Pinagdugtong-dugtong ni Cally ang timeline na nagkita si Captain Yeo at si Mayu na asawa nito.
"Sandra, pwedeng malaman kung ilang taon nang nawawala si Mayu sa dagat nang magkakilala kayo ni Captain Yeo?"
"Ang pagkakalam ko ay more than five years. Pero sa pagkakaalam ko rin ay hindi siya basta natagpuan lang sa dagat ng kapitan. Nagkakilala sila sa isang beach." sagot nito.
"...He was just eighteen nang mga panahon na iyon at sa tingin ko ay ganoon din si Mayu. Sabi ng mga tauhan ni Kapitan, they love each other. So I'm … confused." sabi nito sa mahinang boses
"Is she really... Pregnant? And how come she is alive? Kung pakikinggan ang kwento ni Madam Winona at ng Daddy ko, parang nagpanggap lang siya na nawala sa dagat noon." tanong ni Prin.
"I guess, hindi talaga siya buntis. If she can create a bomb, she can also create a fake belly." sabi ni Mat-mat.
Napalingon ang lahat kay Mat-mat.
"What? Did I say something wrong? Mabuti at wala dito si Donna." sumeryoso ito bigla. Humugot muna ng hangin bago nagpatuloy.
"Listen, I have this ex-girlfriend na nagpanggap na buntis when I was in college. She came to my house with a big belly and saying the child was mine. Ako itong si gago, paniwalang-paniwala. A day after that day, I saw her again sa supermarket. Only to find out that it was just a prank. She bought a fake belly in Amazon. 199 dollars" kwento nito na halatang naiinis. Sumimangot pa ito nang maalala ang mga panahon na iyon.
"Hmm kasi naman malandi ka rin! Hindi na 'ko magtataka kung may lalapit ulit sa'yo at sasabihin na buntis siya. Or may anak ka na. Yari ka talaga sa iyong 'My Donna, My love" pang-aalaska ni Kai.
"Kai Jang may problema ka ba sa akin? Cally, mukhang ayaw ng Dark Guards ng tulong."
Ngunit hindi pinapansin ni Cally ang mga asaran ng mga ito. Nakapangalumbaba siya para mag-isip ng mabuti. Curious siya kay Mayu. "Hmm.. this is interesting."
Bigla naman na nanlaki ang mata ni Lorenz.
"Shi, we have to do something! don't you find it strange? Bakit niya iniwan kay Captain Yeo ang mga capsule bomb? She is a terrorist kaya bakit niya iiwan basta ang mga bomba kung walang dahilan? Isa lang ang naiisip kong sagot at 'yon ay ang pag-sail ng Maria Celeste 1 sa iba't ibang lugar sa mundo" paliwanag ni Lorenz.
"Yeah, sa loob ng mahabang panahon na nakasama ko si Kapitan, may mga tinanim siya na capsule bomb na hindi naman talaga namin sinama sa barko. Like those girls from brothel house. O kaya 'yung ibang ninakawan niya ng personal. Basta uminit ang ulo niya o kaya naman ay trip niya, in-inject niya ng capsule bomb." paliwanag naman ni Cassandra.
Isa ang dalaga sa mga pinagkatiwalaan ng kapitan kaya mas marami siyang alam sa nangyayari kumpara kay Prin.
Napalunok naman si Cally sa mga nadinig. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at nilingon niya si Prin.
"Guys, this is bad. Listen! Lorenz and Kai, you are in-charge to locate Maria Celeste 1. Mat, please find Mayu as soon as possible..."
"...And Honey, we have to expedite the procedure. Kailangan natin makausap si Christen at si Doc Mikko saka si Madam Winona."
"W-why?" naguguluhan na tanong ni Prin.
"Because this Mayu girl might have a plan to control all the detonators soon. Ang kailangan natin hilingin sa ngayon ay huwag munang magkita si Captain Yeo at si Mayu" paliwanag ni Lorenz.
Seryoso lang na nag-isip si Cally, hindi siya nagkamali sa pagpili sa shogun niya dahil parehas sila ng nasa isip nito. Kung sakali na magpakita muli si Mayu sa Kapitan at makuha muli nito ang lahat ng detonators na nasa pangangalaga ni Captain Yeo, tila isang party ang magaganap kapag sabay-sabay na pinasabog ang lahat ng capsule bomb.
Nanuot ang lamig sa buo niyang pagkatao sa naisip.
"Ibig sabihin, hindi totoo na one hundred meters ang layo sa detonator ang ligtas?" tanong ni Kai.
"Yes! kundi wala talagang ligtas! As long as you still have the bomb!" nagkuyom ang kamao ni Prin sa nadinig.
"The good thing is, pinag-aralan namin ni Christen ang capsule bomb. I have records mula sa nakuha kay Cassandra." si Mat-mat.
"Hindi ba nabasa 'yung laptop mo?" tanong ni Kai.
"Anong akala mo wala akong back-up?"
"So, ibig sabihin ba niyan, yung mga p.o.r.n movies mo may back up din?" nakangisi na tanong ni Kai.
"Bakit ka interesado? Gusto mong makinood?" ganti nito.
Kai "..."
Napapailing na lang si Prin. Ayos na rin na mag-asaran ang dalawa sa seryosong usapan na 'yon dahil kahit papaano ay pinagagaan ng mga ito ang sitwasyon.
Gayunpaman, kinabahan pa rin siya sa mga susunod na mangyayari. Hiling niya na sana ay matanggal na ang minsan na kumikirot na maliit na bagay na iyon sa ulo niya.