Chapter 237 - Stalker or girlfriend?

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pumasok si Cally sa suite nila ni Prin na hinihilot ni Mat-mat ang kamay nito at nakangiwi. Nakaupo sa mesa ang anak niya at inosenteng nakatingin sa pinsan niya.

"Bad baby!" Halos maiyak ito na hindi niya maintindihan kung bakit.

Kumunot ang noo niya nang makita ang buhok ni Khalid na naka-pigtails gamit ang cable nylon wires.

"What's the situation here?" Tanong niya sa dalawa.

Sabay silang nagulat ni Mat-mat nang umiyak si Khalid.

"Wahhhhh!!! Wahhhhh!!!"

"No. No. No, baby. I'm sorry na." Halatang nataranta ang pinsan niya sa inakto ng anak niya. Gumapang patungo sa kanya ang baby hanggang sa dulong bahagi ng mesa saka inangat ang kamay patungo sa kanya para magpa-karga.

Nakaramdam siya ng awa dito saka ito binuhat. "Anong ginawa mo?" Tanong niya kay Mat-mat.

"Excuse me, siya nga itong kinagat ako eh. Look o" pinakita nito ang kamay na may marka ng ngipin at doon niya lang naintindihan ang lahat.

Patuloy na umiyak si Khalid na bihira nitong gawin.

"Hush baby… Eh, bakit may wire sa buhok si Khalid?"

"Natutuwa lang ako sa kanya, okay? Anyway, dahil nandito ka na, got to go! Ipapacheck ko yung kamay ko, baka may rabies" reklamo nito saka nagmadaling tinungo ang pintuan palabas dahil baka kung ano pa ang isagot ni Cally.

"Saglit lang… I just want you to know that your girlfriend is here. I saw her in the cafè downstairs. "

Kumunot ang noo ni Mat-mat. Kakatapos lang kasi ng usapan nila ni Donna at alam niyang wala ito sa galaan.

"Caroline." simpleng sagot ni Cally.

Nanlaki ang mata ni Mat-mat sa nadinig. Hindi niya akalain na susundan siya ng babae doon.

"A-are you sure it's Caroline?" Paninigurado niya.

"Check it kung ayaw mong maniwala pero kapag nalaman ni Donna ang tungkol sa kanya…" ngumisi muna si Cally para mai-ganti ang anak niya. "...You're dead!"

Nagmadaling lumabas ng kwarto si Mat-mat. Hindi naman niya nobya si Caroline na tulad ng sabi ni Cally pero may nakaraan sila nito. Ang babae ang huling nobya niya bago si Donna. Nakipaghiwalay na siya sa babae noon pa, nagkita nga lang sila ulit nito sa school kung saan siya nag-aaral kamakailan at pilit na sumusunod-sunod sa kanya na parang stalker.

Tinawagan niya si Donna habang tinutungo ang elevator. "My love, tapos na ko sa babysitting, dumating na ang tatay ng devil. Nasaan ka?"

May tina-trabaho kasi ang nobya niya sa laptop nito. Dahil stock investor ang pamilya ni Donna, madalas na magbantay ang dalaga ng galaw ng currency exchange. Ang maganda lang sa trabaho ni Donna, nagagawa pa rin nito na magpunta sa iba't-ibang lugar basta may internet.

"Nasa kwarto ko, katatapos ko lang trabahuhin ang pinagawa sa 'kin ni Dad." Sabi nito sa kabilang linya na hinihilot-hilot ang sumasakit na ulo.

Nakarating na siya sa elevator at pinindot ang 'up' dahil nasa 3rd floor ang suite ng mag-asawang Prin at Cally, at nasa 4th floor ang sa kanila ni Donna.

"Love, can you buy me some milk?" hiling nito.

Nalungkot naman siya para dito kaya pinindot niya naman ang 'down' para sundin ito. "Sure. Anong klaseng milk? Skimmed? Non-fat? Gatas ng kalabaw? O gatas ng ina?"

Umikot na naman ang mata ni Donna sa kabilang linya. Sa usapan nila ng nobyo niya, hindi talaga mawawala ang kalokohan nito.

Bumukas ang elevator at bumungad sa kanya si Caroline na paakyat . Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya.

"Matthew!" Masayang bati nito.

Nanlaki ang mata ni Mat-mat nang makita ang babae. Totoo ang sinabi ni Cally sa kanya na naroon nga ito sa hotel para sundan siya. Dala-dala pa nito ang isang handbag at luggage na para bang mag-stay ito doon ng ilang araw.

"Ahmm, Who's that?" Tanong ni Donna sa kabilang linya dahil hindi nakaligtas sa pandinig nito ang pagtawag ng isang babae sa nobyo nito.

"A stalker" sagot ni Mat-mat.

"I've been looking for you. I'm happy to see you" masayang sabi ni Caroline na pinipilit na pindutin ang 'open' button ng elevator para makausap ang binata at hindi iyon magsara.

"I'm not happy, alright!" Sagot niya dito. Nahati na ang atensyon niya kay Donna at sa babae.

Hindi siya nito pinansin. "Where is your suite? Tatabi na lang ako sa iyo para tipid sa gastos" sabi pa nito na nakangisi.

Nakaramdam ng inis si Mat-mat. Lalo na at iyon din ang kinatwiran niya kay Donna para makitulog siya sa kwarto nito.

"Matthew! I am warning you! Who is with you?!" Galit na si Donna sa kabilang linya.

Gusto na niyang saktan ang babaeng nasa harap dahil pinapahamak siya nito sa nobya niya.

"My Love, huwag mo nang pansinin. I told you, she's a stalker"

Kumunot naman ang noo ni Caroline nang marinig ang sinabi ni Mat-mat. "I'm not a stalker! I'm his girlfriend!"

Nanggigigil na lang si Mat-mat na pinindot ang 'end' button sa cellphone.