Matapos lumabas ni Mat-mat sa suite ni Cally at Prin, pinatahan ni Cally sa pag-iyak ang anak niya. Hindi niya alam kung na-guilty ba ito sa ginawa nito kaya ito biglang umiyak o kaya naman nagpa-awa sa kanya dahil pinagagalitan ito ni Mat-mat.
"Hush baby, don't mind your Uncle Idiot. But, what you did is bad as well. Huwag ka na ulit mangangagat basta-basta, okay?"
Dinala niya ito sa couch at saka tinanggal ang cable nylon wires na nakatali sa buhok nito. Parang nagkaroon ng kaginhawaan si Khalid matapos niyang matanggal ang bagay na iyon.
Naaaliw pa siya na makitang may naiwang luha sa bilog na mata nito. This little guy is just like him. He looks like him.
Sabi nila kapag kamukha daw ng tatay ang baby, walang ibang iniisip ang nanay nito kundi 'yung tatay ng bata habang pinagbubuntis ito. He was away during Prin's pregnancy kaya naman he did everything to give her happiness ngayon na may Khalid sila.
Dinodoble niya ang kasiyahan na maaari niyang ibigay kay Prin dahil malayo sila sa isa't-isa sa loob ng mahabang panahon at lahat ng sakripisyo ay si Prin ang nagdala.
She sacrificed for him.
Nakatingin sa kanya si Khalid na para bang hinihintay nito kung ano ang susunod niyang gagawin.
Pinunasan niya ang mga luha nito sa mata.
"We should be happy. Your Mommy is safe" sabi niya dito na akala mo ay nakakaintindi na ito sa nangyayari.
Gumapang ito papunta sa dibdib niya saka siya humiga sa couch kaya nakadapa na ang ayos nito sa dibdib niya.
"Baby, in the future you will be the next Shi Cally but I want you to enjoy life. A man who loves his Mom so much and his dearest wife."
"... at huwag mong hahayaan na may umapi sa Mommy mo." Napangiti siya sa nasabi. He remembers the exact same message his Dad told him when he was six. Ngayon niya lang naintindihan ng tuluyan ang ibig nitong sabihin.
Inangat ni Khalid ang ulo nito para titigan siya. Naaaliw siya na para bang naiintindihan nito ang sinabi niya saka nito ibinalik ang pagkakasandal muli sa dibdib niya.
Nagpapasalamat talaga si Cally na ligtas si Prin sa mga naganap. Nakakapagod at nakakakaba ang mga nangyari sa araw na iyon pero sa huli, ligtas si Prin.
Hindi niya alam kung ano ang buhay na haharapin nila ni Khalid kung sakaling kukunin si Prin sa kanila. Iwinaksi niya rin sa isip ang mga bagay na iyon dahil ayaw niyang isipin ang 'bakit at kung paano'.
Gustuhin man niya na ganito lang sana ang buhay nilang pamilya na tahimik at masaya lang, may mga problema pa silang kinakaharap. Marami pa silang kalaban.
Si Gon Peter ay nagtatago lang sa dilim at hindi niya alam ang plano nito. Sigurado siya na kung sakaling babalik ito, sisiguraduhin na nito na pantayan ang lakas niya.
Nandiyan din ang mag-asawang Mayu at Captain Yeo. Hindi niya alam kung ano ang plano ng babae at kung ano ang background nito pero pina-imbestigahan niya sa Shogun ang dahilan nito kung bakit nito ginusto na pasabugin ang mga capsule bomb.
Ano ang nag-trigger dito para gawin iyon?
Nagkausap sila ni Rob at may plano ito na tanggapin ang trabaho na hanapin si Mayu sa Japan. May plano rin naman kasi siya na hanapin si Captain Yeo. 'Two birds in one stone' ang trabaho na iyon kaya sang-ayon siya sa gusto nito.
Patatapusin lang nila ang komosyon na ginawa ng teroristang si Mayu sa mundo bago nila ito harapin.
Habang iniisip ang mga bagay na iyon, hinahaplos niya sa buhok ang anak na si Khalid. Nakatulog silang mag-ama sa ganoong ayos.
Nagising si Prin nang wala siyang katabi sa kama. Sinilip niya ang relo at nakita niya na alas dose na ng madaling araw. Pupungas-pungas siyang bumangon para hanapin ang mag-ama niya.
Ang huling natatandaan niya ay pinabantayan niya ang anak kay Mat-mat dahil sobrang sama ng pakiramdam niya dahil sa mga gamot na tinurok ni Christen sa kanya.
Natagpuan niya ang dalawa na payapang natutulog sa couch. Nilapitan niya si Cally dahil alam niyang hindi ito komportable sa higa nito.
"Husbie…" tawag niya dito.
Umungol muna ito bago nagmulat ng mata.
"Pasok ka sa loob. Malamig dito saka hindi kayo komportable dito sa higaan." Kinuha niya ang natutulog na si Khalid mula sa pagkakadapa nito sa asawa niya.
"Come here."
Bumangon si Cally at umayos ng upo saka siya nito pinaupo sa binti nito.
"Hindi ka ba nabibigatan kay Khalid?" Tanong nito.
"Hmmm… mabigat pero okay lang." Pinagmasdan niya ang anak sa bisig na payapang natutulog.
Niyakap siya ng asawa niya ng mahigpit saka siya hinalikan sa pisngi. "Thank you Honey for being an amazing woman"