Chapter 233 - Do it Now!

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Makalipas nga ang dalawang araw, pinaliwanag kay Prin at Cally ang mga gagawin sa kanya ni Madam Winona. 

"To be honest, dadaan ka pa rin sa normal na operasyon kung nagmamadali ka talaga, Prin. As much as I wanted to help you at my earliest convenience, I need at least a month para pag-aralan ang tungkol sa capsule bomb" paliwanag ni Madam Winona. 

Nakasuot ito ng puting lab gown. She was also curious with the capsule bomb. At nabigla siya na it's not an ordinary bomb na may mga wires, uranium or black powder and detonator, but created with a different mixture of chemicals in a small capsule made in a special metal. Ang metal na iyon ang nagkokontrol sa detonator na hawak ni Captain Yeo. 

Naniniwala si Madam Winona na may talento sa siyensya at teknolohiya si Mayu. Sayang lang at ginamit nito sa kasamaan. 

Tahimik si Cally na nakikinig. May katwiran si Madam Winona. Kailan lang nila nakita ang may-edad na babae at normal lang na pag-aralan muna nito ang lahat. Ite-test pa nito ang kung anumang gamot na mabuo nito bago i-apply sa asawa niya. And it will take a lot of time and effort. 

"Don't worry Cally, I will help Christen and Doc Mikko para sa operasyon. Hindi ko iiwan ang asawa mo." nakangiting sabi nito. 

Hinawakan ni Prin ang kamay ni Cally na nasa tabi niya to give him assurance na ayos lang ang lahat. 

"Cally, huwag kang mag-alala. Mas advanced at mas maingat kami sa procedure ngayon. Nakita naman sa X-ray na hindi malalim ang capsule bomb kay Prin kumpara sa bomb na nakuha namin kay Sandra." paliwanag ni Christen. 

"If that is the case, magbigay na kayo ng petsa kung kailan gagawin ang procedure. Let's do it as soon as possible." 

Nakahinga ng maluwag si Prin, Christen at Doc Mikko. Napangiti naman ng matamis si Madam Winona. Kahit kailan ay lagi siyang sinosorpresa ng prinsipe pero hindi maikakaila na mahal nito si Prin Matsui. 

Pinasok si Prin sa loob ng kwarto kung saan naroon ang scanner para masuri naman ang heartbeat niya at ang iba pang parte ng katawan niya dahil maselan na bahagi ng katawan ng tao ang ooperahan nila Doc Mikko. 

Hindi naman malaking operasyon ang magaganap kundi maliit na hiwa lang sa batok ni Prin, tapos ipapasok ang maliit ng camera na may wire na kasinlaki ng sinulid na na-produce naman ni Mat-mat sa loob ng ilang buwan. Saka kukunin ang capsule bomb palabas sa hiniwang parte sa batok. 

Kayang tapusin ni Doc Mikko ang procedure sa loob ng 30 minutes lalo na ngayon na kasama nila si Madam Winona.

Umupo muna si Cally sa isang bench para maghintay. Nagpaalam siya sa Daddy niya na hindi na muna niya maaasikaso ang trabaho sa opisina at naintindihan naman nito. Mabuti na lang at maaasahan ang mga bunso niyang kapatid kahit madalas na nagtatalo sa mga bagay-bagay. 

Dalawang buwan na bakasyon ang hiningi niya sa pamilya niya at pumayag naman ang mga ito. 

Ilang minuto pa lang naipasok si Prin sa loob ng malaking kwarto nang mabilis na tumatakbo patungo sa gawi niya si Lorenz na kasunod si Kai, Mat-mat at Cassandra. 

Kinabahan siya agad dahil sigurado na hindi maganda ang balita ng tatlong lalaki at Cassandra sa kanya.

"Where is GW8, Shi?!" tanong ni Kai. 

"Nasa loob." simpleng sagot niya. "Anong… Balita?" 

Nagkatinginan muna si Lorenz at Kai. "We have bad news." simula ni Lorenz. 

Sumeryoso agad si Cally para makinig. 

"Captain Yeo and Mayu met in Russia two days ago! Kung kailan tayo nag-party" pagbibigay-alam ni Mat-mat. 

Napapikit si Cally. 

"And… one hour ago, may sumabog ng capsule bomb sa isang Indonesian… five minutes after that, sa isang Turkish… after five minutes--" hindi na maituloy ni Mat-mat ang sasabihin. Kada limang minuto kasi ang napansin nila na may sumasabog sa iba't ibang parte ng mundo. 

Binuksan na lang nito ang bitbit na laptop at pinanood kay Cally nang sabay-sabay ang mga video sa magkakaibang bansa na nakalap nito. 

Napapikit si Cally saka siya kinabahan. 

"Shi Cally, I am 100 percent sure that it's because of the capsule bomb. That girl is a girl from a brothel house in Bali. Ahhh!" tinuro ni Cassandra ang babae sa video bago ito napaatras at napasigaw. 

Binawi nito ang daliri sa bigla dahil sumabog na lang ang ulo ng babae sa video. Parang pakwan na nadurog ang hitsura ng pinanood nila at sunud-sunod iyon. 

Biglang nakaramdam ng kaba si Cally. Wala na siyang nagawa kundi buksan ang pintuan kung saan pinasok si Prin. 

Nagsipaglingunan sa kanya si Christen, Doc Mikko at Madam Winona na busy sa pagsusuri sa asawa niya. 

Kasalukuyan na pinasok ang kalahati ng katawan ni Prin sa loob ng bilog na scanner. Tanging binti lang nito ang nakikita niya. 

Si Madam Winona at Doc Mikko ang nagmomonitor sa isang maliit na computer para suriin ang nakikita sa loob ng katawan ni Prin. 

Nakakunot ang noo ni Christen sa biglaang pagpasok na iyon ng kuya niya na kasunod si Mat-mat. 

"Christen, Mikko, do the procedure now!" utos ni Cally na nakapagpa-taranta bigla sa dalawang doktor.