Chapter 234 - Golden Time

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"What do you mean now?" tanong ni Christen.

"Remove the bomb now!" sabi ni Cally.

Napasinghap si Christen at nakuha agad nila ang ibig sabihin ng kuya niya.

Dali-dali nilang nilabas si Prin mula sa scanner. Si Doc Mikko ay mabilis na pinaayos ang mga kagamitan na gagamitin sa pagtanggal ng capsule bomb. Si Christen naman ay nangangatog ang kamay na inaasikaso ang camera at iba pa. Si Madam Winona ay kalmado na patuloy sa pag-review ng capsule bomb sa maliit na computer.

Inagaw ni Mat-mat ang ginagawa ni Christen at ito na ang nagkabit ng maliit na camera sa aparato.

"Tenten, calm down…" sabi niya sa pinsan niya.

Tumango lang ang dalaga. Hindi lang makapaniwala si Christen sa nagaganap. Ayaw na niyang maulit na bumalik ang kuya niya sa dati na parang walang buhay.

"What is happening?" tanong ni Prin kay Cally nang masilayan niya ito. Narinig niya ang malakas na pag-utos ng asawa niya sa kapatid nito.

Hindi sumagot si Cally. Sa halip, lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Kapwa sila kinakabahan sa magaganap.

Maihahalintulad na sa time bomb ang nagaganap sa kanila. Ang pagkakaiba nga lang, hindi nila alam ang oras kung kailan sasabog ang capsule bomb na nasa ulo ni Prin na nakadagdag sa tensyon. Mahalaga ang bawat segundo sa mga oras na iyon.

"Prin, let's start!" tawag ni Doc Mikko matapos lang ang ilang sandali. Mabilis kasi nitong naayos ang mga kakailanganin. Nagpasalamat na lang sila na handa sila sa kwarto na iyon at mayroon silang kagamitan. Nagsimula na kasi sila na magprepara nang nagdaang araw pa.

Pinahiga nila si Prin sa isang metal na higaan. Huminga muna ng malalim si Christen bago siya nagturok ng pampamanhid sa likuran ni Prin.

Matapos iyon, pinadapa nila ng maayos si Prin. Nakaharap ang mukha nito sa bilog na butas ng higaan at tanging sahig lang ang nakikita nito. Pumikit muna ang sister-in-law niya hanggang sa nakatulog ito.

"Cally, mabuti pa sigurong lumabas ka na muna" payo ni Christen. Sa palagay niya, makakadagdag lang sa pressure nila si Cally.

Mabigat ang mga hakbang ni Cally na tinungo ang pintuan para lumabas ng kwarto. Nilingon na muna niya ang asawa bago tuluyang lumabas. Sumunod si Mat-mat sa paglabas ng kwarto at tanging naiwan muli sa loob si Christen, Doc Mikko at Madam Winona kasama ni Prin.

=====

Sa labas ng pasilyo, hindi mapakali si Cally. Doble ang kaba at tensyon niya kumpara noong manganak ang asawa niya.

Si Lorenz at Kai ay hindi makapagsalita dahil alam nila na dadagdag lang sila sa tensyon. Matapos kasing sumabog ang twenty capsule bombs mula sa kung saan-saan, tigda-dalawang bomba na ang sumasabog kada-limang minuto. Doble kumpara sa una.

Hiling lang nila na sana ay huwag munang sumabog ang kay Prin.

Nabigla sila nang naging tig-lilima ang bomba na sumasabog mula sa kung saan pagkalipas ulit ng limang minuto. Nabahala na ang mga tao sa kung saan-saang parte ng mundo.

'Putsang ina!' gustong magmura ni Lorenz. Napalingon tuloy siya sa pintuan. Kahit si Kai ay ramdam ang tensyon at panlalamig sa pagbabantay nila ng Shogun.

Lumipas pa ang limang minuto, kahit ayaw niya ay nakahinga sila ng maluwag dahil limang biktima ulit ang sumabog at ligtas pa si Prin. Para silang mga tanga na nagbabantay ng time bomb na walang ideya sa kung ano ang eksaktong oras kung kailan sasabog ang bomba na nasa malapit lang.

Si Cally ay walang alam at ayaw niyang alamin ang pinagkakaabalahan ng dalawang Dark Guards habang busy ang mga ito sa laptop ni Mat-mat.

Nagbibilang si Lorenz ng oras sa isip niya.

'3… 2...1…'

Biglang nakarinig sila ng pagsabog mula sa loob ng kwarto.

"Ahhhh!!!" napatili si Cassandra.

"No!!!" nanlamig agad ang buong katawan ni Cally.

Namatay ang fluorescent light ng sunud-sunod sa pasilyo at biglang nag-blink iyon. Napasuntok si Cally sa kinauupuan at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto kasunod ang tatlong lalaki.

Nanlalaki ang mata nila sa nasaksihan sa loob ng kwarto. Madilim at nagb-blink ang natitirang isang ilaw. Parang nabasag ang mga ilaw sa maliit na computer monitoring. Kalahati ng monitor ang itim at kalahati ang may screen.

Basa ang buong paligid dahil sa water sprinkler na patuloy na nagpapaulan. May nag-aapoy na mga aparato sa isang gilid at may dumadaloy na dugo sa tubig. Kinakabahan si Cally, sinilip niya ang higaan na metal at wala siyang nakitang Prin doon kung saan niya ito huling nakita. Parang gusto niyang manghina.

Nilakasan niya ang loob na maging positibo sa mga nakikita.

"Christen! Prin!" sigaw ni Cally na halos hindi niya mailabas.

Inuulanan sila ng water sprinkler pero wala silang pakialam. Para na silang pinaliliguan pero patuloy nilang hinahanap sa dilim ang apat na nilalang na naiwan doon.

*cough cough* "I'm here!" maliit na boses mula kay Christen na nagtatago sa likod ng isang kabinet.

"Si.. si Madam Winona! Please help her and.. Mikko"

Nilapitan ni Lorenz si Madam Winona sa isang parte na bahagyang nasugatan dahil yakap ito ni Doc MIkko na duguan ang likuran. Para maprotektahan ang may-edad na babae, sinanggalang nito ang sarili.

"Where is Prin?" kinakabahan na tanong ni Cally sa kapatid niya.

"She's here." sagot ni Christen. Nakahinga ng maluwag si Cally matapos niyang makita ang asawa na nakabaluktot ng higa at may medical patch ang batok na natutulog. Kasama ito ng kapatid niya na nagtatago sa likod ng kabinet.