Chapter 236 - Babysitting

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Dahil maliit lang naman ang naging sugat ni Prin sa batok niya, mabilis lang din ang inaasahan na paggaling niya. Kaya bumalik din sila sa hotel nang araw na iyon. Sobra silang nagpasalamat kay Madam Winona dahil malaki ang tulong na ginawa nito. 

Gayunpaman, kung ayos ang lagay ni Prin, sobrang nabahala naman ang ibang lugar sa mundo. 

Napag-alaman ni Lorenz at Kai na matapos ang tig-lilimang bomba kung saan napabilang ang bomba ni Prin, naging tig-iisang daan iyon. Nakita nila sa mga balita mula sa kung saan-saang bansa ang mga pagsabog, ang kaguluhan, ang pag-iyak ng mga mamamayan at ang paghingi ng mga ito ng tulong.  

"Where is Captain Yeo and his wife now?" tanong ni Cally sa dalawa.

"Pina-trace ko na kay MB10. Ang huling balita ay nasa Sapporo, Japan ang mag-asawa."  sagot ni Lorenz.

"Pinaghahanap na si Mayu ng Japanese embassy dahil sa gulo na ginawa niya. Nanghingi na rin sila ng tulong kay Master Rob pero pinag-iisipan pa ni Master kung tatanggapin niya ang trabaho." sabi naman ni Kai.

"Okay! sa ngayon, mas mabuti pa na bumalik na muna tayo sa hotel. Good job everyone!" sabi ni Cally. 

=====

Asar na asar si Mat-mat dahil matapos niyang maghanap sa city ng chicken joy, iniwan siya ng mga walang hiya at wala man lang kahit isa ang nakaalala na magsabi sa kanya na dumeretso na lang siya sa hotel. 

Nakasimangot siya na kinatok ang pintuan ng kwarto ng mag-asawang Cally at Prin at binuksan iyon ng huli na bitbit si Khalid. 

"Hello, Matty" nakangiti ito ng matamis na binati siya. 

Inabot niya dito ang isang bucket ng chicken joy 

"Prinsesa, Sa susunod, pwedeng mahalin niyo naman ako? Wala na ngang bayad ang kapogian ko, inaalipin niyo pa ako." gusto niyang itulak ang babae sa tuktok ng Eiffel Tower, kaya lang… may Khalid na nakatingin sa kanya. Dilat ang maliit at bilog na mata nito na para bang nakikita siya ng tatay nito.  

Prin "?" nagtaas ang kilay nito at hindi nito inintindi ang mga reklamo niya. 

"I'm so kawawa talaga" ang tangi niyang nasabi.

"Awww… Khalid, smile to your uncle Matty" utos nito sa anak nito. Pero nabigla siya nang sumunod ito sa nanay nito. 

Unang beses niyang makita na ngumiti ang batang ito kaya naman natuwa siya ng sobra. 

"Oh my gosh! You are so cuteeee..." excited na sabi niya dito na parang nilipad ng hangin ang kanina ay pagka-asar niya. Hindi niya alam na inaakay na siya ng mag-nanay sa isang patibong. 

Napangisi ng lihim si Prin.

"Thanks! Pasok ka muna! May inaasikaso pa si Cally kasama ang Shogun, masakit pa ang ulo ko kaya mag-bonding muna kayo ng anak ko." sabi nito bago ipinasa sa kanya ang bata.

Naniniwala naman si Mat-mat sa sinabi nito dahil ilang oras pa lang natanggal ang bomba sa ulo nito at sigurado na may epekto pa ang mga gamot na tinurok dito. 

Para siyang sinapian ng kung ano na sumunod dito. Matapos na maipasa ni Prin si Khalid sa kanya, pumasok ito sa loob ng bedroom kaya silang dalawa ni Khalid ang naiwan. 

Natuwa naman si Prin dahil makakatulog siya ng ilang oras nang hindi mag-aalala sa anak niya. May Matty na tagapagligtas para maging Yaya nito. 

Nag-usap na sila ni Cally na hindi sila kukuha ng magbabantay kay Khalid hangga't hindi tumutuntong ang anak niya sa limang taon kaya sa ngayon kung sinu-sino ang nag-aalaga dito. 

Sa kabilang banda naman, Inupo ni Mat-mat ang pamangkin niya sa mesa. At kung anu-ano ang ginawa niya dito. 

May nakuha siyang electrical nylon cable at nilagay niya sa magkabilang kulot na buhok ni Khalid kaya para itong naka-pigtails. Gamit niya ang mga wire na 'yun sa mga kable ng computer, charger at kung ano pa. Mabuti na lang at lagi siyang handa. 

Tapos ginamit niya ang cellphone niya para mag-groupie sila ng bata tapos pinadala niya kay Donna. 

[Matthew :My Love, let's make a baby!] walang paliguy-ligoy na mensahe niya dito. 

Naaaliw siya sa bago niyang misyon na bantayan ang prinsipe ng malditang si Prin. Habang nagtitipa, gumagapang na si Khalid para lumayo sa kanya. Nahuli naman niya ang katawan nito na malapit na sa dulong bahagi ng mesa. 

"Oops Baby, that was bad." binalik niya ito sa dating pwesto, sa tapat ng pwesto niya. 

Tinatanggal nito ang nylon wire sa buhok at seryoso na nakatingin sa kanya pero walang ideya si Mat-mat sa gustong mangyari ng bata. Para siyang naglalaro ng live na Babysitter Mania. Isang role playing na Game App.

"Khalid, let's sing 'Ako ay may Lobo'" sabi niya dito. 

Bago pa siya magsimulang kumanta, tumunog ang cellphone niya at tumatawag si Donna gamit ang video. 

"Matty, yung totoo, ginagamit mo pa talaga si Khalid sa kamanyakan mo?" bungad nito sa kabilang linya. 

"My Love, of course not. isn't he cute? Sigurado na 'pag nagka-anak tayo, mas cute pa kay Khalid. Kaya sige na baby, gumawa na tayo ng baby." natutuwa niyang saad. 

Umikot ang mata ni Donna sa kabilang linya. 

"Khalid, kill him for me!" utos nito sa bata. 

Nagulat na lang si Mat-mat nang biglang kinagat ng baby ang kamay niya. 

"Ahhh!!" Napatili siya sa gulat. Matapos ang ilang saglit, nag-marka ang ngipin nito sa kamay niya. 

Satisfied naman ang nobya niya sa kabilang linya. "Good Job Honey! Iki-kiss ka ni Tita mamaya. Bye bye!"