Chapter 231 - Unexpected visitor

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa suite nila ni Cally. Nagrequest si Prin ng gatas sa hotel at inabot niya sa asawa, alam niyang tense na ang asawa niya sa nangyayari.

Gusto niya tuloy balikan 'yung nakaraan na wala silang problemang dalawa. Nasa Pilipinas at naghahanap lang ng adventure. Nang mga panahon na nasa kanila ang lahat ng pabor.

Nasa loob ng kwarto si Khalid at natutulog.

"Husbie…" matapos na maiabot ang gatas dito ay tinabihan niya ito.

Kinuha ni Cally ang kamay niya at dinala iyon sa bibig nito para mahalikan.

"Everything will be alright" pakunswelo niya dito. Alam niyang mabigat ang mga napag-usapan nila sa suite nila Bella at alam niyang bumigat lalo ang pakiramdam ni Cally.

"Hindi ko lang matanggap ang mga nagaganap. Kapag may nangyaring masama sa iyo, sigurado na hindi ko mapapatawad ang sarili ko." ramdam niya ang sakit sa dibdib ni Cally habang sinasabi ang lahat ng iyon.

Sinayang din kasi ni Cally ang ilang buwan na dapat ay ligtas na si Prin. Hindi niya maiwasan na mag-alala lalo at ilang taon silang nagkawalay ni Prin at ayaw na niyang maulit pa iyon.

"Everything will be fine, Husbie"

=====

Nangangatog sa lamig ang mga tao sa barko ng Maria Celeste 1. Kasalukuyan silang nasa Sea of Okhotsk na nasa area of responsibility ng Russia.

Nagsisipaglalaglagan ang puting snow sa barko kaya para silang pinulbusan ng kalangitan. Negative 3 ang kasalukuyang temperatura sa lugar.

*ting ting ting* tunog ng bell na ibig sabihin ay malapit na silang umalis sa port para tumungo naman sa Sapporo, Japan.

Sa kwarto ni Captain Yeo ay nagrereport si Casper. Ngunit wala dito ang atensyon ng kapitan. Kasalukuyan itong naglalaro ng stress ball at tumutunog-tunog ang bagay na iyon habang nagsasalita ang huli. Naiisip nito si Prin Matsui na ilang buwan na nanatili sa isipan niya.

"Kapitan?" tawag ng binata kay Captain Yeo.

Inangat ni Captain Yeo ang paningin. "May sinabi ka?"

Bago pa makapagsalita si Casper ay isang malalakas na katok ang narinig niya mula sa pintuan. Uminit agad ang ulo ni Captain Yeo dahil nasira ang napakaganda niyang mood dahil sa katok.

"Tuloy!" si Casper ang sumagot.

Bumukas agad ang pintuan at pumasok ang isang tauhan ng barko.

"K-Kapitan! May nangyari. K-kailangan niyong lumabas! B-bago umalis ang barko, m-may nangyari." utal-utal na sabi ng bagong pasok.

"Hindi mo ba maayos ang sasabihin mo?! Parang hindi ka mapakali!" galit na singhal ni Casper dito.

Huminga muna ng malalim si Captain Yeo bago tumayo at tinungo ang pintuan para lumabas. Uminit ang ulo niya at kailangan na siguraduhin nito na importante talaga ang dahilan kung bakit siya nito inistorbo.

Maririnig ang mabibigat na yabag niya sa pasilyo na gawa sa makapal at matibay na kahoy. Sumunod si Casper at ang lalaking bagong pasok para magtungo sa deck.

Nakatingin ang lahat sa Kapitan na nagpa-conscious sa kanya ngunit hindi niya pinahalata. Siya ang hari sa barko na iyon kaya bakit siya mahihiya. Tumalim ang paningin niya sa naisip.

Isa-isang humabi ang mga tao na nasa deck at lumitaw sa kanya ang nakaluhod na babae. Tumatakip ang itim at mahabang buhok sa mukha nito. Nakasuot ito ng boots makapal na palda at Jacket. May mga puting snow pa sa balikat at sa buhok nito na patuloy na nalalaglag.

Kumunot ang noo niya. Ang huling babae kasi sa barko ay si Prin at Cassandra.

"Report!" sigaw niya sa taong naka-assign sa deck.

"Kapitan, nakita namin siya na nagtatago sa isang crate. Hindi namin alam kung gaano na siya katagal doon." sagot nito.

Malayu-layo na rin ang pampang dahil pumalaot na sila. Maliit na sa paningin niya ang isla kung saan sila galing.

"Iangat mo ang ulo mo!" sigaw niya sa babae.

Inangat nga nito ang paningin sa kanya ng dahan-dahan at sinalubong nito ang mata niya. Halatang natatakot ito. Nanlaki ang mga mata ni Casper nang masino ang babae.

"M-Mayu?" tawag ng kapitan sa pangalan ng babae.

Dumaloy ang luha sa mga mata ng babae nang magtagpo ang mata nila nito. Mabilis ang mga hakbang na nilapitan ng Kapitan si Mayu. Tinayo niya ito at saka niyakap.

Napapikit ito ng maramdam muli ang yakap ng dating asawa saka lumuha. "Yeo…"

Nagpatuloy ito sa pagluha habang usal-usal ang pangalan ni Captain Yeo. Uminit ang kaibuturan ng damdamin ng kapitan kahit pa kapwa sila nilalamig sa malamig na klima. Patuloy ang pagbagsak ng maliliit na niyebe mula sa kalangitan.

Nakikinood lang ang mga tao sa barko sa dalawang nilalang na nagyakapan. Hindi sila makapaniwala sa ibang awra na iyon ni Captain Yeo. Malambot at mukhang napaamong leon.

"Makinig! Magdala kayo ng mainit na gatas sa kwarto ng kapitan!" sigaw ni Casper sa mga tao.

Hinaplos ng kapitan ang mukha ng dati niyang asawa at tinitigan ang mga mata nito na para bang nananaginip lang siya sa nangyayari at nakikita.

Inisa-isa niya ang parte ng mukha ni Mayu. Halata na nagkaedad na ito ngunit hindi pa rin nag-iiba ang pagkakakilala ng damdamin niya dito. Kahawig nito sa Maria Ozawa mula sa hugis ng mata, sa pisngi at sa labi.

"My love…" bulong niya dito saka ito hinalikan sa labi.