Chapter 241 - Wedding day (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sinipat ni Christen si Cassandra nang mapadaan ito sa tabi niya at napangisi ang batang doktora, tapos may binulong ito kay Lorenz. Na-conscious naman ang dalaga sa inakto nito. 

Hindi naman siguro nito alam ang tunay niyang nararamdaman, tama? Pero doon siya nagkamali dahil iba si Christen. 

She's a surgeon, an OB-gyne at kung anu-ano pa ang inaral nito na para bang naboboring ito sa buhay.

Inakay siya ni Lorenz doon sa ikatlong palapag kung saan naroon ang kwarto ng binata, malapit sa suite ni Cally at Prin. 

Napangisi naman ng lihim si Lorenz habang nasa loob ng elevator dahil sa binulong sa kanya ni Christen. 

"Your wife is hot but not because of a fever. You know what I mean right?"

Nakipag-apir na lang siya dito ng lihim.

Paghihintayin niya ang dalaga hanggang sa makasal sila sa mairie (city hall or mayor's office in Paris). He felt proud with himself. Hindi niya akalain na hindi lang siya sa labanan wild, kundi pati sa pakikipag-relasyon, sa pakikipag-niig.

Mabuti naman at nag-iiwan siya ng ibang impresyon sa babae na parang droga din sa pagkatao niya. 

Kung pwede lang na ibaon niya ang sarili sa dalaga 24 hours, 7 days a week. 

Ilang saglit lang, nasa loob na sila ng suite niya. 

Pinaupo niya si Cassandra sa mahabang couch. Kumuha siya ng malamig na tubig sa fridge at inabot dito para inumin nito. Nakatitig ang dalaga sa kanya na para bang may nais ito sa kanya na hindi nito masabi, kaya naisip niya na pagtripan ito ng kaunti.

'Tell me you want me, Sandra' nasa isip ng Shogun.

"Kailangan mong ubusin ito" sabi niya sa dalaga nang iabot niya ang malamig na tubig dito. Nakita niya ang paglunok nito bago nito ininom iyon.

Naghubad ng puting shirt si Lorenz. "Magsh-shower lang ako, sweetheart. May tatlong oras pa tayo para makapunta sa mairie" 

Hindi sumagot si Cassandra, dinagdagan kasi ng binata ang init na nararamdaman niya nang makita niyang nagtanggal ito ng pang-itaas. Pinipigil niya ang paghininga dahil baka may tumulong laway sa kanya. 

Lalong nilipad ang kaisipan niya at pumasok sa isip ang pakiramdam na mahawakan ang hubad na katawan na iyon ng binata. Sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa pumasok ito sa loob ng palikuran para maligo.

Parang doon lang nakahagap ng hangin si Cassandra. 

Napabuntong-hininga si Cassandra. She wanted to follow him. Having the thought, they had never done wild things inside a shower room.

Kung saan-saan muli lumilipad ang isip ni Cassandra. She undressed herself. Hindi pa niya natatanggal ang lahat ng kasuotan nang lumabas si Shogun na tanging twalya lang ang nagtatakip sa katawan nito. 

Sa parte naman ni Cassandra, naka-underwear lang siya kaya napalunok din si Lorenz, pero tinanggal nito sa isipan ang hubad niyang katawan. 

Namula ang pisngi niya dahil nahuli siya nito na naghuhubad. 

"What are you doing?" Nakakunot ang noo ng binata.

"I… I…" nahihirapan siyang magpaliwanag. Pwede niya bang sabihin na plano niyang sumunod sa shower room?

"Sweetheart, you have a fever tapos gusto mo pang malamigan?" Inakbayan siya nito at dinala sa nag-iisang kwarto. Nag-iinit ang balat niya sa pagdikit nila ng binata at mas lalong umiinit ang pakiramdam ni Cassandra.

Pinaupo siya ni Lorenz saka siya binigyan muli ng tubig. 

"Uminom ka pa ng tubig para bumaba ang temperatura mo" sabi ng binata na halos hindi niya naintindihan dahil nakatingin siya sa towel na suot nito. She wanted to grab the chance na naroon ito sa harapan niya. 

Inangat niya ang kamay para hilahin sana ang towel na iyon pero naunahan siya ng binata na lumayo sa kanya para bumalik sa shower room. 

Sobra-sobra ang panghihinayang ni Cassandra nang mawala muli ito sa paningin niya. 

Ano ba ang nakain niya at ganoon siya sa umagang iyon? She's horny. 

Tumayo siya at tuluyan na hinubad ang lahat ng kasuotan. Kailangan niyang akitin si Lorenz. Tinungo niya ang closet at naghanap ng super s.e.xy na lingerie para hindi ito makatanggi. Isang lacey red and black underwear ang nakita niyang suotin

Parang silang tanga na dalawa sa kwarto na naglalaro ng apoy-apoy-an. 

Kapwa nila gustong akitin ang isa't-isa pero hindi alam kung sino ang unang bibigay. 

Matapos niyang magbihis bumalik siya sa pagkakahiga sa kama na parang alay ng mga kulto sa santu-santuhan.