Chapter 228 - The secret behind the capsule bomb (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"I can help you to remove the capsule bomb but I also need your Mom's help sa kondisyon ni Kyros." sabi ni Madam Winona.

"...Ginny is the only person who can help me. I remember 30 years ago, hindi magtatagumpay ang case study ko kung hindi niya sinimulan ang paggawa din ng gamot sa Virus123. I just copied and followed her formula, may dinagdag lang ako to finalize the medicine" 

Ang Virus123 ay hindi literal na virus o epidemya, isang gamot iyon na tinuturok sa biktima para patayin ang utak nito. Sa loob ng 30 days, tutuyan na mamamatay ang biktima. Ang Mommy ni Cally ang kauna-unahang survivor ng gamot na iyon. Dahil tulad ng sinabi ni Madam Winona, gumawa ito ng paraan para gamutin nito ang sarili. 

Matapos ang pag-uusap nila, dumeretso sila sa laboratory dahil natapos na rin ang pagsusuri kay Cassandra. Si Christen at Doc Mikko ang nag-explain sa doktora. Tuwang-tuwa ang dalawa na makita ng personal si Madam Winona sa magkaibang reaksyon.

Halata ang pagka-excited sa mukha ni Christen, samantalang seryoso lang si Doc Mikko na nakangiti na bihira nitong gawin. 

Nakahinga ng maluwag si Cassandra at Lorenz nang sabihin na ayos ang lahat ng resulta ni Cassandra. Kaya napagkasunduan na si Prin naman ang susunod na dadaan sa pagsusuri, kasama na si Madam Winona.

"See you in two days Prin, be ready sa resulta." Sabi ni Madam Winona bago sila nagpaalam dito.

=====

Inimbitahan nila si Bea at Maki pati na rin ang kambal nito na makisaya sa party ng anak nila ngunit naka-plano na ang mga ito na bumalik ng Pilipinas. Ilang araw na daw kasi ang mga ito sa bakasyon at may trabaho pa na naiwan sa Maynila. 

Nag-iwan lang ng 'goodluck' sa kanya ang mag-asawa para sa tuluyan niyang paggaling. 

Marami pa silang plano na gawin sa lugar. Pagkatapos sa Paris ay tutuloy sila sa UK para sa labanan ng Shogun.

Habang daan, hindi mawala sa isip ni Prin ang mga napag-usapan nila kasama si Madam Lira. Nagkaroon ng liwanag na magamot siya ngunit may lumitaw na mas malaking problema, si Mayu.

Hindi siya makapaniwala na isang terorista ang babae. Malayong-malayo sa larawan na binuo niya dito na isang mahinhin at simpleng babae. Nag-alala siya bigla sa kung ano ang kaya nitong gawin. 

Kasalukuyan silang nasa itim na rented car sa hotel. Kalong-kalong ni Cally ang anak niya na natutulog.

"What are you thinking, honey?" Puna nito.

Humugot ng malalim na hangin si Prin saka niyakap ang asawa niya sa tabi. 

"Husbie, masyado akong nabigla sa pagkatao ni Mayu, ang asawa ni Captain Yeo. Kung pagbabasehan ko ang kwento ni Madam Winona saka ang mga bagay na narinig ko sa kwento ni Captain Yeo, ni Cassandra at ni Casper, masyadong nakakalito."

Kumunot lang ang noo ni Cally. "As expected, hindi mo nage-gets. Why keeps on bothering yourself for these things, pwede mo naman itanong sa akin para less stress?" tudyo nito. 

Pinalo niya ito sa braso. Natawa ng simple si Cally. "Com'on, I just don't like seeing you na kumukunot ang noo, nakanguso and super serious."

"Shut up…" naiinis na sabi niya dito. Aminado naman talaga siya na lamang ng ilang braincells ang utak ng asawa niya kaysa sa kanya. Baka nga wala pa sa one-fourth ng braincells ni Cally ang kanya. 

"I'll explain to you later, Honey. 'Wag na mainit ang ulo mo." Hinalikan siya nito sa pisngi. "birthday ng anak natin kaya let's celebrate na muna. Kailangan ko rin na makausap muna ang Daddy mo."

"Isa pa nga yan sa iniisip ko. Bakit hindi alam ni Daddy ang tungkol sa capsule bomb kung alam niya ang tungkol sa Hantataiga Terrorist?"

"I dont know. Malalaman natin kapag nakausap natin siya. We will need Aiden and Matthew's help para ma-trace ang lugar ni Captain Yeo." Sagot ni Cally. 

Ang huling balita niya noon ay nasa China sea ang Maria Celeste 1. Pero pinatigil niya ang paghahanap sa barko nang tumakas sa kanila si Cassandra sampung buwan ang nakaraan. Nakaramdam kasi ng takot si Cally. 

Naputol sila sa usapan nang huminto ang sinasakyan sa harapan ng hotel kung saan sila tumutuloy. 

Lumabas sila ng sasakyan para tumungo sa kwarto ni Kai at Bella. Alas sais na ng gabi ayon sa local time. Sakto lang sa oras ng selebrasyon nila ng birthday ng dalawang bata.

Nang makarating sila sa tapat ng kwarto ng mga Jang, hinarap muna siya ni Cally.

"Honey, whatever the result is, nangangako ako na hindi ka na aalis sa tabi ko." Sabi nito. Ngumiti si Prin ng malapad.

"Of course I promise. Wala nang second Captain Yeo" sagot niya bago tumingkayad para halikan sa labi si Cally kahit pa pumapagitna sa kanila si Khalid na natutulog sa dibdib ng asawa niya. 

Ilang saglit pa bago tuluyan na naghiwalay ang labi nila dahil kay Mat-mat. 

"Wow, ano 'to? May kissing booth ba dito?" 

Biglang humiwalay si Prin sa asawa niya. Hindi nila napansin na nakabukas na pala ang pintuan at bumungad sa kanila ang nakangising si Mat-mat na nagbukas ng pinto.

"Sus, inggit ka lang!" Komento ni Prin.

"Excuse me, hindi ako inggit noh! Nakapuntos na nga ako sa aking My Donna, My Love." nakangisi na sabi. 

Nagtaas ang kilay ni Prin. Hindi niya akalain na ganon kabilis umaksyon si Mat-mat.

"Bakit parang ayaw mo maniwala?" 

"I think nananaginip ka lang" tudyo niya. 

"My Donna, My love, come here" sigaw nito sa babae na nakaupo sa couch at nagbobomba ng pink na balloon. Inangat lang nito ang mukha para tingnan si Mat-mat tapos ay binalik din agad ang atensyon sa balloon. 

"Ha ha ha! See, I told you nananaginip ka lang" pang-aasar niya dito. 

Pinukulan siya ng masamang tingin ni Mat-mat.