Chapter 261 - Find your Master

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pinuntahan ni Rob ang lugar na tinuro ng mga kasama niya kung saan naroon ang sasakyan ng Dark Guards. Nagsisimula nang kumalat ang liwanag sa paligid. 

Wala naman siyang maramdaman na may nangyari sa anak niyang si Prin at sa asawa nitong si Cally kaya mas nakahinga siya ng maluwag. 

Inutusan ni Rob ang isa sa A team na dalhin ang chip at e-card sa Matsui Mansion habang naroon si Mat-mat. 

Matapos iyon, sinuri niya ang laman ng tumagilid na sasakyan para makakuha ng dagdag na ebidensya. 

Hindi niya nakita ang bag na madalas na bitbit ni Bob. Wala rin kahit bakas ng laptop ni Tom kaya nakasisiguro siya na nakatunog ang mga ito sa magaganap bago sumabog ang sasakyan. 

Kinuha niya ang radyo sa bulsa ng suot na jacket. 

"Dark Guards, I want to talk to your Master Cloud or Ginny" sabi niya. 

*scccht* *schhht*

"I'm here!" sagot agad ni Ginny na hindi man lang tumagal ang isang minuto. Halata na naghihintay talaga ito ng balita. 

"They are not here. Nakaalis sila bago sumabog ang van ng Dark Guards." balita niya dito. Halata rin naman na nakahinga ng maluwag ang babae. 

*scccht* *sccchhhht*

"Sigurado na nakatunog sila na ang puntirya ng terorista ay ang itim na sasakyan." sabi nito. 

Tumango-tango si Rob. Kung nakuha nito na ang mga itim na sasakyan ang puntirya ng Hantataiga, siguradong hindi rin iyon makaliligtas kay Cally. 

"Ang problema, hindi ko alam kung saan sila nagpunta." sabi niya habang iniikot ang paningin. 

"Sigurado na palayo sila sa main road" sagot muli nito. 

"Ginny, mayelo at masukal ang paligid dito at hindi ako sigurado kung nakahingi sila ng tulong. Bitbit pa nila si Khalid." 

"I can find ways Rob." sabi lang nito saka niya narinig na pinatay nito ang radyo. Bahid pa rin dito ang pag-aalala. 

"Where are you, Prin?" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa radyo na hawak. 

=====

Sa bahay ni Master Higo… 

Pinakain sila ng matanda at pinainom ng tubig. Kaya nakabawi sila ng lakas. Malaki ang pagpapasalamat ni Cally sa matanda at nagawa sila nitong tulungan. Hindi siya nag-alok ng halaga kahit alam niyang may kapalit ang pagtigil nila sa bahay nito. Pero alam din niya na hindi iyon nababayaran ng salapi kaya nga hindi na siya nag-alok pa. 

Hahayaan niya na lang na kailanganin naman nito ang tulong niya sa susunod. 

Tumayo si Cally at nagbigay ng galang sa matanda. 

"Master, maraming salamat sa tulong niyo." sabi ni Cally. 

Sinilip nito si Khalid na tahimik na nakatingin din sa matanda. Napangiti ito kahit nananatiling seryoso ang mukha ni Khalid. "Matalino ang anak mo" komento ng matanda. 

Napakamot si Prin sa ulo "Ahh… nasa lahi po." 

"Honey, naniniwala ako na matalino ka talaga kaya totoo ang sinabi mo" makahulugan na tudyo ni Cally. Hinaplos pa nito ang buhok ng Prin. 

Isang nakamamatay na irap ang ginanti ni Prin sa asawa niya. 

Naaaliw naman si Master Higo sa inakto ng mag-asawa sa harap niya. "Ano ang plano niyo ngayon?"

"May makukuhaan po ba kaming signal para sa internet?" si Tom ang nagtanong. 

Wala na kasing pag-Asa pa ang radyo kaya naman ang internet o signal na lang ang kailangan nila. 

"Sa Norte sigurado na may signal. Pero gusto ko nang magpaalala na mas malamig doon at may mga puting lobo sa paligid." sagot nito

Hindi naman nakaramdam ng takot ang kahit isa sa kanila nang nakarinig ng Lobo. 

Lihim na natuwa si Master Higo. Rob Matsui is not just his good student. He was also a good master and a leader. At ang mga batang ito ang bunga at magpapatunay sa bagay na naiisip niya. 

Tumayo si Cally habang nasa malalim na pag-iisip ang matanda. 

"Salamat Master! Pagpasensyahan niyo po sana ang abala namin. Kailangan na po namin umalis." 

Tumango ito. "Mag-iingat kayo" ang huling saad nito. 

Isa-isa naman na nagsipaglabasan ang mag-asawa na bitbit si Khalid at ang tatlong Dark Guards. 

=====

Hindi napigilan si Ginny na umalis ng Matsui Mansion na kasama si Cloud Han. Nakasakay sila sa van at naghihintay sa malayo mula sa itim at dilaw na harang. 

"Ginny Lopez, are you sure about this?"

"I'm sure!" 

Magkahawak-kamay silang lumabas at binuksan ang pintuan sa likuran ng sasakyan. Bumungad sa kanila ang ulo ni Bantay. 

Hinaplos ni Ginny ang pisngi ng alaga nilang leopard. "Bantay, I want you to find your Master Cally. Ibalik mo siya sa akin" sabi lang niya dito. 

Hindi nagtagal ay tumalon ito at tinungo ang  masukal na lugar na nasa gilid ng kalye. Lumingon pa muna ito sa mag-asawang Ginny at Cloud Han bago tuluyan na nawala sa paningin nila para hanapin ang mag-asawang Prin at Cally. 

Naniniwala si Ginny na nasa loob ng maputing gubat na iyon ang anak niya at ang pamilya nito.