Narinig niya na ang pangalan na iyon at inisip niyang mabuti kung saan nga ba niya 'yon nadinig. 'Mayu...'
"The Japanese Government is still looking for her because she created a bigger bomb recently. Kasinglaki ng powerbank na kayang pasabugin ang isang maliit na isla."
Nanlaki bigla ang mata ni Prin. Naalala na kasi niya na ang pangalan na 'yon ang nabanggit sa kanya ni Captain Yeo na pangalan ng asawa nito.
"Wait Madam Win! Are you saying… she's still alive?" nanlalaki ang mata na tanong ni Prin.
"She's always alive and hiding in different places like the forest near Mt Fuji, an island in the Philippines and somewhere else." Sagot nito. Nakakunot ang noo nito sa naging reaksyon niya.
"Why Honey?" tanong ni Cally. Nilingon niya ang asawa sa tabi.
"She's Captain Yeo' s wife. You can confirm with Sandra. Ang alam namin, namatay siya sa dagat decades ago. And she's eight months pregnant during that time"
Naging seryoso si Cally, hindi niya akalain na mas malalim pa ang imbestigasyon na makakalap nila ngayon na nakita nila si Madam Winona.
"I don't think she has a child. You can ask your Dad, Rob Matsui about a terrorist group Hantataiga (Hunter-Tiger) they are not allowed to marry, lalo na ang magkaroon ng anak" Sagot ng Madam.
Naging seryoso si Prin. Si Mayu ba talaga na asawa ni Captain Yeo ang babae na pinaghahanap ng Japanese Government? Kung bawal mag-asawa at magkaanak ang miyembro ng Hantataiga, paanong nangyari na buntis ang babae at nawala sa dagat?