Kinuhanan ni Rob ng picture ang marka nito sa braso pati ang mukha ng lalaki gamit ang camera ng bitbit niyang cellphone. Kahit pa parang gripo na dumadaloy sa leeg nito ang dugo, wala siyang pakialam.
"One Hantataiga down." Sabi niya sa mga kasamang A team.
Hinanap niya ang suot nitong jacket na gray sa paligid at hindi naman siya nahirapan na makita iyon sa loob din mismo ng sasakyan kung saan niya nakita ang lalaki.
Kinalkal niya ang mga bulsa ng gray na jacket para masuri kung may magagamit siya sa pag-iimbestiga. Limang e-cards na kalalabas lang sa market ang nakita niya sa bulsa nito at mga resibo. Ang e-card (like BEEP CARDS we use in trains) na iyon ay maaari na ipambayad sa transporation, pambayad ng gasolina, pambayad sa mga vendo machines sa buong siyudad at kung ano pa.
Kinuha niya ang mga iyon at nilagay sa isa sa mga bulsa niya .
Tumakbo siya muli paabante patungo sa grupo ng mga rescuers nang bigla siyang mapahinto. Naisip niya na maaari rin na ipambayad iyon sa parking. Sa parking lot ng Airport!
Agad niyang binuksan ang flashlight na nakasuksok sa isa sa mga bulsa ng suot niyang pantalon at sinuri ang isang e-card. Kung titingnan, para lang itong ordinaryong card na may magnetic stripe at parang ATM.
Kinuha niya ang patalim at hiniwa sa gitna ang isa sa mga e-card. Dahan-dahan niyang binuksan iyon at hindi nga siya nagkamali sa hinala. May laman ito na maliit na ch.i.p.s na kasing nipis ng papel at kasing laki ng SD card sa gitnang bahagi ng e-card.
Kinuha niya ang apat pa at pinagsasaksak sa gitnang bahagi para masira ang ch.i.p.s na laman nito. Hinagis niya ang mga iyon sa isang sasakyan na bahagya na lang na nag-aapoy at hinintay na matunaw ang mga e-cards para makasiguro na hindi ito na sasabog pa.
Habang naghihintay, nag-isip pa siya ng mabuti. Hindi niya alam kung ilan pa ang Hantataiga na nasa paligid. Kung mag-isa lang ba ang lalaking napatay niya o may kasama pa ito. Pero sigurado siya na kasabwat nito ang kung sino man na nagbabantay sa parking sa airport.
May palagay si Rob na ang device na ginagamit sa exit para basahin ang e-card ang siyang nag-trigger para salain ang mga itim na sasakyan sa iba pa.
Kinuha niya ang radyo ng Dark Guard sa bulsa ng jacket niya at binuksan iyon "Dark Guards, this is Rob Matsui"
*sccchtt* *scccchhht*
"Yes, Master!" hindi naman nagtagal na may sumagot mula sa base..
"Please investigate kung sino man ang tao na nagbabantay sa pagpasok at paglabas sa parking lot ng airport. May palagay ako na terorista ang mga iyon."
"And call Matthew to come here in the city as soon as possible." utos niya. Kailangan niya si Mat-mat para ipasuri ang ch.i.p.s na nasa kamay niya.
*sccchtt* *scccchhht*
"Master, ang totoo narito na po si Mat-mat, si Ms. Ginny at si Master Cloud sa Mansion" sabi sa kabilang linya.
Kumunot ang noo niya sa nadinig.
Paanong nakapunta sa Matsui Mansion ang mga ito nang hindi dumaan sa airport? At sa gan'on kabilis? Parang ilang oras pa lang silang nag-usap sa video call at naroon na ang mag-asawa?
Napapailing na lang siya. Hindi talaga matitiis ng kaibigan niya ang asawa nito. Alam niya kung paano mag-alala si Ginny sa kahit na sinong anak nito at hindi talaga ito matatahimik sa Pilipinas at maghihintay lang ng balita hanggang hindi nakikita si Cally.
Napabuntong hininga na lang siya.
"Pare, this is Cloud" narinig niya muli habang nagmumuni-muni. "What is the situation out there?"
"*sigh* Hinahanap pa namin ang sasakyan ng Dark Guards pero may ipapadala ako sa base para masuri ni Matthew. Isang ch.i.p.s na sa tingin ko ay ang mismong bomba"
"our wives wants to go. What can I do?"
Gusto niyang matawa bigla sa tono nito. Iyon pala ang dahilan nito. Malamang ay nap-pressure na ang kaibigan niya sa pangungulit ng dalawang babae.
Napakamot si Rob sa ulo niya. Sa totoo lang ay nahirapan siya na kausapin si Ingrid bago siya umalis ng mansyon. Pinangakuan na lang niya ito na hahanapin niya si Prin.
"Boss, nakita ko na ang sasakyan ng Dark Guards. Wala dito sila Master Cally at Miss Prin o kahit na sino sa tatlong Dark Guards" sabi ng isa sa A team.
Nakahinga ng maluwag si Rob. "Sige papunta na ko."
Matapos sagutin ang isa sa A team, binalingan niya muli ang radyo para magbigay ng balita kay Cloud Han.
"Wala sila sa sumabog na van. Ikaw na ang bahala diyan. Bye!" mabilis siyang nagpaalam para tunguhin ang sasakyan ng Dark Guards.
Sigurado rin kasi siya na ang dalawang babae na ang susunod na mangungulit sa kanya. Kung hindi si Ingrid na asawa niya, ay si Ginny Lopez. Kaya mas mabuti pang patayin na lang niya ng radyo para hindi siya madamay sa pressure ng kaibigan.
=====
Nangangatog sa takot si Mat-mat habang nasa Matsui Mansion. Biglaan siyang pinatawag ni Cloud Han dahil kinailangan nito ang skyjet niya para mabilis na makapunta sa Matsui Villa.
Ang problema, nakatitig sa kanya si Bantay at hindi siya makakilos dahil sa takot sa mabagsik na leopard na ilang dipa lang ang layo sa kanya.
"Uncle Cloud! Pauwiin niyo na ako!" sa mga oras na iyon ay dapat namamanhikan na siya sa bahay nila Donna na biglang pina-cancel ng Tita Ginny niya.
Yung totoo? Kailan siya makakasal sa kanyang My loves?