Chapter 243 - She might be dead

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakaabot naman sa tinakdang oras sa mairie si Cassandra at Lorenz. Matapos kasi na uminom ng gamot at ng tsaa ng dalaga, guminhawa ng kaunti ang pakiramdam niya.

Nakasuot lang siya ng simpleng bestida. Nagpulbo lang at lipstick. Simple lang ang make-up dahil hindi naman talaga siya sanay na magsuot ng magagarang kasuotan.

Si Lorenz ay simple lang din ang suot sa araw na iyon. Madalas na itim na shirt o gamit sa training ang kasuotan nito pero pinili pa rin nito na magsuot ng itim na longsleeve na polo para sa araw ng kasal nito.

"May the blessings of life, the joy of love, the peace of truth, and the wisdom and strength of Spirit, be your constant companion, now and always, as husband and wife. You may seal this union with a kiss..." ang mga binigkas ng Mayor para maging opisyal na mag-asawa na si Lorenz at Cassandra.

Naluha ng bahagya si Cassandra. Hindi niya akalain na sa loob lang ng maikling panahon ay matutuloy ang pagkikita nila ni Lorenz sa pag-aasawa. Isang lalaki na mamahalin siya ng totoo.

Halos isang linggo pa lang silang nagkita pero heto sila at kasama na ang isa't-isa na haharapin ang kinabukasan.

Kung anuman ang nararamdaman ni Cassandra, gan'on din si Lorenz. Parehas sila na wala ng pamilya kaya natagpuan nila ang saya sa bawat isa. Nilapit ng shogun ang mukha niya sa misis niya at siniil ito ng halik sa labi.

Kasama nila sa lugar bilang witness si Prin, Cally, Kai at Bella na bitbit ang mga anak nito.

Nakaplano ang apat na umuwi sa gabi rin na iyon. Si Prin at Cally, patungo sa Japan para kitain si Rob Matsui. Si Kai at Bella ay nakaplano na umuwi sa bahay ng pamilya ng lalaki sa Korea.

Hindi na dumalo ang magkasintahan na Donna at Mat-mat dahil nakatakda ang dalawa na magpunta ng Pilipinas. Sa tingin nila ay umiwas lang si Mat-mat sa tudyo ng grupo nila.

Ang dalawang doktor naman ay nanatili sa ospital dahil hindi pa magaling si Doc Mikko.

Naluha rin si Prin sa kasal na iyon dahil malapit sa puso niya si Cassandra. Kasama niya ang babae sa loob ng mahabang panahon. Si Cassandra ang tinuring niyang pamilya nang mga panahon na malayo siya sa asawang si Cally.

Nang magkaroon ng tyansa, niyakap ng mahigpit ni Prin ang kaibigan at nagbigay ng bati dito.

"Congratulations Dear!"

"Salamat Prin"

"Mamimiss kita. Magsisimula na ako na magtrain sa business ng Daddy at Mommy ko kaya mananatili ako sa Maynila sa mga susunod na taon. Ikaw, what is your plan?" tanong niya sa kaibigan.

Sa loob ng mahabang panahon, kapwa sila natengga sa buhay, napag-iwanan ng panahon kaya sabay din sila na bumabangon.

"May plano na mag-train si Shogun sa Kent mansion sa UK kaya sasama ako sa kanya doon pagkatapos ng issue kay Captain Yeo. Sa ngayon ay plano ko na kumuha ng online courses para i-master ang business course na natapos ko noon."

"That's great! Pwede ka rin na magtrain sa White Devil na nasa London kung gusto mo" suhestyon ni Prin.

"Wow, talaga?"

Tumango si Prin. "sabihan mo lang ako."

"Honey, tama na ang tsikahan. Masama na ang tingin ng shogun sa iyo." tawag sa kanya ni Cally. Nilingon niya lang ito saglit bago binalik kay Cassandra ang atensyon.

"Aalis na kami Sandra." Paalam niya sa kaibigan.

Nagtuloy silang lahat sa kaunting salu-salo na hinanda ni Cally para sa Shogun niya bago sila tuluyan na umalis ng lugar para bumalik sa Japan ng asawang si Prin.

=====

Sa tahanan ni Gon Peter na nasa tuktok ng bundok…

Pinanonood niya ang video ng mga pagsabog sa kung saan-saang parte ng mundo sa malaking TV. Halos sakupin ng TV na iyon ang isang parte ng pader. Hawak niya ang remote control nito na pumipili pa sa kung anong pagsabog ang gusto niyang panoorin.

Tila masokista ang lalaking may ginintuang buhok habang pinanonood ang mga clips mula sa kung saan-saang site. Matalim ang mga mata na iniisa-isa niya ang palabas.

Nakakadagdag pa sa katuwaan niya ang maganda at malakas na tunog ng pagsabog dahil sa Dolby sounds ng mga speaker na nakaikot sa paligid.

Habang nanonood, inistorbo siya ng malalakas na katok sa pintuan.

"Master" tawag mula sa labas.

"Tuloy" sabi niya dito habang patuloy na pinanonood ang mga video.

Binuksan ni Levan ang pintuan saka nito hinarap si Gon Peter. "Master, Pinaghahanap ng awtoridad si Mayu ng Hantataiga na siyang may gawa ng mga pagsabog" Pagbibigay-alam nito.

Saglit na natahimik si Gon para mag-isip. "Anong balita kay Prin Matsui?" tanong niya.

"Walang balita, pero sa tingin ko, hindi nakaligtas ang babaeng iyon sa pagsabog." normal lang na maisip ni Levan ang bagay na iyon dahil may balita siya na ayaw ipatanggal ni Cally ang bomba sa babae dahil sa nangyari kay Cassandra na tumakas ng ospital.

Nagsalubong ang kilay ni Gon. Hindi niya alam kung ligtas si Prin sa capsule bomb na na-inject dito pero naniniwala rin siya na hindi basta-basta mamamatay ang babae.

Sa kabila ng lahat, umaasa siya na sana ay ligtas ito. Nakita niya kung paano lumaban si Prin Matsui at alam niya na hindi ito basta maghihintay lang ng katapusan nito.

"Gusto kong makausap si Captain Yeo at ang asawa niya" utos niya kay Levan.

"Masusunod"