Chapter 229 - Captain Yeo's wife

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos ang selebrasyon ng birthday ng anak niya, parang gustong maiyak ni Prin dahil kahit papaano ay kasama niya ang mga kaibigan niya sa oras na 'yon. Dapat ay kasama nila si Ana pero nagpaalam na ang babae nang nagdaang araw na uuna na sa UK para mag-ensayo.

May namuong luha sa mga mata niya habang pinanood ang mga kaibigan dahil sa sobrang saya.

Si Kai ay sinusuklay ang buhok ni Bella na nakaupo sa isang silya. This guy dotes on his wife so much. Pwede niyang bigyan ng best husband award ang lalaki. Kalong-kalong ng kaibigan niya ang anak na si Angel na natutulog sa bisig nito.

Si Mat at Donna ay nasa terasa. Pinanonood ang nagliliwanag na Eiffel Tower. Nakayakap ang binata sa balikat ng nobya nito mula sa likuran. Ilang saglit lang, napansin niya na sinuntok ng babae ang braso ng binata tapos nagtatawa si Mat. Napailing siya sa dalawa.

Si Cassandra at Lorenz ay parang may sariling mundo na nagsusubuan ng cake sa isang gilid. Nakangiti ng matamis ang dalawa sa isa't isa. Halata na parang nabunutan ng tinik ang mga ito, ngayon na nalaman na nila na ligtas na ang dalaga.

Si Doc Mikko at Christen ay kapwa nag-iinisan. Parang aso't pusa ang dalawa sa table na nagbabangayan.

"What is it, honey?" Puna ni Cally. Karga nito si Khalid na natutulog sa dibdib nito.

Niyakap niya ang baywang ng asawa kaya parang kayakap na rin niya ang anak na si Khalid at si Cally. "I'm just happy. I hope na sana ganito tayo lagi."

Masaya talaga si Prin na nakabalik sa piling ng asawa niya bago siya manganak. Kaya sa araw na iyon, ay sineselebra din niya ang sarili bilang naging mabuting nanay ni Khalid, bilang isang ganap na babae at bilang asawa ni Cally.

Hinaplos nito ang buhok niya.

"Congratulations Honey! It's your day too" ang sabi bago siya nito hinalikan sa labi.

Maya-maya, nagpatawag ng pulong si Cally. Nagpaalam na ang dalawang doktor dahil may aasikasuhin pa daw ang mga ito sa ospital kung saan sila galing. Nagpaalam din si Donna na babalik na sa kwarto dahil alam nito na confidential ang pag-uusapan ng lahat. Si Bella naman ay pumasok muna sa bedroom para bantayan ang dalawang bata. Hiniling nilang sumama si Sandra sa meeting kahit pa nagtataka ito kung bakit ito kailangan doon.

Nasa isang couch si Kai, Mat-mat, Lorenz at Sandra. Si Prin at Cally ang magkatabi sa isang couch na nasa tapat ng mga ito.

"What is it?" Tanong ni Shogun.

"It's because we have a bigger problem" simpleng sagot ni Prin. Naguluhan man ang tatlong lalaki ay naghintay sila sa mga susunod na paliwanag ng Shi Cally nila.

Iniisip naman ng lahat na tungkol iyon kay Captain Yeo at sa barko nito dahil kasama si Cassandra sa usapan.

Para simulan ang imbestigasyon, tinawagan muna nila si Rob na kasalukuyang nasa Japan. Ilang ring lang, sumagot agad ang lalaki sa kabilang linya. Halatang kagigising lang nito. Kasalukuyan na madaling araw sa Japan.

"Dad." Simula ni Prin.

"Yes sweetie?"

"We need to talk to you and this is important." Si Cally ang sumagot. Nakikinig lang ang tatlong lalaki at si Sandra sa kabilang couch.

"What is it?"

"Uncle Rob, Do you know Mayu of Hantataiga? Or the Hantataiga terrorist?"

"I know Hantataiga. Ang pagkakaalam ko, ang huling lead ay natatago ang grupo na iyon sa Mount Tsurugi. Knowing how dangerous the mountain is, walang magtangtaka na magpunta sa lugar. Why?"

"Is it true na bawal mag-asawa or magka-anak ang miyembro ng Hantataiga?" Si Prin ang nagtanong.

"Yes, dahil naniniwala ang lider na hindi makakatulong ang pag-aasawa nila lalo na ang pagkakaanak. He believes everyone belongs to him. I've heard na bente lang ang lahat ng miyembro na ito but they are all dangerous. They are creating a bomb na hindi alam kung kailan ilalabas, that's why the government is still looking for this group. especially now that they created a bomb na kayang magpasabog ng isang maliit na isla."

"...Ang pagkakaalam ko, nagsimula ang grupo na ito thirty years ago mula sa lider na hindi pa nakikilala ng kahit na Japanese government. May galit sa mundo ang tao na ito na dumadakip ng mga batang may husay sa computer or any skills na makakatulong sa lunatic na lider. Tapos lahat ay nagkasundo-sundo na maghiganti or whatsoever. I really don't know."

"Pervet Mat, yari ka ikaw na ang hanap niya" bulong ni Kai sa katabi. Pinukulan ito ng nakamamatay na tingin ni Mat-mat.

"Dad, iyan ang pinagtataka ko. Because Mayu, Captain Yeo's wife is a member of Hantataiga. She was the one who created a capsule bomb. The capsule bomb in my head" paliwanag ni Prin.

Nanlaki ang mata ng mga tao sa kwarto. Kahit si Rob sa kabilang linya ay hindi inasahan ang bagay na iyon.

"Yeah, I know the girl named Mayu, she is the first person na nahuli sa grupo ng Hantataiga pero nakatakas din ang babae less than 20 years ago... I guess nang tumalon ito sa dagat, then no one found her. Ang akala ng lahat ay namatay na siya but everyone was surprised when she created a bomb recently na binenta niya sa North Korea. I don't know that she is Captain Yeo's wife."

Sila naman ang nagulat. "How did you know she sold a bomb recently? And… to North Korea?!" Gulat na gulat talaga si Prin.

"Sweetie, I'm a spy, remember?"

Pinagtugma-tugma ni Cally ang timeline and he guess na ginamit lang ng babae ang kapitan ng mga panahon na nagkakilala ito para makatakas.