Nang lumabas si Lorenz ng palikuran matapos niyang makaligo, napansin niya ang dalaga na nakakumot ito na tinatakpan ang buong katawan. Nakabaluktok ang dalaga ng higa at pinagpapawisan.
Kumunot ang noo ni Lorenz kaiba iyon sa naiisip niyang bubungaran sa kwarto. "Sandra?"
Nagdilat ito ng mata. Hinipo niya ang dalaga sa noo at doon niya napansin na iba na ang mood nito ngayon. Pinagpapawisan ng malamig ang nobya niya. Tinanggal niya ang kumot na tumatakip sa katawan nito saka siya napalunok.
Nakabaluktot at nakahawak si Cassandra sa puson nito at halata na may iniinda ang nobya niya. Pinilit niyang ilayo ang mata niya sa dalaga pero hindi rin niya maiwasan na mapatingin dito. Napalunok na lang siya sa ayos nito.
"M-may problema ba?" tanong niya.
"Shogun, may dysmenorrhea ako… Pwede mo ba akong ibili ng gamot… saka ng pads or tampons?" sabi nito.
dysmenorrhea? Pads? Tampons? Doon niya lang napagtanto na may buwanang-dalaw ang dalaga. Gusto niyang maasar dahil bigla siyang pinaasa nito.
Naghihintay pa naman siya sa kung ano ang gagawin nito para akitin siya. Naakit naman siya ng dalaga dahil nagawa nito na magpalit ng s.e.xy na damit. Mukhang sa kanilang dalawa, siya ang asar-talo.
Masasakal niya talaga si Christen sa pagbibiro nito sa kanya.
Pinilit niya na maging kalmado. Lumabas muna siya sa main area ng suite at saka niya tinawagan si Christen.
"Yes, Shogun?" nakangisi pa ang dalaga sa kabilang linya.
"Tenten, are you done with your life recently? Anong pinagsasasabi mo d'yan na horny si Sandra? She has a monthly period!" gusto niyang kutusan ang doktora sa pagpapaasa sa kanya.
Natatandaan niya ang pambubully ng babae sa kanya noong mga bata pa sila. Kahit sa kambal na kapatid nito ay bully ito, bukod kay Cally na kuya nito ay wala yatang hindi nakaligtas dito.
"Shogun, I'm an OB-Gyne okay? Baka kasi sinobrahan mo ang performance kaya siya ganyan. Basically, horny talaga ang mga nasa first day ng period. It's not my fault, okay? It's Sandra's fault for being horny and you can't do anything about it because she has a period! Unless… you want to beat the red light" nakangisi na sabi nito sa kabilang linya.
Lorenz "...."
Napasabunot ang binata. He knew kung saan papunta ang usapan na iyon at magmamalinis talaga ng kamay ang babae kung sakaling may kasunod na problema.
Hindi naman siya sobrang manyak para sundin ang payo nito na mag 'beating the red light'.
"I need medicine because of dysmenorrhea saka tampons or napkin" nasabi na lang niya dito.
Matagal bago ito sumagot. "Shogun, anong akala mo sakin, drugstore?"
Lorenz "...."
"Maghanap ka na lang sa labas. Try mo siyang painumin ng ginger tea na may cinnamon at brown sugar. Magrequest ka na rin ng hot compress para ilagay sa puson niya. It will help her… Sa tampons, subukan mong maghanap sa mga drugstores na malapit kung sakaling wala ang hotel. Bye!" hindi man lang siya nito hinayaan na magsalita.
Nangigigil na tiningnan lang niya ang cellphone niya. Halos gusto niyang ibato iyon sa sobrang pagkainis. Mababaliw siya sa mga payo niyo. Bilib talaga siya kay Doc Mikko na nagawa nito na samahan ang dalaga sa loob ng mahigit isang dekada.
Tumawag na lang muna siya sa hotel at sinabi ang request niya. Ginger tea saka cinnamon at brown sugar. Saka nagrequest siya ng hot compress. Sinubukan na rin niya na magrequest ng napkin kahit namumula ang mukha niya.
Sa parte na iyon, tingin niya ay hindi siya napagtripan ni Christen. Seryoso naman ang dalaga kapag sakit na ang pag-uusapan. Mabuti na lang din at handa ang hotel sa kahit na anong request ng mga guests nito.
Nagbihis lang siya saka kumuha ng pajama para isuot kay Cassandra.
Bahagyang nanghihina ang pakiramdam ng dalaga. "Sandra, magbihis ka na muna."
Tumango lang ang dalaga. Saka niya ito binihisan. Sakto naman na dumating ang mga hiling niya mula sa hotel. Ayos naman ang dala nito bukod sa isang bagay. Hindi feminine napkin ang dala ng hotel staff kundi table napkin.
Napahipo siya sa noo. Unang beses niya na mag-alaga ng babaeng may buwanang-dalaw at hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag na ang kailangan niya ay ang ginagamit ng mga babae.
"Ahh… Do you have tampons?" nasabi niya rin sa wakas matapos huminga ng malalim. Pulang-pula ang mukha niya.
Tumango naman ito.
Ngayon niya lang napatunayan na weird pala talaga sa pakiramdam na manghingi o mag-request ng gamit ng mga babae. Lalo na ang ginagamit ng mga ito sa monthly period.
Dinala niya na lang ang tea at table napkin sa nobya niya. "Sweetheart, drink this"
Ininom nito ang tsaa. Saka niya pinahiga ulit. Siya na ang naglagay ng hot compress sa puson nito. May ilang oras pa ba bago ang kasal nila? Napalingon siya sa relo.
Hinawakan ni Cassandra ang kamay niya saka nito dinala sa pisngi.
"Thank you, Shogun"