Chapter 235 - Golden time (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tila nabunutan ng tinik si Cally nang matagpuan ang asawa niya na ligtas. Basang-basa lang ito dahil sa tubig mula sa water sprinkler. 

Binuhat niya si Prin at inutusan ang lahat na lumipat ng ibang kwarto. Lumipat sila sa isang hospital ward na malapit. 

Pagdating sa kwarto na may apat na hospital bed, hiniga niya sa isang kama si Prin. 

Si Doc Mikko ay nanghihina na nakakapit kay Lorenz at Kai para dalhin ito sa kwarto. Halos buong likuran nito ang nagsusugat. Sirang-sira ang likuran ng puting lab gown nito. Pinadapa nila sa isang kama ang doktor. 

Si Madam Winona naman ay nagsusugat ang braso pero nagpasalamat sila na ligtas ang ginang dahil hindi nila alam kung paano magpapaliwanag sa lahat kung sakaling may masamang nangyari dito. Si Mat-mat ang umalalay sa ginang para madala ito sa kwarto. 

Nanghingi ng tulong si Christen sa isa pang doktor na kaibigan nito para ipagamot ang sugat ni Madam Winona. Ito naman ang umasikaso sa sugatan na nobyo nito. 

Binalot niya lang ng kumot si Prin dahil basang-basa ang katawan nito. Matapos ma-secure ang lagay nito, para siyang nauupos na kandila na biglang napaupo sa sahig sa paahan ng kama. Saka huminga ng malalim. 

Tahimik ang lahat at ayaw maglabas ng kahit isang kataga. 

"Tssss!" nagkikiskis ang ngipin ni Doc Mikko sa mga gamot na pinapahid ni Christen. Napapakapit ito sa kama ng mahigpit. 

"Ten, sobrang hapdi!" reklamo nito. 

"Are you even a doctor! Natural mahapdi talaga pero alam mo na kailangan natin linisin para sa bacteria baka magbakbak at maging anak ka ng bacteria!" nagagalit na sita nito na akala mo ay hindi rin doctor ang kausap. 

Lapnos ang buong likuran ni Doc Mikko at parang nahihirapan si Kai na makita ito sa ganoong ayos. 

Hindi nila alam kung gaano katagal na tahimik ang buong kwarto bago naisipan ni Cally na magtanong. 

"Gusto kong malaman ang buong detalye" normal lang na alamin pa din niya kung paano naligtas ang apat sa loob. Kita nila kung ano ang hitsura ng kwarto at isang himala talaga na naligtas ang mga ito. 

Hindi niya rin akalain na sobra ang pagsabog ng isang maliit na bomba. 

Uminom muna ng tubig si Christen bago nagsimulang magpaliwanag. 

"Natahi na namin ang maliit na sugat sa batok ni Prin matapos naming tanggalin ang bomba nang mapansin ni Madam Winona, isang minuto bago ang pagsabog, na nag-iba ang kulay ng capsule. Mula sa titanium, unti-unting nagiging kulay-lumot iyon."

"At doon ko napansin na ilang saglit na lang ay sasabog na ang maliit na bomba kaya inutusan ko agad si Christen na itago si Prin sa likod ng medical cabinet. Nahuli nga lang kami ni Doc Mikko na tunawin ang capsule bomb sa chemikal na binuo ko kanina." paliwanag naman ni Madam Winona. 

"Bakit malakas yata ang pagsabog?" si Cassandra ang nagtanong. Hindi niya akalain na ganoon kalakas ang pagsabog ng capsule bomb. Iba sa mga nasaksihan niya na sumasabog sa ulo ng isang tao. 

"Dahil sa hangin. Nasa loob kasi ng ulo ng tao ang mga nasaksihan mo kaya hindi ganoon kalakas ang pagsabog. Basically, malakas din iyon, nagkataon lang na kulob kaya hindi halata. Samantalang, nailabas namin ang bomba kay Prin kaya mas malaking space ang apektado. 

Tumango na lang si Cassandra kahit hindi niya naiintindihan. 

Umungol bigla si Prin sa higaan. "hmmm…" 

Nagsipag-lingunan ang lahat ng tao sa kwarto, sa kama kung saan nakahiga si Prin. Tumayo agad si Cally para lapitan ang asawa niya. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata. 

Matagal silang nagtitigan na para bang unang beses nilang magkita. 

"S-sino ka..?" tanong nito sa kanya. 

Natigilan si Cally. Parang nanghina ang dibdib niya sa nadinig. Kahit ang mga tao sa kwarto ay natigilan nang marinig ang tanong ni Prin. 

Naulit ba ang nangyari kay Cassandra? Tatakas din ba ito tulad ni Cassandra? Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ni Cally. 

Biglang napangiti si Prin. 

"Jowk lang… Ang serious niyo kasi." nanghihina na sabi nito saka dahan-dahan na umupo. 

Cally and friends "...." 

Nakahinga ng maluwag si Cally at tinulungan siya sa pag-upo. Bukod sa nilalamig ang buo niyang katawan dahil sa basang kasuotan, wala na siyang iba pang nararamdaman. 

Guminhawa pa nga ang pakiramdam niya dahil para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. 

"Prin Matsui, gusto mong sipain kita!" naiinis na sabi Mat-mat. Pinakaba sila nitong malditang babae na 'to. 

"Husbie, si Matty inaaway ako" sumbong niya sa asawa saka yumakap sa bewang nito at ipinilig ang ulo sa dibdib.

Pinukulan siya nito ng nakamamatay na tingin. 

Si Cassandra, Lorenz at Kai ay lihim na natatawa na nakaupo sa isang couch. Si Christen at Doc Mikko ay busy na nagtatalo rin sa isang bed. Nangingiti naman si Madam Winona habang nakikinig at ginagamot din ang nasugatan nitong braso.

"Nagugutom ako, Husbie. Gusto ko ng chicken joy" 

"Matty, bili ka ng chicken joy" utos ni Cally. 

"Pusang gala! Dito sa Paris, Chicken Joy?" Saan naman siya hahanap ng chicken joy sa Paris? Gusto niya talagang isumpa ang asawa ng pinsan niya. Matapos nila itong iligtas, ang lakas pa ng loob na magmaganda!

"Husbie, nagrereklamo si Matty..." pang-iinis ni Prin. 

Umakto ang binata na gusto siya nitong sakalin saka tumalikod para lumabas ng kwarto at sumunod sa utos.

"Ingat Matty" nakangisi na paalam niya dito. 

Pinisil ni Cally ang ilong niya. 

"Aww!" 

"Salbahe ka. Alam mo na ngang iyon ang kinakatakot ko sa lahat, ang galing mo pang magpanggap" 

Napangiti si Prin. "I'm sorry. Thank you, Husbie. Bakit nga pala ako basa? Saka bakit ibang kwarto yata ito" 

"Huh? Hindi mo ba natatandaan? Anong pinalitan na kwarto ang sinasabi mo? Narito na tayo kahapon pa" ganti ni Cally sa asawa niya at kita niya na halatang nataranta si Prin.