Naiinis na tiningnan ni Mat-mat si Caroline. "Bakit ka ba nagpunta dito? Are you following me?" iritable na tanong niya sa babae. Ayaw niyang mag-feeling gwapo pero alam naman niya ang sagot na sinundan talaga siya nito sa lugar.
"Yes. May masama ba doon?" Nakangisi na sagot nito.
"Listen, hindi na katulad noon ang status ko ngayon. I'm engaged with my girlfriend."
"I don't believe you. Nagawa mo ngang patayan ng cellphone ang girlfriend mo para makausap ako eh." katwiran naman nito.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." naiinis na sabi niya dito. Hindi niya alam kung ano ang pina-plano ng babae na parang may sayad sa utak.
Hindi naman niya pinapansin ang mga trip nito noong mga nakaraan dahil wala pang Donna na bumabalik sa kanya pero iba na ang sitwasyon ngayon.
Bumukas ang katabing elevator kaya iniwasan niya na ang babae at sumakay siya doon para bilhan ng gatas ang nobya niya. Hindi nawawala ang pagkainis niya lalo at iilang araw pa lang silang nagkabati ni Donna.
Knowing his girlfriend, mukhang babalik siya sa square one.
Bumili siya ng steamed milk at cake sa isang cafe na nasa loob ng hotel tulad ng hiling nito.
Parang ang malas niya talaga sa araw na iyon. Inutusan siya ni Prin na umikot sa buong siyudad para lang hanapin ang gusto nitong pagkain. Nakagat siya ni Khalid at parang siya pa ang may kasalanan kung tingnan siya ng masama ng tatay nito.
Dumating ang stalker niyang ex-girlfriend at dahil dito, alam niyang galit sa kanya ang nobya niya sa oras na iyon. At lahat ng mga iyon ay nangyari sa loob ng isang araw.! Ang saklap talaga lalo na ngayon na ramdam niya na ang pagod.
At may sasaklap pa ba sa background music na pumapailanlang sa loob cafe na 'Bad Day' ni Daniel Powter?
"Hello Mat" napalingon siya sa bumati sa kanya at nakita niya si Cassandra at Lorenz na magkahaway-kamay habang inaabangan niya ang inorder niya para sa nobya.
Lalo siyang napasimangot na makitang sweet ang mga ito. Akalain mong humabol pa ang dalawa para dagdagan ang malas niya. Pinararamdam ng dalawang ito sa kanya na para bang 'araw ng mga puso' nang mga oras na iyon.
"'Yung totoo? Bakit sa inyong dalawa parang laging valentines day?" naiinis na saad niya.
"We are just enjoying, bakit ba parang naglilihi ka na naman?" puna ni Lorenz.
"Malamang galit sa kanya si Donna." sapul naman ang hula ni Cassandra sa totoong naganap kaya napasimangot siya sa narinig.
"Steamed milk and red velvet cake for Chupa...chups?" nakakunot ang noo ng barista habang binabasa ang pangalan na binigay niya.
Mabuti na lang at tinawag na siya para sa inorder niya at malalayuan niya ang dalawa na parang ayaw maghiwalay.
"Aakyat na 'ko. Shogun, hihilingin ko talaga na sana ay hindi ka na masarap bukas." bitter na sabi niya dito ngunit hindi siya nito inintindi.
"Bye Mr Chupa chups!" pang-iinis ni Lorenz.
Nakasimangot na umalis siya ng kapehan.
Nang makaakyat sa 4th floor ng hotel, kinatok niya ang suite ni Donna. Binuksan naman nito ang pintuan.
"My love, binilhan kita ng --"
Bago pa niya matapos ang sasabihin, tinulak nito palabas ang luggage niya. Kinuha ang supot ng pagkain at inabot sa kanya ang bag niya na may mahahalagang gamit.
Matapos iyon, binagsakan siya nito ng pintuan. Huli na nang ma-realize niya na outside-de-kulambo siya sa gabi na iyon. Ang ganda ng ending ng kamalasan niya talaga.
Kinatok niya ang pinto para kausapin ito. "My love! My Love! Napapagod na ko wala akong matutulugan"
Ilang ulit niya pang tinawag si Donna. Hindi siya pwedeng umalis doon dahil sigurado na mas magagalit ito sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung saan siya lulugar. Kung mananatili siya doon at kakatukin ang pintuan nito, siguradong magagalit ito. Kung aalis siya ay magagalit din ito.
Napabuntong-hininga na lang siya.
"My Love, wala naman akong kasalanan. Buksan mo na 'yung pintuan, malamig dito sa labas." pagpapaawa na lang niya.
Dahil sa ingay niya, bumukas ang pintuan ng kabilang kwarto. Sumandal si Caroline sa door frame at humalukipkip na ngumisi sa kanya.
"Wala ka bang matutulugan? Pwede ka dito sa kwarto ko" nang-iinis na sabi nito.
Hindi niya ito pinansin at patuloy na kinatok ang pinto. Lumapit sa kanya si Caroline at hinawakan ang luggage niya.
"Listen Matthew, ikaw na nagsabi na malamig dito kaya doon ka na lang sa suite ko."
Bumukas bigla ang pintuan at bumungad si Donna na nag-aapoy ang mata.
"Matthew, I am warning you. Who is this girl?" nangigigil na tanong ni Donna habang masama ang tingin nito kay Caroline.
"Hello, I'm Carol, his girlfriend" nilahad pa nito ang kamay sa nobya niya na tinitigan lang ng huli bago ibinalik muli sa mukha nito ang tingin.
He grabbed the chance na tabihan si Donna paharap sa babae. "she's an ex! Not a girlfriend"
Hindi naman sumagot si Caroline at tanging nakangiti lang.
Gumanti ng ngiting-plastik si Donna sa babae.
"Mayroon lang kami na hindi pagkakaunawaan ni Matty ko dahil hindi niya naipaliwanag sa 'kin ng maayos ang History ni King Henry na manyak at babaero!" binigyan diin nito ang 'manyak at babaero'.
Matty "..."
"Matutulog na kami." sabi ni Donna bago kinuha ang lahat ng gamit ni Mat-mat saka sinaraduhan ng pintuan ang babae.
"Huwag na mainit ang ulo mo. Upo ka dito, kahit pagod na ko mamasahihin kita."
Hinila niya ang nobya sa isang couch at hinilot ang ulo nito. Kailangan niyang galingan dahil ayaw niyang mabadtrip sa kanya si Donna.
"Love…" natuwa naman siya nang tinawag siya nito matapos niyang hilot-hilutin ang sentido nito.
"...I'm sorry" Pagpapasensya mula dito na ikinagulat ni Mat-mat. Pinatabi siya nito sa upuan saka niyakap ang dibdib niya.
"Sorry kung masyado akong masungit..."
"Sorry kung hindi ako naging perfect girlfriend..."
"Sorry sa sinayang ko na sampung buwan para maging masaya lang tayo." Ito talaga ang dahilan ni Donna kung bakit niya pinapasok si Mat-mat. Nagkamali na siya noon nang sinubok ng tadhana ang tiwala niya dito at ayaw na niyang maulit muli iyon.
Napangiti naman si Mat, mukhang sulit ang lahat ng kamalasan na nangyari sa kanya sa araw na iyon.
"My Dearest Donna, will you marry me?"
Nagulat din ang babae sa tanong niya. "But you don't have a ring."
"Syempre, gusto ko munang marinig ang sagot mo bago ako bumili ng singsing. Paano kung nag-'no' ka? eh, di sayang ang pera ko"
Donna "..."